Hit #2

8K 313 37
                                    

Pasimple akong huminga nang malalim nang makababa ako sa kotse niya.

Kinakabahan pa rin ako.

Nasa building kami kung nasaan ang kaniyang penthouse. Kahit na nagtataka ay hindi na ako nagtanong dahil mukha talaga siyang badtrip. Habang papalapit sa elevator ay pilit akong tumutungo at tinatabunan ng hanggang leeg kong buhok ang mukha ko.

Try harder, Zemira! May kulay ang buhok mo! Kapag may nakapansin sa inyo ay may palatandaan sila sa buhok ng babae na kasama ni Tase. Issue na naman!

Last week kasi ay nagpakulay ulit ako, itʼs color blue this time.

Nakatungo pa rin ako habang nakasakay sa elevator. He's still quiet. Nang marinig ang tunog ng elevator ay muli akong huminga nang malalim.

Agad kong iginala ang tingin sa penthouse niya. Sakop niya ang buong floor. This is a freaking three storey penthouse!

Nalulula ako sa mga nakikita ko, unang tingin pa lang ay malalaman mo nang mamahalin ang mga gamit. Hindi ko maiwasang mamangha sa color palette ng interior. Puro black, gray and white. Halatang lalaki ang nakatira.

Pero pag nagkabahay ako ay gusto ko ganito rin ang kulay. Masarap sa mata.

Hindi ko namalayan na umaakyat na si Tase sa grand staircase niya dahil sa sobra kong pagkamangha. Na-upo na lang ako sa isa mga sofa na nasa living room. Dahan-dahan pa ang pag-upo ko dahil nakakatakot upuan ang sofa niya. Mukha kasing mamahalin, nahiya ʼyung pagkatao ko.

“What are you doing there?” napaigtad ako dahil sa malamig na boses ni Tase. I should really stop flinching.

“What?” kumunot ang noo niya. “Come with me.” mukhang malapit nang mapigtas ang pasensya niya.

Pero ano raw? Gusto niya bang sumunod ako sa kaniya sa taas? Bakit? Anong gagawin doon? Nandito ang living room!

“Let's just talk here.” mas lalong naging madilim ang tingin niya sa ʼkin. Napatayo ako nang bigla siyang bumaba at sapilitan akong hinila.

“H–hey wait! Bakit ba sa taas pa?!” hindi niya ako pinakinggan at pilit pa rin akong ini-aakyat. Binibigitan ko na lang ang katawan para hindi ako mahila pero nadadala pa rin ako. Nakakalahati na kami sa hagdan nang hampasin ko ang kamay niyang nakahawak sa ʼkin.

He looked at me and his jaw clenched, bakit ba sya nagagalit?! Anong ginawa ko?

“B–bakit ba?” why am I stuttering now?

Padarag niyang binitawan ang braso ko kaya bahagya akong napangiwi. Nagulat ako nang bigla niya naman akong buhatin na parang sako. Heʼs crazy!

“Tase! Ano ba!” nagpapasag-pasag ako pero tinigilan ko rin dahil baka pareho kaming mahulog sa hagdan. Nang makarating sa second floor ay ibinaba niya rin naman ako tsaka ulit hinila ang braso ko. Wala na akong nagawa nang buksan niya ang isang pinto at hinila ako papasok. Agad kong nalanghap ang pamilyar na panlalaking pabango.

His room. Master's bedroom.

Hindi ko na naman napigilan ang pagkamangha nang makita ang loob. Malaki iyon at malawak.

Nasa gitna ang kama na may itim na comforter, bedsheet at unan. May mga nakapaskil din na posters ng ibaʼt-ibang sikat na banda sa dingding. May mga nakasabit na acoustic, electric at bass guitar. May piano rin sa gilid. Hinawi niya ang makapal na kurtina kaya kitang-kita ko ang mga nagtataasang building mula sa bintana.

This is... screaming luxury.

Saglit lang ang pagkamangha ko at muling kinabahan nang sa wakas ay dumako na ang tingin niya sa ʼkin. Tumayo ako nang maayos at pilit na sinalubong ang mga abo niyang mata. Ramdam ko ang pagwawala ng puso ko pero pilit kong binalewala iyon at pinanatiling walang makikitang emosyon sa mukha ko.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now