Hit #1

10.3K 323 61
                                    


“Iha, I'm apologizing for this sudden favor. I know that you’re graduating and you want to completely rest for this sembreak, but Iʼm sure you can also rest while youʼre with Tase. Mas nagiging matigas ang ulo ng anak kong ʼyun. I need you to be with him while heʼs also having his vacation before their world tour. May inaalagaan siyang image pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapalit-palit ng babae.”

Iniwasan kong mapangiwi dahil sa mga sinabi ni Tita Hada. That jerk. Sikat na siyaʼt lahat-lahat pero babaero pa rin.

Their world tour would be almost 6 months from now. Hinihintay na lang nilang makagraduate si Paesyn.

So basically, nasa bakasyon ang banda nang halos kalahating taon, or no, kasi may paparating silang album. But still! May kalahating taon pa bago sila sumabak sa world tour. Alam kong susulitin na nila ʼto dahil magiging sobrang busy na sila kapag nagsimula na ang world tour.

Pero bakit nga ako?!

Iʼm pretty sure that I wouldnʼt be able to do anything once he started womanizing in front of me.

Baka masakal ko lang sila pareho ng babae niya.

Hinawakan ni Tita Hada ang kamay ko kaya tuluyan na akong hindi nakagalaw.
“Iha, please. Just a week. Ayokong magkaroon siya ng kung ano-ano na namang issue.”

“Paano po pagkatapos ng one week? Sigurado pong gagawin niya na ulit ang gusto niya dahil hindi na ako umaaligid sa kaniya.” Problemadong napabuntong hininga si Tita Hada.

“Hada, just let Tase live his life. Heʼs a grown man. Kaya niya na ang sarili niya,” pagsasalita ni Tito Sedi, ang daddy ni Tase. Masama siyang tiningnan ni Tita Hada kaya bahagya siyang tumikhim.

“Shut up, Sedi! This is your fault! Kung hindi lang sana namana ni Tase ang pagiging babaero mo ay hindi ko ʼto kailangan gawin!” mataray na pahayag ni Tita Hada.

Hindi naman na nagsalita si Tito Sedi kaya bumaling na ulit sakin si Tita.
“Zemi, let's see. Malay mo pagkatapos ng vacation niyo ay may magbago kay Tase,” makahulugang sabi ni Tita kaya napakunot ang noo ko.

“What do you mean, Tita?”

She stared at me for a minute. “Let's just try, iha please.”

Wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga. Ano na lang ang iisipin nila kapag tumanggi ako? Na hindi ako marunong magpa-ubaya sa isang pabor? Maarte? Ayoko naman ng ganoon.

“Saan po ba niya balak pumunta?” unti-unting napangiti si Tita. Alam niya na agad ang isasagot ko dahil sa naging tanong ko.

“Sa Leyte, Zemi.” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. LEYTE?!

“Tita, ang layo po,” nahihiya kong sabi dahil nakakahiya naman talaga! Siguradong sasagutin nila ang lahat ng gastos ko ʼron at ayoko ng ganoon.

“It's okay. We will provide for the—”

“Tita, no. Malaki po ang magagastos kapag nagkataon. Ayoko pong maka-abala para roon.”

Matiim akong tiningnan ni Tita. Mukhang tinatantiya ang reaksyon ko at nag-iisip ulit siya ng sasabihin para makumbinsi ako. Alam kong barya lang sa kanila ang gagastusin nila para ron, hindi malaking kawalan. Pero kahit na. One week ang stay, magastos pa rin ʼyun kung iisipin.

“Don't mind it, Zemira. Kami ang nakaka-abala, besides you deserve it. Nag-aaral ka nang maayos. Just consider this as an early gift for your graduation. You need to unwind.”

Hindi pa po sure kung makakagraduate ako.

“Grab it, Zemira. Stop worrying about the expenses. Just enjoy your vacation and ofcourse keep your eyes on my son,” gatong pa ni Tito Sedi kaya wala na akong nagawa.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now