Hit #13

6.6K 211 23
                                    

Maaga kaming nakarating ni Tase sa private bar kung saan sila tutugtog. 9 pm at marami nang tao. Pumasok kami sa isang vip room at doon namin naabutan si Paesyn na mag-isa, nakapikit at mukhang tulog.

Nang pakawalan ni Tase ang bewang ko ay unti-unti kong nilapitan si Paesyn. I grinned when I fully saw his face. Nakasandal ang ulo niya sa couch at bahagya pang nakabukas ang labi.

“Why is he so early too?” tumingin ako kay Tase na umupo sa may tabi ni Paesyn. He just shrugged. Tinapik niya ang tabi at pinapalapit ako. I smirked before mouthing him wait. He frowned.

Mabilisan ko namang pinitik ang ilong ni Paesyn kaya agad siyang napabalikwas. I laughed when I saw his reaction. Nang mahimasmasan siya ay masama niya akong tiningnan.

“Hi, Pae! Bakit ang aga mo?” parang walang nangyaring tanong ko at nilapitan na si Tase.

“What the hell was that, Zemi?! Iʼm sleeping!” mas lalo lang akong tumawa habang lukot ang mukha niya.

“May lovers na naman sa harapan ko, what a bad sight,” komento niya makalipas ang ilang mimuti at muling isinandal ang ulo niya sa couch.

“Inggit ka lang,” ani rin ni Tase kaya marahan pinitik ko rin ang bibig niya. Nagugulahan siyang napatingin sa ʼkin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“Your mouth! Donʼt be so hard on Paesyn, ganiyan talaga ʼpag single,” gatong ko kaya mas lalo lang napasimangot si Paesyn. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag na si Signy.

“Zemi! Iʼm already here inside the private bar. Where are you?” napatingin ako kay Tase na nakahilig sakin.

“Nasa isa sa mga vip room kami. Sandali lang, lalabasin kita.” nang um-oo si Signy ay nagpaalam muna ako kay Tase na lalabas para sunduin si Signy. Sasamahan niya pa dapat ako pero sabi ko ʼwag na. Baka pagkaguluhan pa siya sa labas.

Pagkalabas ay natanaw ko si Signy sa may bar counter habang may kausap na lalaki. Agad ko siyang nilapitan at nakipagbeso.

“Letʼs go, Sig.” nagpaalam na siya sa kausap niyang lalaki at sumama sa ʼkin.

“Sino nang nasa loob, Zemi?” parang kinakabahan niyang tanong.

“Tatlo pa lang kami nina Tase at Paesyn.” narinig kong huminga siya nang malalim kaya napatawa ako. Kabado.

“Donʼt worry, hindi naman sila nangangagat. Mababait iyon. Besides, you already met Paesyn and Zath.” si Tase din ay nakikita niya. Si Rush at Castriel na lang ang hindi niya pormal na namimeet.

“Kahit na! Theyʼre the popular Ludic Selcouth!” I just laughed at her.

Nang makapasok ulit sa vip room ay nakita kong nandoon na rin si Castriel. Ramdam kong humigpit ang hawak sa ʼkin ni Signy kaya nginisian ko siya.

“Cast!” bati ko kaya napatingin siya sa ʼkin. He smiled at akma na sana akong yayakapin nang biglang humarang si Tase at tinulak ang mukha niya palayo.

“Damn. So possessive,” natatawa niyang sabi.

Pina-upo ko si Signy sa tabi ko na tensyonado pa rin.

“Whoʼs this beautiful lady youʼre with?" tanong ni Castriel habang nakatingin kay Signy.

“Iʼm Signy, Zemiʼs bestfriend.” ngumiti naman si Castriel at nakipagkamay.

“Nice to meet you, Signy.”

Pagtingin ko kay Paesyn sa gilid ay tulog na ulit ang mokong.

“Infairness, heʼs more formal than Zath Accardi,” bulong ni Signy sa ʼkin kaya nginisian ko lang siya. He really is.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now