Hit #4

7.4K 331 43
                                    


Alas onse na nang makarating kami sa islang sadya ni Tase rito sa Leyte. What more can I say with this kind of nature? The view is so breathtaking. White sands, blue crystal water. Kapag lowtide raw ay may mga sandbar na lilitaw.

Iniisip ko pa lang ang view kapag pumatak ang sunset ay na-eexcite na ako.

This is paradise.

Naka-ready na rin ang hotel na tutuluyan namin, this time may sarili na akong room.

Nasa isang restaurant kami ngayon at kasalukuyang kumakain ng lunch.

“Iʼll go snorkel today. Wanna go with me?” napataas ang kilay ko sa alok niya. Is he really offering me to go snorkel with him? Hindi kaya lunurin niya ako ʼpag nasa dagat na?

Inisip ko muna ang mga posibleng mangyari kapag sumama ako sa kaniya.

ʼPag sumama ako, mababantayan ko siya at malalaman ko kung may ginagawa na naman siyang kababalaghan.

Kapag naman hindi ako sumama ay wala rin akong gagawin. The itinerary list is on his possession, I wouldnʼt know how to explore this island alone. Might as well enjoy this place. Ang ganda pa naman.

Dahan-dahan akong tumango at hindi siya tiningnan. Medyo na-iilang pa rin talaga ako sa presensya niya. I canʼt just explain the different aura that surrounds him. Kung tutuusin ay dapat kay Castriel ako makaramdam ng awkwardness kapag siya ang kasama ko dahil siya ang pinaka may intimidating na aura sa kanilang lahat. But for some reason, I feel more awkward and reserved around Tase.

Pagkatapos naming mag lunch ay bumalik muna kami sa hotel room namin. Tirik na tirik pa ang araw at ang sabi niyaʼy gagawin namin ang snorkeling mga bandang 3pm.

Now that Iʼm alone inside my hotel room, my mind filled with different questions.

Do I need to keep my eyes on him 24/7? Or do I just observe his activities? Ayoko rin namang palaging sumunod sa kaniya at nakakairita yun.

So ano ba dapat ang gawin ko?!

I decided to call Paesyn, I need to talk to someone.

Naka-ilang ring muna ʼyon bago niya sinagot. “Zemi.” ang tahimik ng background niya at parang marahas na hangin lang ang naririnig ko. He sounds enervated too. Nagpasya akong pumunta sa balcony at umupo sa upuan na naroon.

“Bakit ganiyan ang boses mo? You sounds out of breath."

“I'm on a hike.” nanlaki ang mata ko.

“WHAT?!”

“I need to keep myself busy. Hindi ako mahahanap ni daddy dito sa bundok. Iʼm currently hiding.”

“Ang daya naman! I want to hike too!” not that I donʼt like beaches. Pareho kong mahal ang bundok at dagat. Pero si Tase kasi ang kasama ko rito. Nakakaramdam din naman ako ng excitement sa mga mangyayari sa lugar na ʼto pero kinakabahan din ako.

This past few years, madalas kaming mag hiking ni Paesyn, minsan kasama namin si Zath kasi adventurous din ang lalaking ʼyon. Minsan na rin naming nakasama si Tase pero mas dumidikit ako kay Paesyn.

“Youʼre with Tase. Just enjoy the beach or you can ask him to hike with you there.” napa-ubo ako sa narinig. No way. Nakakahiya.

“Who are you with?” inilihis ko na lang ang usapan.

“Just me. Youʼre not here so I donʼt have a hike buddy.” napanguso naman ako. Minsan talaga na-iisip ko na maswerte ako na malapit ako sa Ludic Selcouth. Una ko namang nakilala si Tase sa kanila at minsan ay napapanuod ko lang ang rehearsals nila sa mansion ng mga Mortell.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon