Chapter 14

769 24 4
                                    

Some says that I'm the lucky one because I am now living the dream of some girls. Mayroong nalulungkot dahil sa nasaksihan, may nanghinayang at mayroong hindi matanggap ang nakita.

I've been studying for almost years now. Hindi ako kailanman nakaranas ng sundo mula school. I have suitors back then but it never came to this point where they will fetch me after classes. I can easily ignore or talk to them.

Pagkatapos kasi ng outing na pinuntahan ay mas pinili kong sumama kay Mavy pauwi. Mapilit si Gab na siya ang maghahatid sa akin pero hindi ako pumayag.

He silently went out of the resort and drove home. Kapag kasi kasama ko siya ay maaalala ko lang iyong nangyari doon sa tabing dagat.

And Mavy apologized to me. Tinanggap ko naman kasi alam kong hindi rin niya sadya ang nangyari. He's too good to not accept his apology.

After that night, I never talked to both of them again. Kinaumagahan lang ako naglakas loob ulit dahil buong gabi kong inisip lahat nang nangyari doon sa beach.

Same place and same confession. Parehong nangyari noong araw na iyon kaya medyo gumulo ang utak ko. Ako lang siguro ang babaeng inaminan pero hindi natuwa dahil biglaan. It's my mind anyway.

"Naghihintay ang prince charming mo," binitbit ko ang libro saka inayos ang bag. I know that she's pertaining to Gab since all of the students outside are shouting.

Ilang araw na niyang ginagawa ang pagsundo sa akin sa labas ng room kaya iyon ang nangyayari palagi. He's the eye catcher student here though he's not studying on our university.

Hindi ko rin naman akalain na tototohanin niya iyong sinasabi niyang panliligaw. It's his own way on courting me. Pagsundo palagi ang nagiging paraan niya.

Lumabas ako kaya madali itong kumilos. He looks like a badboy but only flirting with girls is the bad reputation. Manbun with soft smile can really melt anyone's heart here. Iyon ang sinalubong niya kaagad sa akin.

Chesca excused herself and bid her goodbye to me. Palaging ako na ang pinag-uusapan minsan rito kasi syempre, gulat iyong iba kasi kasama ko iyong heartthrob sa kabilang university.

Hindi ko rin naman talaga ginusto ito. I warned him many times but he's still not following. Gusto niya raw na ako ang huling makita niya bago umuwi sa condo niya.

That's so cheesy. Ilang beses ko nang narinig pero nakakapanibago lalo pa't sa kanya galing.

"Are you ditching your class to fetch me?" pansin ko kasing laging maaga itong nasa labas na ng room. Ni hindi ko nga maalalang pumayag ako sa panliligaw niya.

"Me? Tingin mo ba kaya kong isakripisyo ang pag-aaral ko?"

"Eh kasi lagi mo na lang ginagawa 'to. Malay ko bang nag-aaral kang mabuti," tugon ko pero umiling lang siya.

He's smart. I've witnessed how he used his brain to make it work perfectly, not literally. Lagi ko kasing nakikita iyong pangalan niya minsan sa facebook na pinag-uusapan.

Since malapit lang naman ang dorm ko sa school ay naglalakad lang kami. Lagi na rin itong nagji-jeep papunta sa condo niya na ikinagulat ko.

Usually he's with his car. Kaya kataka-taka noong unang beses na hinatid ako nito tapos agarang sumakay sa jeep. Akala ko nga iniiwan lang ang sasakyan niya sa labas pero hindi.

"You should focus on your studies first before courting me. Graduating ka na 'di ba? Dapat iyon ang pagtuunan mo ng pansin," suhestyon ko na nakapagpatigil sa paglalakad niya. Tumigil rin ako at seryosong hinarap siya.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now