Hit #37

5.8K 194 18
                                    

The helicopter landed on another helipad. Nasa himpapawid kami nang mahigit isang oras kaya nasisiguro kong nakarating na kami sa Manila. Agad akong inalalayan ni Tase pababa. Saglit niyang kinausap ang piloto at kinuha ang maleta ko sa isang lalaki bago ako binalingan.

“Letʼs go.” walang imik akong sumunod sa kaniya. I still canʼt wrap my head around all this. We are getting connected again. Masyado na naman kaming napapalapit sa isaʼt-isa...

Tahimik kaming sumakay sa elevator.

“Where are we going?” mahina kong tanong habang nakatitig sa sahig.

“Penthouse.” my eyes automatically widen. Anong gagawin namin sa penthouse niya?

“What? Iʼll just go home...” nagtiim-bagang siya at hindi nagsalita. The tension inside me returned. Bakit hindi niya na lang ako iuwi? O kayaʼy ako na lang ang uuwi mag-isa. I canʼt... I canʼt be with him.

Hanggang sa bumukas ang elevator at tumambad sa 'kin ang pamilyar niyang penthouse ay hindi pa rin siya nagsasalita. Dire-diretso siyang pumasok habang hila-hila ang maleta ko. I was left behind, stunned. Habang pinagmamasdan ko ang penthouse ay bumabalik sa 'kin ang kung ano-anong alaala. This is torture.

Nang mapansin niyang hindi ako sumusunod ay seryoso niya akong binalingan. “You want to go home? Go ahead and leave this building, some media in disguise are scattered outside, patiently waiting for our appearance,” malamig na aniya kaya nakagat ko na lang ang labi.

I didnʼt have any choice but to enter his penthouse. Nakamasid lang siya sa 'kin habang dahan-dahan akong pumapasok at sinusuri ang buong paligid. Nothing changed.

I cleared my throat before looking at him. “When can I go home then?” I asked. His eyebrow shot up and his jaw clenched. Mukhang naiirita sa mga pinagtatanong ko. I just really want to go home! I canʼt be with him! Baka kung ano-ano na namang bagay ang magawa at masabi ko kapag kasama ko siya. I just donʼt trust myself around him.

“When the media already left,” sagot niya at nagsimulang umakyat sa taas habang dala-dala pa rin ang maleta ko.

Agad akong humabol at hinawakan din ang maleta ko. “Saan ka pupunta?” tensyonado kong tanong. He frowned as he glanced at my hand that is holding the luggage. “Sa kuwarto.” my heart thudded.

“W–what? Hindi naman siguro ako magtatagal dito? Iʼll just stay on the living room.” he was poking his right cheek with his tongue while looking at me seriously.

“Oh, they wonʼt leave that fast. Maybe theyʼll keep on waiting until tomorrow or the day after tomorrow, or for even a week." kumunot ang noo ko at kinakabahan siyang tiningnan. Tapos sabi niya ay hindi ako aalis hanggaʼt hindi rin umaalis ang mga media? Ibig sabihin mananatili talaga ako rito?!

Nang hindi ako magsalita ay muli siyang nagpatuloy sa pag-akyat. I was having a second thought if I should get upstairs too. But heʼs dragging my luggage Nawala na siya sa paningin ko at siguradoʼy nakapasok na sa kaniyang kuwarto. Bakit ba kasi dala-dala niya ang gamit ko?!

Problemado akong naupo sa mahabang couch sa living room. I fished out my phone from my sweatpants. I decided to text Lucien.

To Lucien:
Architect, where are you?

I waited for minutes before he replied.

From Lucien:
Manila, Engineer.

My forehead creased while looking at the screen.

To Lucien:
What? That fast? Saan ka sumakay? Did you fly?

From Lucien:
I did. Helicopter.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now