Hit #5

7K 318 29
                                    

Napagpasyahan kong hindi muna ako bumalik sa hotel at piniling maglakad-lakad muna sa buhanginan. Nang mapagod ay tsaka ako umupo na lang sa buhangin. I started to cover my feet with sands. Nang makuntento ay pinagmasdan ko ang dagat na unti-unti nang binabalot ng kadiliman.

I sighed heavily. I canʼt calm my thoughts. Itʼs always flying back to Tase and the woman, Prada. Ano nang ginagawa nila ngayon?

Don't think about them anymore, Zemira. As long as hindi gagawa ng kalokohan si Tase ay walang problema.

Unti-unti akong humiga sa buhangin at pinagmasdan ang buwan sa kalangitan. Walang tao sa may banda ko kaya walang makakakita sa pag-eemote ko.

Or so I thought.

Bigla na lang may naupo sa tabi ko. “Sorry to disturb your solitude but this place seems really quiet and I also want a peaceful spot so just donʼt mind me.” a baritone voice filled my ears. Nilingon ko siya at muling umupo. Mataman ko siyang pinasadahan ng tingin. Na-aaninag ko ang side profile niya dahil may mga ilaw sa bandang unahan.

Mula sa magulong buhok, mahabang pilikmata, pointed nose to his lips. Inshort, heʼs handsome.

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at muling pinagmasdan ang kalmadong dagat. Nanatiling walang nagsalita sa ʼmin nang ilang minuto. I guess heʼs just really into a quiet place.

I played with the anklet on my ankle while my right handʼs grabbing some sands and Iʼll just threw it in front of me. Malalim akong napabuntong hininga. I donʼt even know why I feel so problematic tonight. Stop thinking about Tase!

“Thatʼs deep,” kumento ng katabi ko.

“Why do I feel so freakin problematic?” I murmured silently. Dahan-dahan kong inangat ang paa mula sa buhangin at pinagpagan iyon.

“Maybe because youʼre overthinking.” napatingin ako sa gwapong estrangherong lalaki. Since may iba namang kasama si Tase, okay lang naman sigurong makisama ako sa iba? Iʼm going to make friends here.

“Anong pangalan mo?” tanong ko. He finally faced me this time. Napa-awang ang labi ko nang tuluyang makita ang buo niyang mukha. Heʼs more handsome now that heʼs facing me. He smirked a bit and extended his hand, asking for a handshake.

Come to think it, he looks familiar.

“Lucien.”

I slowly accepted his hands. “Zemira.” my eyes widen when he kissed the back of my palm. Pagkatapos nun ay binitawan niya rin naman ang kamay ko at ngumiti.

“Nice to meet you, Zemira.”

I cleared my throat. Ibinalik ko na lang ang tingin sa dagat. Parang biglang gusto kong maligo. Okay lang sanang maghubad ako rito kung wala ang gwapong nilalang sa tabi ko.

Pero naka satin shorts naman ako sa ilalim ng flowy dress ko!

Bahagya akong lumayo sa kaniya at lumapit sa tubig. I slowly stripped my red flowy dress when the water touched my feet. Mabilis ko iyong itinapon sa may buhanginan at naglakad pa papunta sa tubig para ma-ilubog ko na ang sarili.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na pinapanuod ako ni Lucien sa likod.

I stopped when the water reached my chest. Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi malalaki ang alon kaya ayos lang. Inilubog ko saglit ang sarili para mabasa ang buhok ko.

Muli kong sinulyapan si Lucien na naka-upo pa rin habang nakatukod ang dalawang kamay sa buhangin. Heʼs not staring at me so I just ignored him.

Lumangoy-langoy ako ron at nagbabad nang ilang minuto. Nang magsawa ay bumalik na ako sa seashore. Nandun pa rin si Lucien na ngayoʼy nakahiga na at nakatakip ang isang braso sa mata. Is he sleeping?

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now