Chapter 36

917 26 1
                                    

Nang natapos na sa paliligo ay lumabas kaagad ako. I jumped a bit when I saw him lying on my bed while holding my phone! Napatakbo ako ng wala sa oras at hinablot iyon sa kanya.

Ang mas masaklap ay wala itong password kaya malaya niyang nabuksan ang phone ko! How dare him?!

"Why are you here? Sa guest's room ka 'di ba?" tanong ko at napatingin sa maleta niyang dalang naroon. "At bakit nandito 'to? I already gave you a room."

He sat and then slightly yawned. Prenteng prente ang higa niya kanina at ngayong naabutan ko ay kalmado pa rin ang mukha na parang balewala lang sa kanya.

Ni hindi ko narinig na nag-ingay ito dito! Ganoon ba katagal ang pamamalagi ko sa banyo at nagawa niyang makapunta dito agad?

"The room that you gave me is spacious. Ayoko roon, masyadong malaki para sa akin. And I don't want to sleep on Theo's room. Baka maistorbo ko kaya dito na lang ako. I hope it's fine?"

My head suddenly heated on that. At parang mayroon naman akong choice?Eh yung isang kwarto ay walang masyadong gamit na laman at walang kama na naroon.

So sa akin ang ending nito? Wow.

"You'll sleep on the floor, I'll sleep on the bed. Hindi tayo magtatabi," I finalized as I went to my closet and then took out my shirts there. Pinili ko iyong masyadong natatabunan ang katawan ko.

"Bakit? Takot ka bang may gawin ako sa'yo?" tanong niya at isinandal ang likod sa head board.

As if namang gusto ko? Anong akala niya sa akin? Bibigay kaagad sa kanya?

"At bakit? May binabalak ka ba?" balik kong tanong saka padabog na isinara ang closet.

His playful smile appeared and then he wiggled his eyebrows like he's planning something. He licked his lip and then bit it like seducing me.

Hindi niya ba alam na mukha siyang tanga habang ginagawa iyon? He looks like a crazy dog craving for something gross.

"Sundan na natin ang anak mo. We have our time here, Aria." Binato ko iyong librong nahawakan ko at kaagad na nagbihis sa banyo. I heard him laughing as if he made a joke earlier.

Pupunta rito para doon? Ganoon na ba kamanyak ang lalaking iyon at nasabi lahat nang iyon sa harap ko? He's too much. Mula pagdating rito hanggang ngayon ay nagiging ganoon na siya.

Epekto ba ng niluto niya iyon?

Lumabas ako saka pinandilatan siya. He's still on my bed, resting his head while he's waiting for me. Nangunot ang noo ko kaagad nang mapansing hindi man lang ito naglatag ng kung ano sa sahig para higaan niya.

I have an extra mattress here. Sigurado akong kitang-kita iyon mula sa pwesto niya kaya bakit hindi niya man lang kinuha doon?

"Alis," utos ko nang hindi nito naisipang umalis sa kama ko. I'm not being rude. Ayoko lang makatabi siya ngayon.

"I can't sleep on the floor. Hindi ako sanay."

"I have a mattress there. Kunin mo at iyon ang higaan mo," asik ko pa, determinadong ayaw siyang makatabi.

"Still, hindi ako sanay. I can make a space between us if that's what you want. Hindi rin ako gagawa ng ikaaayaw mo kung iyon ang makakapagpalubag sa loob mo." With that, he put two pillows between us. Nagsilbing harang iyon sa aming dalawa.

Sa huli ay hindi ako nakaangal dahil kaagad na itong nahiga at ipinikit ang mata. I dried my hair first before lying down, too far from him.

Malaki naman iyong kama ko pero hindi ako makakatulog ng maayos kapag naglapat o kapag nagalaw man lang ang unan na nakapagitan sa amin. We can't be that near.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon