Chapter 26

709 22 3
                                    

He carried me the time we arrived at his condo. Nagising ako nang maramdamang lumulutang na naman iyong katawan ko. Binuksan niya ang pinto saka ako pinaupo sa sofa niya.

"I'll make you a coffee. We'll talk and please, huwag ka munang matulog." Kinusot ko ang mata saka nahiga.

Dumiretso ito sa kanyang kusina kaya wala akong ginawa kundi ang hintayin siya. Ala una na ng umaga ngunit heto, nagtitimpla siya ng kape para sa akin.

Nagpasundo lang naman ako pero hindi ko naman sinabing dito ako didiretso sa condo niya. I am drunk but I can handle myself alone in my dorm.

Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Mavy saka kay Chesca. For sure, baka mataranta na naman iyon kapag nalamang umuwi ako ng wala sa oras. Baka isipin tumakas ako.

"Here. Drink some water first." Umupo ito sa harapan ko saka inabot sa akin ang baso. Ininom ko iyon saka naman nito inabot ang kape sa akin.

"Salamat," sabi ko bago dahan-dahang hinigop ang kape. Tinali niya iyong buhok ko saka pinunasan ang mukha ng basang bimpo.

He wiped it with so much care. Sobrang gaan ng kanyang kamay na tila kapag diniinan ang pagkakahawak sa akin ay baka makakagawa ng isang butas sa balat ko.

He's so gentle.

"Hubad."

Natigil ako sa ginagawa bago nanlaki ang matang tumingin sa kanya. He looks serious and just waiting for my answer.

Nang hindi ako gumalaw ay agad nitong hinawakan ang laylayan ng damit ko pero kaagad akong nagsalita.

"Teka naman. Bakit ako maghuhubad? Naninigas ba ang ano mo?"

At first, he was surprised by my reaction but chuckled later. Nakailang iling ito bago napatakip ng mukha saka humagalpak ng tawa.

Napatingin ako sa pagitan ng hita niya. It's not even alive now.

"I will clean you so stop thinking something. Kaya hubad na. Nakita ko naman na 'yan kaya huwag ka nang mahiya."

Pinipigilan niya ang tawa niya kaya naman pinandilatan ko ito. I grabbed the towel from him before taking off my top.

"Tss. Kaya ko."

"Sino ba kasing nagpasuot sa'yo ng ganyang damit? As far as I know, you don't wear that kind of thing. Talaga bang nagpa sexy ka doon?"

I started wiping my arm and then my neck. Napapalunok itong tumitingin sa akin kaya agad kong hinampas sa kanya ng mahina ang towel.

"Biglaang pinasuot lang sa akin ni Chesca. Saka hindi naman ako nagpapa sexy doon, 'no! Kung makahusga 'to akala mo kung sinong malinis, ah?"

Pinitik niya ang noo ko bago ako tinignan ng masama.

"Ba't kayo magkasama ni Maverieck, ha? Tss. Binasted mo na nga, lalapit- lapit pa sa'yo."

"Hinatid lang naman ako doon kasi ang tagal mo. Huwag ka ngang magalit dyan. Dito na nga ako sa condo mo tapos umaatungal ka pa."

"I'm jealous."

Humigop ulit ako ng kape bago ipinagkrus ang braso saka tinitigan siya.

Nagseselos ang Joaquin Gabriel sa kaibigan niya. As if namang aagawin ako no'n?

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now