Hit #39

5.4K 172 67
                                    

Nanghihina akong napakapit sa lababo pagkatapos maduwal. I stared at my reflection in the mirror, Iʼve been vomiting every morning for the past few days.

Siguro ay nag-aalburuto na ang tyan ko dahil minsan ay nagpapalipas ako ng gutom tapos ay bigla na lang kakain. Hindi naman siguro 'to ulcer?  Mariin kong pinikit ang mata bago naghilamos.

Itʼs been more than 4 weeks since Tase started to treat me like a fucking nothing. The longing, sadness, and anger are starting to bubble up in my chest. Naiinis ako! Napapansin kong ang bilis magbago ng mood ko nitong mga nakaraang araw. Although I can still manage to put a blank face and ignore his jerky doings. Iʼm still so pissed. Gusto ko na siyang sumbatan at awayin pero alam kong wala akong karapatan.

Si Dalla Estevan naman ay pinag-iinitan pa rin ako kahit na napapansin niya namang wala nang pakialam sa 'kin si Tase 'pag dumadalaw siya sa site. She almost started an internet war between us. Patuloy siya sa pagpaparinig sa 'kin sa mga posts niya. Like,

Desperate sluts are cheap.

Remain a past if youʼre the past, youʼre nothing.

There are people who will do anything to steal something from you because theyʼre a desperate, pathetic, bitch.

Mabibuwesit at mapapatawa ka na lang sa mga pinag-popost niya. The nerve of that woman. Even if sheʼs not mentioning a name, I know that sheʼs calling me out. The thing is, parang sarili niya ata ang pinapatamaan niya sa mga posts niya. I never gave her the satisfaction anyway. Hinayaan ko lang siyang magmukhang tanga kakaparinig sa 'kin doon at wala akong sinabi. Inilalabas niya lang naman ang tunay niyang kulay dahil sa mga ginagawa niya.

Didnʼt she know that Tase is being a womanizer again? O baka naman alam niya at nagbubulag-bulagan lang siya. Pity. Magsama silang dalawa!

Lumabas ako ng bathroom at nag-ayos na dahil may usapan kami ni Prada na lalabas ngayon. Itʼs my day off and her schedule is also not that hectic so we can spend some time together. I just wore a high-waisted culotte jeans and a black halter top, I also wore my slingback pump. Itinali ko ang buhok at hinayaang may malaglag na hibla sa magkabilang gilid. I snatched my shoulder bag and left my room.

Umalis na ako ng unit nang makapag-paalam kay mama. Sheʼs so busy with her online shop these past few weeks.

Sumakay na ako sa kotse para pumunta sa restaurant na pagkikitaan namin ni Prada. Nang makarating ay agad ko siyang natanaw sa loob, mabilis akong pumasok at lumapit sa kaniya. I made her wait again.

“Prada,” pakanta kong tawag at sumimangot naman siya sa 'kin.

“Youʼre 10 minutes late,” aniya at sinamaan ako ng tingin. I just laughed at her. Itʼs just 10 minutes!

“Iʼm sorry, medyo traffic.” lumapit na sa amin ang isang waiter at nag-abot ng menu. We said our orders.

“So, howʼs your womanizing Tase Mortell? Dalla is freaking out because of him,” panimula ni Prada kaya agad na nalukot ang mukha ko.

“I donʼt want to talk about him. Iʼm pissed. And Dalla, thatʼs her problem.” tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. She leaned on the table and examined my face with her hawk-like eye.

“Woah, why are you pissed?” nang-aakusa niyang tanong kaya agad akong umirap. I donʼt know! Iʼm just so annoyed at him. Heʼs a jerk.

“Heʼs an asshole.” ngumisi siya sa sinabi ko.

“It seems like my bitch here is so affected with her ex's doings,” nang-aasar niyang sabi kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Nakakainis naman talaga ang mga ginagawa ni Tase!

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Donde viven las historias. Descúbrelo ahora