PROLOGUE

16.1K 443 136
                                    

“Ma?! You know I canʼt do that! I already have plans for my sembreak and that is to stay at my room all day!” sinamaan niya ako ng tingin dahil sa sinabi ko.

“Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo, Zemira! Sasamahan mo lang naman ang anak ng mag-asawang Mortell. Alam mong malaki ang utang na loob natin sa kanila at ito lang ang hinihingi nilang pabor!” wala sa sariling napapadyak ako sa sahig at napahilot sa noo.

Paanong sasamahan eh hindi nga kami magkasundo ng lalakeng yun at baka ma-issue pa ako 'pag nakitang magkasama kami!

“Ma... Alam mong hindi kami magkasundo 'di ba? Laging may riot na nagaganap kapag nagkikita kami at isa pa, hindi sya ordinaryong tao lang, sikat 'yun at hindi ako pwedeng magdidikit sa kaniya.” pinilit kong maging mahinahon dahil baka bigla na lang akong mawalan ng bahay kapag pinagpatuloy ko ang pag sigaw ko.

“Anong problema kung sikat si Tase? Magulang niya ang nanghihingi sa pabor na 'to.”

Argh!

“Ma, bakit kasi ako?!” nakakainis naman! Baka mamaya kasi sinuggest niya lang ako kila Tita Hada kaya ako nandito sa sitwasyong 'to.

“Ikaw kasi ikaw! Wag ka nang magreklamo, Zemira. Hindi mo ikamamatay ang isang linggong pagsama kay Tase.” napabuntong hininga na lang ako at miserableng napatingin sa aking kuwarto. Siya dapat ang makakasama ko sa sembreak at hindi ang babaerong Tase na 'yon.

Wala naman kasing problema kung hindi lang mainit ang dugo namin sa isaʼt-isa. I mean siguro ako lang ang mainit ang dugo sa kaniya kasi babaero sya. Pero nakakabwiset talaga ang ugali niya.

Matagal ko nang kilala ang Tase Mortell na iyon. Senior highschool ako nang magtrabaho si mama sa kompanya ng mga Mortell. Walang duda na sobrang yaman nila dahil may mga business din sila sa parteng Europe.

Paminsan-minsan kapag may mga events ang company at imbitado si mama ay isinasama niya rin ako.

Unang pagkakita ko kay Tase ay akala ko matino sya. Why would I even think of that? Naka suit kasi sya noon at ang gwapo niya, siya na nga ata ang pinakagwapong nilalang na nakita ko noong gabing iyon sa mansyon nila.
Idagdag pa ang mga abo niyang mata. Parang gusto ko na lang iyon titigan magdamag.

He has rough futures kaya mapagkakamalan mong badboy. Ang seryoso pa ng mukha niya noon at akala moʼy bigla na lang mananapak.

Pero parang nawalang parang bula ang paghanga ko sa kaniya nang oras na ipakilala na kami sa isaʼt-isa.

“Tase, this is Zemira. Daughter of your Tita Mira. Be nice to her okay?” pagpapakilala sa 'kin ni Tita Hada bago sila umalis ni mama dahil may pag-uusapan daw sila.

Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa kaya pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko. Nang ibalik niya ang tingin sa mukha ko ay tumaas ang isa niyang kilay.

Hindi naman ako makagalaw dahil na-iintimidate ako sa presensya niya, masyadong malakas ang dating niya na parang nakakahiya na syang tingnan.

“Definitely not my type,” biglang aniya at isinandal ang kaniyang siko sa lamesang nasa tapat namin. Samantalang napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Not his type?

“I thought Tita Miraʼs daughter is someone... hot.” parang bigla akong tinubuan ng sungay at gusto ko na lang siyang sakalin dahil sa sinabi niya. IS HE EVEN SERIOUS?!

Tiningnan ko siya nang masama at binigyan niya lang din naman ako ng malamig na tingin. “Ano ngayon kung hindi ako hot? Talagang hindi kasi mas gusto kong maging malamig, gusto mo gawin kitang yelo ngayon?” nakakainis ang lalaking to, walang modo!

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now