Chapter 20

780 25 0
                                    

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Halos hindi na ako makatayo pero nang sandaling namulat ang mata ay kaagad akong napabangon, hindi ininda ang nararamdaman.

Inilibot ko ang tingin sa kwartong hindi ako pamilyar.

Anong nangyari? Kaninong kwarto ito? Bakit panlalaki?

I started remembering what happened last night. Nag-date kami ni Gab. Kumain, nanood ako ng movie, nagluto siya, nag-inuman—

Wait.

Nag-inuman kami. I was drunk last night. Tanging ang naalala ko lang ay sumuka ako. Iyon ang huling nangyari. Wala na bang iba?

Napasapo ako sa noo nang maalala iyon.

Naman! Napaka walang hiya ko nang sinukahan ko siya! At ang mas malala ay nandito ako sa kwarto niya. And he cleaned myself!

Matino naman ako kagabi, ah? Bakit humantong sa ganoon? Nakatulog ba ako kaagad o may iba pang nangyari?

Kinapkapan ko ang sarili, pinapakiramdaman kung may masakit ba sa katawan. Nakuntento na ako nang wala kaya madalian akong lumabas.

At least, he didn't take advantage of me. Naabutan ko itong nakabaluktot na nakahiga sa couch niya.

Sobrang tangkad naman kasi kaya hindi nagkasya. And he's not having a blanket to cover himself. Siguro naman ay wala namang lamok dito.

Lumapit ako sa kanya saka akmang tatapikin nang malapitan ang kanyang mukha. Tulog na tulog. He's so handsome on this angle.

His reddish lips and long black eyelashes screams gentleness. Iyong napakatangos na ilong na parang kapag nahulog ang butiki ay magawang makapatong. His cleft chin looks perfect. Kapag malapitan lang napapansin iyon, pero kapag malayo ay hindi gaanong napapansin. His face is poreless. Na para bang sa sobrang kinis niyon ay mapapahiya ang tekstura ng salamin.

He's just... a true definition of not so perfect man. Kahit medyo nakabukas iyong bunganga niya ay iba ang nagiging dating.

His hair is  tied. Kaya maski iyon ay parang nagagawa kong purihin. Pwede ko bang sabihin na mukhang gangster iyong itsura niya pero hindi nananakit? Ganoon lang ang dating niya, mapaglaro lang sa mga babae.

I sighed deeply and then diverted my eyes anywhere. Ngunit kasabay no'n ay ang pagmulat ng mata niya. I jumped a bit but he caught me. Napalunok ako nang mas ilapit nito ako sa kanya.

So close that there's only me and him today.

I can feel his breath. His eyes were like a pool of something that can hypnotize me.

Ngayon pa na-timing.

"Good morning," he greeted me. Bagong gising pero iyong hininga ay walang amoy.

Halos hindi na ako nakapag-isip ng tama nang madalian ako nitong hinalikan sa pisngi. Ilang sandali akong natigagal.

Para akong nahuli sa sariling akto. It was not my intention to look at him for that long. Sadyang nagandahan lang akong tignan iyong mukha niya.

He, then got up and went to his bathroom. Ako naman ay napahawak sa pisngi saka pinunasan iyon gamit ang kamay. All I can hear is the splash of the water coming from his bathroom.

I took that as a chance to cook breakfast. Naghalungkat lang ako doon sa ref niya saka nagluto.

Kahit nga doon ay natutulala pa ako sa ginawa niya. Para bang ang laki ng naging epekto sa akin.

Normal lang ba iyon kapag nanliligaw?  Is that intended when you're courting someone? Parang hindi naman, ah? And why would he do that?

O sadyang ganoon lang siya kapag bagong gising?

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now