Chapter 15

774 20 4
                                    

I went home. It's Papa's birthday and I can't miss that special event for him. Umaga talaga ako umuwi dahil alam kong inaasahan niya ang pagdating ko sa bahay. It's just a simple celebration. Naghanda ng kaunti si Mama kaya imbitado iyong nga katrabaho ni Papa.

I bought him a gift and even a cake. Halos kada birthday niya ay lagi akong umuuwi nang may dala. Paraan na rin iyon ng pagpapasalamat ko sa kanya. For all the supports and advices that he's giving me.

Simple lang iyon pero pinag-ipunan ko. It's his favorite shoe. Pinili ko lang iyong talagang choice of color niya. Mahilig kasi siya sa itim kaya iyon ang binigay ko.

Ngayong weekend talaga napagplanuhang i-celebrate para makauwi ako. Alam naman nila kasing may pasok ako saka hindi magkakaroon ng tyansang makauwi kapag weekdays.

Nagpaalam na rin ako sa trabaho at sigurado akong alam na iyon ni Mavy. That's why these past few days, he's being with me. Naiintindihan ko naman kasi iyon naman talaga kapag gusto mo ang tao? You spend some of your time just to be with him or her.

Nagpaalam rin ako kay Gab dahil alam kong tadtad na naman ng text ang phone ko kung sakali. He's really studying well. Kaya ang minsang text niya sa akin ay madaling araw na o di kaya ay lutang. There's a bit of typo.

Parehas lang naman kami pero mas naba-balance ko ang time ko. And he's graduating few months from now. Ang saya siguro panooring nakangiti at nakatoga ito.

Pagdating sa bahay ay nakahanda na ang lahat. Kaunti lang naman ang bisita kaya mostly mga katrabaho lang naman ni Papa o di kaya iyong mga pamilya nila.

I greeted each of them and exchange some chit chats. Naroon pa iyong pagmamalaki sa akin ni Papa na ikinatuwa ko.

He's really proud of me. Lagi niyang ginagawa iyon tuwing birthday niya at kapag pinapakilala ako sa mga katrabaho niya. He's saying a lot of my achievements which made them in awe.

Siguro kahit sino namang magulang ay magiging proud sa anak kapag ganoon.

Magalang kong inalis ang sarili saka tinulungan si Mama. Talagang niluto niya lahat ng paborito ni Papa kaya hindi ako magtatakang mauubos lahat nang ito mamaya.

Kumain na rin ako at palihim na tinitignan ang phone. My expectation turned into reality when I received a message. Sinulyapan ko si Papa na ngayon ay busy sa pakikipagkuwentuhan.

From: Gab

Miss na kita :(

Napailing ako nang mabasa iyon. Mukhang clingy sa text pero kapag sa personal naman ay todo asar at pangungulit sa akin. Joaquin Gabriel is such a cutie but with a manbun. I admire his hair more than his physical features.

To: Gab

Itulog mo lang 'yan.

From: Gab

Paano ako makakatulog kung tumatakbo ka sa isip ko?

To: Gab

Ha? 'Di ba dapat tanong mo sa'ken 'Hindi ka ba napapagod?Kasi tumatakbo ka sa isip ko?'

I heard that pick up line before. Sobrang luma na kaya minsan kong naririnig. And it's so cheesy. Napapairap nga ako kapag naririnig ko iyon.

Saglit na tumigil ang pag-reply niya. Naalarma ako nang tumingin sa akin si Mama kaya napasubo na lang ako ng cake.

God. Para akong kriminal na may tinatagong kasalanan. Sana naman hindi niya nakita.

From: Gab

Hindi naman 'yon pick up line. HAHAHAHA

Napanguso ako nang mabasa ang tawa niya. Talagang capslock pa.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now