Chapter 33

949 28 0
                                    

It's already late and then here I am, still awake while remembering what happened earlier. Nasa veranda at ang tanging ginawa ko ay ang damhin ang hanging dumadapo sa balat ko.

Wala yata akong ginawa ngayong araw kundi ang umupo rito. Ngayon, nandito na naman.

"Can't sleep?" Mavy appeared and gave me a glass of water. Kinuha ko iyon sa kanya at uminom doon. "Anong pinag-usapan niyo?"

And I told him everything. Mula sa aksidenteng pagkikita hanggang sa natapos sa hindi maganda ang pag-uusap namin.

I have nothing to hide, anyway. Alam naman ni Mavy kung bakit mas nagiging open na ako sa kanya ngayon, na kung bakit handa akong sabihin lahat sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

"Do you... want to start again with him, then?" mahina niyang tanong at hinawakan ako sa balikat.

I know the fact that he still hopes for the possibility of us. Na balang araw ay mamahalin ko rin siya katulad ng pagmamahal ko kay Joaquin.

But as the year goes by, I am still the old Aria Beatrice who suddenly fell in love with Joaquin. Kahit nasaktan at iniwan ng taong pinaglaban ko, naroon pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya na hindi man lang nagbago.

I love Mavy as a friend. Noong mga panahong hindi ko naman hiniling na maging nasa tabi ko siya palagi, naroon siya at tinutulungan ako kahit na mismo ang sarili niya ay kagagaling lang sa isang masalimuot na pangyayari.

"For now, I still don't want to be his mistake again. Kahit iyong relasyon na muna niya sa anak ko ang uunahin ko, ayos lang. My son deserves to know who his father is. Nasira lang ang plano ko ngayon."

He gave me a half smile. May lungkot at tila mayroong panghihina doon.

"Just always remember that I'll always be here. Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako, even if it means not choosing me."

My lips parted. Hindi ko naiisip na sasabihin niya iyon sa akin.

"Mavy..."

"I'm not having a hard feelings here. Kung ano ang sinisigaw ng puso mo, sundin mo. Dati naman, alam kong hindi naman nagbago ang pakiramdam mo sa kanya. You still love him even though he pushed you away. And I want you to choose the one who will complete you."

"But I thought... you love me?"

He chuckled and then shook his head. Kahit bahagyang tumatawa ay ramdam na ramdam ko ang kaunting lungkot at kawalan ng pag-asa roon.

Sa buong taon na nagkasama kami, ni hindi niya pinakitang nawalan siya ng interes sa akin, sa amin. He was always there, ready to comfort me whenever I'm in pain.

Pero ngayong nagkita kami ni Joaquin, parang isinasantabi na niya ang sarili dahil dumating na ang tunay na nagmamay-ari talaga sa akin.

And he knows that I am not choosing him again. He knows that I can't love him the way I loved Joaquin.

"I can't dictate your heart, Ria. Hindi ko mauutusan iyan na ako ang mahalin," he said. "Your heart chooses the person you love. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko. I've been trying any way to let you love me but it didn't work. Si Joaquin ang mahal mo... at ngayon pa lang, sasabihin kong siya na ang piliin mo. I'm willing to be Theo's Tito Dad, don't worry."

A tear escaped from me and then I gave him a hug. He keeps on caressing my back as I cried on his shoulder.

Kung mayroon mang taong gusto kong makasama ngayon, siya iyon. He's my comforter after Chesca left the world. Tingin ko nga'y talagang sinadyang kunin sa kanya ang babaeng mahal niya para sa isang responsibilidad. He looks good in comforting people. I can be the living proof for that.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें