Hit #9

7.1K 279 21
                                    


The sembreak ended smoothly. 1 week na ulit kaming pumapasok. The students became busy again, kasama na kami ron nina Paesyn at Signy.

“Night out tayo mamaya?” pag-aaya ni Signy habang kumakain kami sa cafeteria.

I frowned at her. “One week pa lang ulit tayong pumapasok, Signy.” she rolled her eyes while rolling her pasta with her fork.

“Itʼs Friday! Kung hindi nagmomovie marathon ay nagbabar tayo every friday,” pagpapaalala niya. Itʼs true, but I just feel not in the mood to do it tonight. Ang dami kasing pinapagawa ng mga prof at gusto ko na agad matapos iyon para hindi ako magcram. Cramming is not my thing.

“I have some stuffs to do tonight.”

“Just do that tomorrow. Cʼmon, don't stress yourself too much. I heard gigimik sila Cross mamaya,” nakangisi niyang sabi. I frowned at her even more. I knew it, si Cross lang ang sadya niya ron. That son of a bitch is her ex from another university, graduating na rin.

“You should stop yourself from seeing Cross, Signy. He cheated and dumped you, incase you forgot.” nawala naman ang ngisi niya dahil sa sinabi ko.

She sighed heavily. “I miss him.” hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Seriously?!

Uminom muna ako ng tubig dahil nagsisimula na naman akong mastress sa kaniya. “That garbage hurt you. Move on from him, Signy. Heʼs no good.”

“Last na ʼto. Just... be with me tonight. Please?” I sighed. I donʼt know why she would still want to see that man despite of everything that happened to them. Hindi naman na sila nag-uusap pero gusto pa rin siyang makita ni Signy kahit mula sa malayo. Signy is beautiful. Maraming nakapilang manliligaw pero nakatuon pa rin ang pansin niya kay Cross na niloko siya.

I sighed defeatedly. “Fine. But promise me, after this youʼll try to move on. Sinasaktan mo lang ang sarili mo habang tinitingnan siyang may kalandiang ibang babae.” nakita kong nangingilid na ang luha niya kaya agad kong inabot sa kaniya ang tissue.

Buti na lang at single ako. Hindi pa naman ako umabot sa point na nagpakamartyr sa isang lalaki. I had 2 boyfriends from the past. 1 year ang pinakamatagal. My first was when Iʼm on my senior highschool while the second was on my second year in college. Nahirapan ang ex ko na iyon dahil sa Ludic Selcouth. Madalas silang nakabantay sa ʼkin kaya hindi rin kami masyadong nagkakasama.

Pareho lang ang naging dahilan ng break up. Nagsawa sa ʼkin at naghanap ng iba. I may not be the sweetest girlfriend they can have but Iʼm understanding. Nung pumasok ako sa isang relasyon ay kampante ako dahil iniintindi ko ang mga desisyon niya sa buhay at hindi ako immature. But I guess it wasnʼt enough. Nagpapahalik naman ako, smack nga lang. Pero siguro nga ay hindi lang iyon ang gusto nila. I shed a tears but I eventually moved on.

I realized that they don't deserve my tears.

Signyʼs class finished at 4pm and mine was 5pm. Nasa bahay na ako at kasalakuyang ginagawa ang iba kong homework habang hindi pa oras ng alis namin ni Signy pero laking gulat ko nang pumasok siya sa kuwarto ko. Agad nangunot ang noo niya nang makita akong naka-upo sa sahig habang nakaharap sa laptop. Nakapambahay pa ako at gulo-gulo ang buhok.

“Why arenʼt you still dressed?!" gulantang niyang tanong habang nakatingin sa mga papel na nagkalat sa kama.

“Itʼs just 8pm. 9 pa ang alis natin,” sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa laptop.

“Zemira! Magbihis ka na!”

“Wait lang! Give me 30 more minutes.” mas lalo niya akong nilakihan ng mata at tiningnan nang matalim kaya wala na akong nagawa kundi isara ang laptop at ayusin ang mga nakakalat na papel sa kama.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now