Hit #16

5.3K 165 8
                                    

“You can try to LUCCUS architecture firm. Narinig ko sila dad na nag-uusap tungkol sa firm na iyon. Hindi raw kumukuha ng assistant ʼyung CEO but you can try. Since itʼs just a part time and not a full time job. Baka pwedeng mapaki-usapan,” suggest ni Signy habang nakatambay kami sa isang coffee shop.

Naikuwento ko na sa kaniya ang nangyari kay mama at ang pagpapasiya kong magtrabaho. Sobra rin siyang nag-aalala. Pano raw nangyari eh mukha namang healthy ang nanay ko. We were both shock actually since mama was really looking healthy back then.

“Feeling ko wala akong mapapala riyan. You already said it, theyʼre not hiring for that position." she rolled her eyes.

“Thatʼs why youʼll try! There are people who are still trying their luck to enter that company. Itʼs a very successful architecture firm! Sabi ni daddy ay bata pa ang CEO nun. And you have an advantage! Youʼre a civil engineering student.” napa-isip naman ako sa sinabi niya.

Sheʼs right. It's an architecture firm. Administrative assistant lang naman ang a-applyan ko pero baka may advantage pa rin dahil sa kurso ko? Sana!

“Okay. Iʼll try.” napapalakpak naman si Signy at malapad na ngumiti.

“Iʼll go with you later, donʼt worry. Hindi ka naman susunduin ni Tase?” I stopped when I remember him. Pinipilit niya kaninang samahan akong mag-apply pero tinanggihan ko. The popular Tase Mortell will come with me while Iʼm walking around trying to find a job? Nah.

Heʼs a part time engineer in Mortell Corp. Yes, part time lang dahil minsan lang naman siya pumapasok sa kumpanya nila. And I will be going to different companies, siguradong makikilala siya alin man sa dalawa niyang title. Be it the notorious drummer of Ludic Selcouth or Engineer Mortell. Nagpumilit pa siya pero wala ring nagawa. Gumawa na lang ako ng kung anong alibi dahil kapag binanggit kong tungkol na naman iyon sa image niya ay magtatalo lang kami.

Siguro kung mababasa ng iba ang isip ko ay iisipin nilang parang nahihiya pa ako na isang Tase Mortell ang boyfriend ko. Magiging ganoon ang dating sa kanila. Sure, minsan ay nahihiya talaga ako. Kasi sino ba ako? Heʼs popular. Very popular.

Ako? Wala pa akong napapatunayan. Hindi ako nagmula sa angkan ng mga mayayamang pamilya. I know thereʼs a lot of people who are thinking that weʼre not compatible at all. Na mas bagay si Tase sa kaantas niya. ʼYung parehong may ibubuga ang pamilya at kilala ang apelyido.

O kaya sa sikat na artista o model.

Iʼm trying to dissolve this kind of thinking but I just canʼt. Na-iisip at na-iisip ko pa rin. Sobrang layo ng agwat ng estado namin sa buhay.

Kumbaga ay nasa taas siya at nasa baba ako.

Siguro mawawala lang ang ganito kong pag-iisip kapag may napatunayan na rin ako at nakagawa na ng sariling pangalan. Kung malalaman ni Tase ang iniisip ko ay siguradong magagalit siya. He doesnʼt pay attention about our social standings. He will just say that he loves me and he doesnʼt care about everyoneʼs opinion.

“He wonʼt. Muntik pa nga kaming mag-away kanina pero pumayag din.” she sighed dreamily.

“Sana makahanap din ako ng isang lalaking mamahalin ako katulad ng pagmamahal ni Tase sayo.” natawa ako dahil sa sinabi niya.

“Of course. Dadating din iyon, Signy. You just need to wait.” napasimangot naman siya at sumimsim na lang sa kaniyang frappucino.

“Kailan pa? Does he somewhat got stuck to traffic? O nasa ibang bansa pa? O kaya hindi pa pinapanganak?” natatawa ko siyang hinampas.

“Gaga, kung hindi pa pinapanganak ay siguradong child abuse na iyon.” she also laughed.

Naunang matapos ang lahat ng klase ko ngayong araw at hinintay ko muna saglit si Signy dahil nagkaklase pa sila. Naka-upo ako sa isang bench na nasa ilalim ng puno ng narra habang pinagmamasdan ang mga dumadaang estudyante.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon