Chapter 12

736 27 1
                                    

Maaga ang naging usapan namin ni Mavy. It's already 5 am and here I am, waiting for him outside the dorm. Dala ko lang iyong backpack dahil isang gabi lang naman daw. Kaunti lang rin naman ang dinala kong damit. Wala rin naman akong dalang mga abubot.

Susunduin niya kasi ako rito kaya dito na lang ako naghintay. Nang makarating na ito ay kaagad na akong pumasok sa sasakyan niya.

He's wearing jersey shorts and simple shirt only. Samantalang ako ay naka jeans pa kahit beach naman iyong pupuntahan namin. Magbibihis na lang ako doon mamaya.

"Sorry. Pinaghintay pa tuloy kita," he started the engine and started driving. Tumango na lang ako dahil napaaga rin naman ang gising ko. Pinaalam niya kasi ako sa mama niya na hindi magtrabaho dahil isasama niya ako.

Ang dali niyang napapayag ang boss ko. Hindi na ako kumontra pa doon kasi maaga rin naman talaga ang lakad kaya medyo mahaba-haba iyong naging tulog ko.

I got an 8 hours of sleep which is better. At least hindi ako aantukin mamaya.

He stopped at the near fastfood chain and took out some breakfast. Kape iyon saka egg, pancake, bacons. Hindi rin naman ako nakakain kanina kaya papatusin ko na lang ito.

"Bayaran na lang kita mamaya," sabi ko pero umiling ito. He's eating while driving. Multi tasker.

"It's my treat here. Ako naman ang nagsama sa'yo kaya taya ko," I shrugged my shoulder and continued eating. 'Di bale, ililibre ko na lang ito mamaya ng kung anong pagkain doon. Hindi naman ito maarte, eh.

He said that it'll take a couple of hours before we arrive there. Okay lang naman sa akin kasi ngayon lang din ako makakapag-beach since matagal-tagal na iyong naging huling punta ko. Iyon nga lang ay iba na ang kasama ko, hindi tulad dati na sina Mama at Papa.

I sighed upon remembering my last communication with Gab. Tinamad na rin akong suyuin o kausapin ito dahil wala naman akong napapala. Bahala siya dyan. Pagod na ako kakasubok ng pakikipag-usap sa kanya.

Papalamigin ko muna iyong ulo niya. Masyadong mainit kasi kapag kinakausap ko. Ewan ko ba kung bakit hindi niya masabi kung anong ikinagagalit niya. Tsk.

He's not doing an effort to talk to me. Okay lang naman sa akin kasi alam ko namang medyo may kaunting galit iyon sa akin. Saka nagawa na nga niyang makipaghalikan kaagad sa iba.

Hindi naman niya ako girlfriend pero nandoon iyong inis sa akin kasi mas inuna pa ang kalandian kaysa kausapin ako. Nakakairita. Ni hindi man lang isinantabi iyon? Talagang inuna ang hanap ng katawan.

"Ria," he asked while I'm slowly drinking my coffee. Napatingin ako sa kanya kahit iyong atensyon niya ay nasa daan.

"Ano?" humugot ito ng malalim na hininga bago napalunok ng ilang beses. Napapahilot sa sentido saka huminga na naman ng malalim.

May problema ba 'to?

"I know it's so surprising to hear this but I really can't hide it anymore," he fixed his specs while I remained my curious look on him.

Wala akong ideya sa mga sinasabi niya kasi hindi naman talaga ako nag e-expect na may sasabihin ito sa akin. Baka papaalisin ako sa trabaho ng mama niya at hindi naman ako makakapayag doon.

I love working there though sometimes I didn't got enough sleep. Napamahal na ako doon tapos iyon na nga lang pinagkukuhanan ko minsan ng pangangailangan.

"I like you," dire-diretso niyang sabi kaya nabulunan kaagad ako. I coughed many times and he panicked on that. Iwinagayway ko ang kamay ko, pinapaalam na ayos lang dahil sa gulat.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now