Hit #43

5.6K 132 19
                                    

My chest is already hurting because of the frantic beating of my heart. Iʼm so scared...

Binilisan ko ang paghiwa sa duct tape na nakapulupot sa paa ko. The phone continued ringing. Hinihiling ko na sana ay hindi iyon marinig nila Dalla.

My hands were shaking when I finally freed myself. Kumapit ako sa bakal at sinubukang tumayo. I can feel my knees wobbling. Nanghihina ako pero pinilit kong tumayo nang maayos. I inhaled deeply as I shut my eyes tightly. Keep calm, Zemira. Donʼt panic. For your baby...

Bumitaw ako sa bakal at nilapitan ang tumutunog na cellphone. Nasa sahig iyon at nasa ilalim ng sira-sirang lamesa. Agad akong tumungo at inabot iyon. My eyes widen when I saw the lockscreen. Taseʼs picture. This is mine!

Tensyonado akong tumayo at naghanap ng pwede munang pagtaguan kung sakali mang bigla silang pumasok ulit dito. Pumunta ako sa isang gilid dahil may nakikita akong maliit na espasyo at sira-sirang pinto. Sumilip ako roʼn at halos masuka nang makakita ng mga gamit pang-ospital na may bakas pa ng mga natuyong dugo. Ang dami ring langaw at mga nagkalat na daga. Pikit mata kong ipinasok ang sarili sa loob. I almost jumped when I felt something on my foot. A rat walked on my right foot!

Tinakpan ko ang ilong at pumunta sa likod ng isang malaking plywood na naroon. Nanginginig akong nag-squat at binuksan ang cellphone. Mas lalo akong tinambol ng kaba nang makitang alas nuwebe na ng gabi. Maghapon na akong nandito.

There are a lot of missed calls from mama, Signy, Prada, and the whole Ludic Selcouth. Kay Tase ang pinakamarami. His last call was five minutes ago. Siya 'yong tumatawag kanina. Nanginginig na nagtipa ako ng text para sa kaniya.

To Tase:
Tase... Help. Kidnapped. Basement. Somewhere.

Tumutulo na ang luha ko nang i-send ko iyon. Pero halos mawindang ako nang hindi iyon tuluyang mag-send. Failed. My plan is not working! Paulit-ulit ko iyong pinapadala pero ayaw talaga. Shit. How come hindi 'to nag-sesend?! Frustrated akong tumitig sa cellphone. Nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang tensyon at kaba.

Please please... Call again, Tase... Please...

Patuloy na tumutulo ang luha ko habang nag-iisip ng paraan para makaalis sa lugar na 'to. Tinitingnan ko ang mga kisame at baka may pwede akong daanan para makalabas. Ginawa kong silent ang cellphone para hindi na mag-likha ng ingay.

I swallowed and stood up to find another passage that I can use to escape. I was already planning to step out but I immediately covered my mouth and sit again when I heard the metal door clanking. May paparating... My mind went blank and I began to panic. Theyʼll know that I managed to untie myself!They will catch me... caught me... kill... theyʼre going to kill me...

Halos mabitawan ko ang cellphone nang marahas iyong mag-vibrate. My eyes widen when I saw Tase calling again.

“Tangina nasaan na 'yong babae?!” rinig kong sigaw ng pumasok. Agad kong nakilala ang boses niya. The guy named Erwin. Para na akong masusuka sa sobrang takot at kaba. Naalala ko ang sinabi ni Dalla. That man... heʼs going to rape me...

“Zemira? Alam kong nandito ka lang... Lumabas ka na. Masaya ang gagawin natin. Sigurado akong mag-eenjoy ka. Ipapatikim ko muna saʼyo ang langit bago ka mamatay.”

Nanlalabo ang matang sinagot ko ang tawag at sumiksik sa gilid. “Zemira! Where the fuck are you?! Do you know what time is it?! Hindi ka pa raw umuuwi simula kaninang umaga. Tangina, papatayin mo ba kami sa sobrang pag-aalala?!” napapikit ako nang marinig ang galit na boses ni Tase. I can hear his heavy breathing. Hindi ako nakapagsalita at impit lang na umiyak. Naririnig ko ang pagkalabog ng mga gamit sa labas dahil sa paghahanap sa 'kin ng lalaki.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now