Hit #3

7.8K 358 142
                                    

Na-alimpungatan ako nang maramdamang tumigil na ang sasakyan. Wala si Tase sa driver seat kaya agad akong lumingon-lingon. Ibinababa niya na ang maleta namin mula sa trunk ng kotse.

I gently comb my hair using my fingers before deciding to get out of the car. Pagkababa ko ay may kausap na naman siya sa cellphone. Napanguso ako, lagi ba siyang may katawagan? Lumapit na ako sa kaniya para kunin ang maleta ko.

“I know, Gail. You keep on repeating that since I got home. I need to go now.” he hung up the call. Bahagya niya akong pinagmasdan bago tumalikod at naglakad na, syempre sumunod naman agad ako. Naiinis ako sa ganitong set-up, pakiramdam ko talaga PA niya ako.

Gail. If Iʼm not mistaken, sheʼs their manager. Siguro ay pinaaalalahanan na naman si Tase.

Sinilip ko ang hawak na cellphone at nakitang 8pm na. Napagpasyahan kong tawagan si mama nang maka-upo kami ni Tase. May dalawang oras pa kami bago ang flight.

Nakita kong naglagay agad siya ng headphone at isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan. Napatingin siya sa ʼkin at tinaasan ako ng kilay. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Tumayo muna ako at bahagyang lumayo sa kaniya. I need to call my mother first.

“Ma,” bati ko nang sagutin niya ang tawag.

“Zemira. Nasa airport na kayo?” tanong niya at mukhang nagpapahinga na siya dahil naririnig ko sa background ang tv.

“Opo. Ayos lang ba kayo riyan?”

“Oo naman. Mag-iingat kayo ron at huwag mong bigyan ng sakit sa ulo si Tase.” agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni mama.

Ako pa talaga ang magbibigay ng sakit sa ulo kay Tase?

“Ma, it should be the other way around. Siguradong ulo ko ang sasakit at hindi sa kaniya.”

“Ay basta huwag kang gagawa ng kalokohan. Kilala kita, kapag nalalasing kaʼy para kang nakawala sa hawla. Ayusin mo ang buhay mo.” napaubo ako sa narinig. Well, thatʼs awkward.

“Oo na po ma. Sige na ibababa ko na para makapagpahinga ka na. Ingat ka riyan, loveyou.”

Nang maibaba ko ang call ay naglakad na ulit ako palapit kay Tase. His hair is so messy. Ipinilig ko ang ulo at hindi na lang siya pinansin.

Naramdaman kong nagvavibrate ang phone ko kaya napatingin ako ron. Tumatawag si Paesyn. Agad ko iyong sinagot, kailangan ko ng kausap dahil wala akong mapapala rito kay Tase.

“Paesyn.” napansin kong napadilat si Tase nang marinig ako.

“Where are you?” seryoso ang tono niya kaya nagtaka ako.

“Bakit?”

"Just answer me, Zemi," suplado niyang sabi.

“Aww, is baby Paepae on a bad mood?” pang-aasar ko pa.

“What the fuck, Zemira? Paepae is so gross. Stop calling me that and tell me where you are.” napasulyap ako saglit kay Tase, diretso lang ang tingin niya sa unahan habang medyo nakakunot ang noo.

“Airport.”

Biglang natahimik ang kabilang linya. Tsaka ko narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga.

“So youʼre really with Tase?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“How did you know?!” natataranta kong tanong. I canʼt remember telling him that I will be with Tase.

“Youʼre getting viral again, Zemi,” tatawa-tawa niyang sabi kaya natigilan ako.

“WHAT?!” shit, bakit ba napakabilis ng balita?! At bakit ba lagi na lang nagkaka-issue pag kasama ko si Tase? I mean, I get it! Heʼs on the peak of his popularity right now but seriously?! Ganoon ba kahayok ang media na malaman kung may relasyon ba si Tase sa isang babae?! Mapagkakamalan na naman ako!

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now