Chapter 5

1K 44 4
                                    

"Meeting someone here?" Maverieck asked him. Ngayon ay hawak nito ang braso ko at wala akong choice kundi ang tumayo sa gilid niya habang kausap si Joaquin.

Bakit nga ba nandito itong lalaking 'to? I'm not surprised that he's studying here since pareho lang naman ang uniform na sinusuot nila. Pero ngayong gabi pa talaga sumulpot dito.

And I'm sure na hindi siya iyong narinig ko kanina. Tandang-tanda ko na ang boses niya.

Hanggang dito ba naman ay nasusundan ako ng lahi ng lalaking ito?

"No. I forgot something," he gave a glance and to my arm. Seryoso na ang tingin nito at mukhang naiirita na.

"We'll go then," tumango na lang ito at hinatak na ako ng marahan ni Mavy. Hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil paglabas namin ay kaagad na kaming dumiretso sa sasakyan niya.

We shared on his umbrella. Malakas pa rin ang ulan at mukhang mahihirapan ako nito pauwi mamaya.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag sa loob ng sasakyan niya. He drove it. Tahimik lang akong nakaupo habang kinakalikot ang phone.

"Do you know that guy?" napaangat ang ulo ko at tinignan ito. Sa uri ng kanyang boses ay tila nanunubok.

"Medyo? Minsan ko kasing nakikita iyan sa trabaho," tugon ko at tumango ito. Ayoko ring makitanong sa kanya kung ano ba ang relasyon nila. Kaklase niya ba o ano. Ayoko rin namang pag-usapan ang lalaking iyon.

"Don't ever let yourself be with him. Matinik iyon," tahimik akong sumang-ayon. Maski ako ay ganoon rin naman ang tingin sa kanya.

Yes, he's not doing anything to the girls he's dating but that doesn't change the fact that he's a dating a lot of girls in a week!

Siguro kung ilang araw sa isang linggo ay ganoon din karami ang nilalabas niya.

Hindi na ako magtataka.

Mayaman, gwapo at talagang habulin. Sinong hindi papatol sa kanya?

Marami ring pumapangarap na mga estudyante roon. Swerte mo lang kung mapansin ka niya.

Sa lahat yata ng napansin niya ay ako lang ang may ayaw. I don't like the way he treats women. Nakuha niya yata lahat ng ayaw ko.

"Salamat," ibinaba niya ako sa harap ng pinagtatrabahuan. Hinintay kong makaalis ang sasakyan nito bago pumasok sa loob.

Good thing there's no lot of customers. Naabutan kong naglilinis ng kalat si Oliver.

"Sorry, ah? Napasubo lang kay Sir, eh," hingi ko ng pasensya sa kanya. Na-guilty tuloy ako kung bakit iniwan kong mag-isa ito rito. Katulad ko rin kasi ay may schoolworks rin na ginagawa ito.

"Okay lang," he gave me a smile.

For some reason, I don't know if he's really okay with that. Okay lang naman sa akin na magalit ito kasi syempre, trabaho. Ni minsan hindi kasi ito naglabas ng sama ng loob sa akin.

And sometimes, I am doubting about that. Ako kasi minsan ang inuutusan kaya wala naman akong magawa kundi ang sumunod.

Mas hihilingin ko pa kasi na harapin iyong katotohanan. At least, alam ko kung anong nararamdaman mo.

Pero sa kanya kasi, iniintindi niya lang kaya minsan nagdududa ba ako kung okay lang ba talaga sa kanya o hindi.

"Sorry talaga, ah? Baka galit ka kasi," hingi ko ng pasensya ulit. Tumawa lang ito at dinaluhan ako.

"Huwag mo na ngang isipin iyon. Naiintindihan ko naman, saka kaunti lang naman nagawa ko rito kanina," he assured me. Napapahiyang tumango lang ako sa kanya.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon