Hit #30

5.1K 146 24
                                    

Seryoso lang na nakatingin sa 'kin si Paesyn habang akoʼy kabado na dahil sa presensiya niya. I just got back... Bakit kailangang may ma-meet agad akong isa sa kanila?

Tumikhim ako at pilit na ngumiti. “How are you, Paesyn?” casual kong tanong. Namulsa siya at mataman akong pinagmasdan. “Iʼm fine,” aniya sa malamig na boses. Nakagat ko ang labi at kunwaring tumawa. This is so awkward.

“Well... good to hear that.” hindi agad siya nagsalita kaya nagkunwari akong tumitingin ng damit.

“I heard you passed the board exam last year. Congratulations to that,” sabi ko na lang. Totoong naipasa niya ang board last year, of course it went viral. Heʼs Paesyn Holeary.

“When did you come back?” tanong niya kaya muli akong napatingin sa kaniya. He is still eyeing me seriously.

“Ngayong araw lang...” why is he asking? Isnʼt he mad or something? I just cut our communication without a single word.

“You were gone for 3 years.” I averted my eyes for the second time when my heart thudded. What should I say? Ang tagal naman ni Lucien sa fitting room. Tumango na lang ako at nagkunwari ulit na tumitingin ng mga damit.

“The band is looking for you. You should meet them,” my throat went dry but Iʼve managed to control my reaction. I should act casual... Alam kong may kasalanan ako pero matagal naman na 'diba? I just need to apologize...

Kung hindi ako nagkakamali ay this year, pahinga ng Ludic Selcouth. No concerts or whatsoever, depende na lang kung gusto nilang mag-gig. Wala pang announcement kung kailan sila maglalabas ng bagong album o kung may plano pa ba. As far as I know, ayon sa last interview nila ay mag-la-lielow muna sila. Some of them wants to prioritize their own businesses and companies now. Especially Castriel and... Tase... heʼs handling their engineering firm now.

“Uh well... I have a huge project as of now. But maybe we can set that,” napipilitan kong sabi. Iʼm not yet ready. Kakabalik ko lang... I donʼt know how to face nor talk to them. Alam kong hindi na kami katulad ng dati. And I really have an on-going big project now. I am partnering with Lucien and weʼre working on a resort. Good thing na rin na bumalik kami kasi nandito sa Manila ang site. May merging pa na magaganap sa LUCCUS at sa ibang engineering firm.

Tumaas ang kilay ni Paesyn. “So youʼre very busy now?” tanong niya kaya tumango naman ako at pasimpleng huminga nang malalim. Iʼm so tensed. Si Paesyn pa lang to... paano kapag silang lahat na?

Paano kapag siya na?

“Where are you working?” he asked. Are we really catching up inside this boutique?

“LUCCUS architecture firm,” simpleng sagot ko.

“Still on that?” aniya kaya napakunot ang noo ko. What still on that?

“Engineer.” para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang marinig ko na ang boses ni Lucien. Agad akong lumingon sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata. Nang ibalik ko naman ang tingin kay Paesyn ay seryoso lang siyang nakamata kay Lucien.

“You wanna go home now? Baka hinahanap na tayo sa bahay.” naubo ako sa sinabi ni Lucien at pilit na ngumiti kay Paesyn na bahagya na ring nakakunot ang noo.

“Uhm well Paesyn... Letʼs catch up next time. Itʼs nice to see you again.” tumango lang siya at umayos na ng tayo.

“Sure, Zemira. Welcome back,” aniya at tumalikod na. Nakatingin lang ako sa papalayo niyang bulto hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Agad akong bumaling kay Lucien at hinampas ang braso niya. Naguguluhan naman siyang tumingin sa 'kin. “Ang tagal mo!” reklamo ko pero nginisian niya lang ako.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now