Chapter 25

752 22 0
                                    

The gathering that they planned work. Hindi na rin ako nakatakas kay Chesca dahil ito mismo ang sumundo sa akin. She can't let me not enjoy it. Talagang pinanindigan ang kagustuhan.

She's with her car which I think has a driver on it. Iyong suot niya ay talagang napakaganda at nababagay sa pupuntahan namin.

Ako? I'm just wearing a simple jeans and a white shirt saka iyong sapatos kong matagal ko nang hindi nagagamit. Ngayon lang nagkaroon ng chance.

She dragged me inside of her car and then gave me the paper bag. Kunot noo kong hinawakan iyon saka tinignan ang laman.

"Ano 'to?" Kinuha ko iyon saka pinakatitigan.

It's a short and a sleeveless top. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko kailanman naisipang magsuot nito.

Sure I can handle wearing these but inside the club? No. Masyadong maraming bastos doon minsan kaya bakit ko ito susuotin?

"You'll wear that. Hindi bagay suot mo roon."

"Eh? Iinom lang nga 'di ba? Okay na'to. Sa'yo na 'yan."

Ibinalik ko sa kanya iyon pero kaagad niya ring iminuwestra ulit sa akin. I rolled my eyes and gave her my annoyed look.

Kung bakit sa dinami-dami ng susuotin, ito pa ang naisipang ibigay sa akin. Pwede namang iyong mahahaba, hindi iyong kita na halos ang buo kong binti.

"Ngayon lang naman. Marami naman tayo kaya suotin mo. 'Yong iba nga mas sobra pa dyan. And look, I am sure that will look good on you. Huwag nang maarte, okay?"

"Ano pa bang magagawa ko? Hanggang anong oras ba tayo roon?"

"Hanggang alas tres ng umaga. Well, depende kung gusto nang umuwi ng iba. Basta bahala na mamaya."

Sa huli ay nakumbinsi niya ulit ako. She always has this silver tongue. Lagi akong napapapayag kahit na minsang labag sa kalooban ko.

We arrived at the club she's talking. Kasabay naming dumating iyong ibang kaklase namin. And I could say that I don't really belong here. I mean, iyong suot ko, masyadong out of place.

They're wearing the appropriate dress code here while I am normally wearing the opposite one. Labas iyong mga braso saka kita ang mga pusod.

Mukhang ako nga lang ang medyo disente rito. Baka pagpasok ko mamaya ay magiging belong na rin ako sa kanila dahil sa laman ng paper bag na bitbit ko.

Kaunting batian lang ang ginawa namin sa labas. They seems enjoying while the agenda's not yet starting.

Nakapasok na kami sa loob kaya sa CR ako pinadiretso ni Chesca. I have no choice but to wear what she gave to me.

Nang makita ang repleksyon sa salamin ay halos nagsisi ako.

My skin is exposed. Halos makita na rin iyong dibdib ko dahil sa lalim ng cut sa parteng dibdib.

I hate this. Nakita ko pa naman iyong itsura ng mga lalaking halos lumuwa na ang mga mata kakatingin sa ibang babae. Baka isa rin ako sa magiging target mamaya. Sana hindi.

I went out and then welcomed by Chesca's clap. Nakanguso akong nagpatianod sa hatak niya habang papalapit sa magiging pwesto namin.

Hindi nga ako nagkakamali. Almost half of our class are here. Iyong iba ay nagsisimula nang uminom kahit kakarating lang. We occupied five tables to fit us. Kaya nakiupo na lang ako sa gilid habang nakatingin sa kanila.

Chesca motioned to me the bottle of beer. Tinanggap ko iyon bago inumin. Some of us are now shouting like they own the place. Habang ako ay tahimik lang sa gilid at tinutungga iyong inumin.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now