Chapter 7

909 33 0
                                    

After our class, I went to my part time job. Hinatid ko lang sa dorm iyong bag ko at mabilisang dumiretso doon.

Oliver was surprised. Naunahan ko kasi itong pumasok kaya ganoon ang gulat.

Kahit hindi ko pa shift ay nandoon na kaagad ako, naglilinis at nagmo-mop na ng sahig.

"Ba't ang aga mo?" Oliver asked.

"Wala lang. Sayang din pera."

The reason was I don't want to be with Gab today. He invited me to a dinner which I never like!

Hindi ko na nagawang mag-reply doon sa naging text niya dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot.

As much as I want to say that I am rejecting it, there's part of me that says that I should not reply. I have work. Hindi ko rin alam kung matatagalan ba kami pero mas importante sa akin ang trabaho.

Nagi-guilty pa rin ako dahil baka umaasa iyon at baka naghihintay sa magiging reply ko. I turned off my phone to have a peace of mind, not thinking about it. Dahil alam kong tatadtarin lang ako ng text kapag hindi ko ginawa iyon.

Bukas na lang siguro ako magpapaliwanag sa kanya. And while working, I am thinking what reason I should say.

Nakatulog ako? That would be unbelievable. Hapon pa niya nai-text iyon pero nakatulog kaagad? Scratch that.

What if may pinuntahan? Tsk. Labo rin kapag ganoon. Baka nga magawa pang humingi ng tulong kay Chesca, eh.

Chesca knows me very well. Alam niya kung saan ang nagiging lungga ko kapag may naghahanap sa akin. It's either mall, bookstore, dorm, sa part time job, o 'di kaya nag o-overtime doon sa library.

Pwede namang sabihin ko na may sakit ako o di kaya busy sa schoolworks. Ah ewan! Wala akong mahanap na matinong dahilan na sasabihin sa kanya.

Wait. Why would I explain to him? Bakit ko pinapahirapan ang sarili kong mag-isip tungkol doon? Niyaya lang naman ako ng dinner tapos hindi ako sumipot.

It's actually my first time being invited to a dinner with someone, especially a man. Kaya hindi mapirmi ang isip ko sa kakaisip kasi nga unang pagkakataon ko pa lang!

Ipinilig ko ang ulo at tinuloy ang trabaho.

Mag a-alas otso na. I hope that he's not hoping for my presence. Bakit naman niya ako iniinvite sa dinner? There's nothing to celebrate.

Saka, pumayag nga ako kahapon na next time ulit basta huwag lang date. Pero kasi dinner 'to, eh. At hindi ako sigurado kung active ba o hindi iyong mga kababaihan na nakakakilala sa kanya.

I don't want to see myself being dragged by his girls! Iyon ang pinaka ayoko sa lahat. Baka kapag nagkataon na makita kami ay ma-issue ako. Not now.

Napaigtad ako nang kalabitin ni Oliver. Kunot ang noo nito at may kung anong sinabi sa akin.

"May naghahanap sa'yo," huh? Except Chesca, sino iyon?

"Lalaki?" I started to feel nervous when he nodded.

For sure, that's him! Nakita na niya ako dito noon kaya hindi ako nagkakamali na posibleng siya iyon!

I have no choice today. Tumango lang ako kay Oliver at tinapos ang ginawa bago dumiretso sa counter.

He's standing and wearing a simple shirt and above the knee black shorts. He's crossing his arms while he stared at me.

Kahit ganoon kasimple ang suot niya ay talagang iba ang dating. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now