Hit #34

5.3K 175 28
                                    

I was busy the whole week. Padalaw-dalaw ako sa site at minsan ay wala naman doon si Tase. Hindi pa rin kami nakabalik agad sa unit. Naiinip na si mama na lumipat pero naiintindihan niya naman ako. And Lucien, okay lang naman nga raw kahit huwag na kaming bumalik sa unit at tumira na lang sa kaniya. But hell no! Nakakahiya. Weʼre not his responsibility.

So when that week finally passed, we decided to pack our things and finally move back to our unit. Itʼs Sunday, my day off. Sinamantala ko na para makalipat kami ngayong araw dahil bukas ay subsob na naman ako sa trabaho.

“Ma, you sure? Ikaw na magdadrive ng kotse ko? Pwede namang balikan ko na lang dito 'yung sasakyan,” tanong ko dahil sabi ni mama ay siya na raw ang mag-mamaneho sa kotse ko para hindi na maiwan dito kay Lucien.

“Iʼm good, Zemira. Kaya ko pang mag-drive, sobrang tanda ko na ba sa paningin mo? Hindi pa ako senior citizen!” naka-irap niyang sabi kaya natawa ako.

“Wala naman akong sinasabing matanda ka na, ma! Ganda mo pa rin nga eh,” pambobola ko kaya mas lalo siyang napa-irap.

“Alam ko, Zemira. Sige na, magkita na lang tayo sa unit.” I chuckled. Sumakay na siya sa kotse kaya sumakay na rin ako sa kotse ni Lucien. Sabi ko naman kasing okay lang kahit huwag na kami ihatid, but Lucien being Lucien, he insisted.

“Iʼll feel lonely again,” nakasimangot na niya habang nagdadrive kaya natawa ako.

“I have a solution for that,” nakangisi kong sabi.

“What?”

“You should find yourself a girlfriend. And please donʼt tell me youʼre still not into romantic relationship, architect. Simulan mo na sa pag-jo-jowa kung ayaw mong tumandang binata,” tatawa-tawa kong sabi kaya mas lalong nalukot ang mukha niya.

"Sino namang gagawin kong girlfriend at pakakasalan?" inosente niyang tanong kaya mas lalo akong natawa. This is the disadvantage of not wanting to have a serious relationship!

“The beautiful model. Whatʼs her name? Yung ka-partner mo last time.” biglang sumeryoso ang mukha niya kaya nanliit ang mata ko.

“Sheʼs hard as stone. No one can tame that emotionless woman,” aniya at bahagya pang kumunot ang noo.

“Oh, what happened to the charming Lucien Camus who can tame everyone?” pang-aasar ko pa.

“Shut up, Zemi.” I laughed even more. I can smell something fishy.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa building kung saan naroon ang unit namin. I feel a bit nervous, ang building na 'to ay pagmamay-ari pa rin ng mga Mortell. Tinulungan kami ni Lucien i-akyat ang mga dala naming gamit. Hindi ko alam kung bakit medyo hindi normal ang pagkabog ng puso ko habang papalapit na kami sa dating condo.

Itʼs just so full of memories... even the worst memory took place behind that door... our break up happened there...

I inhaled deeply when Lucien opened the door. Agad na tumambad sa 'kin ang pamilyar na pintura at ayos ng gamit sa loob. Iba na ang mga couch, tables at iba pang appliances pero ganoon pa rin naman ang ayos. I was biting my lip while roaming my eyes. This just feels so nostalgic even if itʼs only 3 years that have passed. Agad na dumiretso si mama sa dati niyang kuwarto at sumunod naman si Lucien para dalhin ang mga gamit niya.

I slowly made my way to my old room. Mabigat ang paghinga ko nang buksan ang pinto. Sinalubong ako ng dilim kaya kinapa ko ang switch. The familiar atmosphere of the room welcomed me. Malinis pero walang nagbago. Mukhang bagong palit ang bedsheets at pillowcase pero walang nagalaw na ibang gamit. Sinulyapan ko ang kisame at nakitang nandoon pa rin ang mga glow in the dark na little instruments at mga skull designs. The phrase neon light that says rock and roll never ends is still there, beside my bed.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon