Hit #15

5.5K 169 4
                                    

Tulala akong nakatingin sa professor namin habang nagsasalita siya sa unahan. Iʼm slightly tapping my ballpen to the paper on my armchair. I feel so lightheaded today. Tinatamad akong bumangon kanina at medyo masakit ang ulo pero pinilit ko dahil hindi ako pwedeng um-absent kahit isang araw. Agad akong ma-iiwan sa klase.

Nang magdismiss ang professor ay hindi muna ako tumayo at chineck ang cellphone. I decided to send Tase a message.

To Tase:

Did you already eat?

Itʼs lunch time so I made my way to the cafeteria. Pagkatapos um-order ay umupo ako sa isang gilid at nagsimula nang kumain. Matamlay akong kumakain nang marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang babaeng estudyante na nasa tabi ng table ko.

“I heard may kissing scene daw doʼn sa music video ng latest album ng Ludic Selcouth si Tase Mortell at Dalla Estevan?” sabi ng isang babae.

“What? Heʼs the drummer. Why would he act for their music video?” unti-unting sumisikip ang dibdib ko pero pinigilan kong lumingon sa kanila at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

“I donʼt know, but there were rumours that the director said they have a chemistry in front of the camera. I agree though. Bagay sila ni Dalla.” mahigpit kong hinawakan ang kutsaraʼt tinidor. What are they talking about? Wala namang nabanggit na ganoon sa ʼkin si Tase. Hindi ko na napigilan at nilingon ang dalawang babaeng nag-uusap. Nang mapansin nila ako ay agad nanlaki ang mata ng isa at tumikhim.

“Shit... Zemira is here,” bulong niya sa kausap pero narinig ko naman. Huminga ako nang malalim at tumayo na. Mas lalo akong nawalan ng gana dahil sa narinig ko.

Umalis ako ng cafeteria at pumunta sa oval ng University. Na-upo ako sa isa sa mga bench na naroon at tinitigan ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer sa ilalim ng tirik na araw.

Should I ask Tase about that? Did he accept it? Kung oo, wala akong karapatan magalit ʼdiba? Thatʼs connected to their career. Hindi ko dapat siya diktahan tungkol doʼn.

I inhaled deeply as I look at the clear sky. We didnʼt see each other again yesterday. Gusto kong icheck ang socmeds ko pero natatakot ako sa pwede kong mabasa at mabalitaan. Siguro nga kung may ganoon ay masasaktan lang ako pero hindi ako pwedeng makialam.

We are both striving for our dreams. Iʼm dedicated to my studies and surely, heʼs also dedicated to his band. May mga bagay na hindi ko na dapat pakialaman at dapat na tanggapin na lang.

My phone vibrated.

From Tase:

Yes, baby. You? Please donʼt skip your meals.

Napangiti ako dahil sa nabasa. Right there, alam kong walang magbabago sa ʼmin kahit pa magkaron sila ng kissing scene ng Dalla na iyon. Theyʼre both professional, right? Theyʼre just doing their jobs. Well, I hope so...

I got busy again the whole afternoon. Nang matapos ang klase ko ay nag-iisip ako kung pupunta ba ako sa set nila Tase. The last music video that they did last time is already done, but they still have a couple of photoshoots to accomplish.

Bago pa ako makapagdecide ay tumunog na ang cellphone ko. Tita Hada is calling.

“Hello, Tita?” why would she call me right now? This doesnʼt happen often.

“Zemira! Oh my god isinugod namin ang mama mo sa hospital. She suddenly fainted in the middle of our conference meeting.” bigla akong nanlamig sa narinig.

“Po?! Bakit po? Okay lang daw po ba siya?” I was leaving the university while running. Shit shit! Bakit nahimatay si mama?

“Sheʼs still unconscious, hija. Iʼll text the address of the hospital to you.”

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now