Chapter 28

727 21 0
                                    

I was silent until we reached our house. Buong oras ay tanging paghikbi, pagkatulala at pag-iyak lang ang ginagawa ko.

My father was silent too but I know the level of his anger. Kahit tahimik ay alam kong galit na galit ito sa akin.

"P-Pa..." Iyon pa lang ang nasasabi ko ay biglang bumuhos na kaagad ang mga luha ko. Gulat na gulat si Mama sa nangyari sa akin.

Nakatayo si papa sa harap ko habang madilim akong tinititigan. I could not even make him calm right now.

"S-sorry. Kasalanan ko lahat. Ginusto ko 'to, Pa. Gusto ko lang--"

"Alam mo bang malaki ang inaasahan ko sa'yo? Ang taas ng ekspektasyon ko sa'yo tapos malalaman kong ganito ang pinaggagagawa mo? Ni hindi mo man lang sinabi kaagad sa amin? Ganyan mo ba kamahal ang lalaking iyon, ha?"

Napapikit ako. He said that with all those hard emotions of him. Pinilit akong patahanin ni Mama pero hindi niyon napapahupa ang pag-iyak ko.

"Hindi ba madaling sundin ang gusto ko para sa'yo?! Aria, isang taon na lang naman, gagraduate ka na! Isipin mo naman kaming nagpapakahirap para sa'yo! Tapos ngayon iiyak-iyak ka kasi inilayo kita sa kanya?"

My mind's blank. All I can hear is my sobs. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang sagutin lahat nang ipinaparatang sa akin.

Lumaki akong hindi sumasagot sa magulang dahil nakakatanda sila sa akin. I respect them, but what my father is telling is not what I meant.

Sinasabi niya bang hindi ako makapaghintay? Siguro oo nga kasi agaran lahat ng nangyari.

I even hid it all from them. I managed to lie and even used Chesca as the reason one time.

"B-bakit ganyan kayo, Pa? Gusto ko lang naman pong maging masaya. Bakit parang ipinagkakait niyo naman po sa akin? Wala na ba akong karapatang maging ganoon?"

I was panting and trying myself not to shed a single tear. But as I say those words made my tears fell on its place.

Ngayon rin naman siguro ang pagkakataon na ilalabas ko ang hinanakit. Hindi naman habambuhay ay sa kanila nakadepende ang magiging desisyon ko.

I inhaled a deep breath, trying to relax myself in this difficult situation. 

"Buong buhay ko Pa, sinunod ko lahat ng gusto niyo. Hindi ako nag-boyfriend noon, ni manliligaw nawalan ng tapang nang dahil sa posisyon mo. I lived my life not having a romantic relationship with someone. Hindi ako hayok at uhaw sa lalaki, Pa, kung iyan ang ibig niyong sabihin."

"Hindi ko--"

"Ngayon lang naman ako sumubok na suwayin kayo pero bakit pati kaligayahan ko, ipagbabawal niyo sa akin? Bawal ko bang gawin lahat ng gusto ko nang hindi ako natatakot sa kung anong magiging sermon ninyo sa akin?"

I wiped my face harshly and then faced him with all my courage. Kung ngayon lang din, sasagarin ko na.

I meant what I said that I will fight for us, for our relationship.

Kung ang katumbas niyon ay ang galit ni Papa, sasaluhin ko para sa amin, sa kanya. I can't live my life being coward as always.

Kahit ngayon lang ako magiging matapang.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now