Hit #27

4.6K 118 30
                                    


2 weeks. 2 weeks na akong malamig kay Tase.

Itʼs my board exam day, the 2nd day. Magulo ang isip ko pero pinilit kong magfocus. Hindi pwedeng mawala ako sa pokus dahil lang sa mga iniisip ko. Matagal ko nang inaasam 'to. Ito na, nasa harapan ko na. I cleared my mind as I answered the exams. Pinagana ko ang isipan at inalala ang mga pinag-aralan nitong mga nakaraang buwan.

Luckily, I managed to answer all the questions.

Tensyonado ako nang matapos ang araw na iyon. Oo ngaʼt tapos na ang board at ang kailangan ko na lang gawin ay ang hintayin ang results. Naipasa ko kaya?

Mabigat ang pakiramdam na umuwi ako ng unit. Nawala ang inaalala ko sa board exam pero ang inaalala ko sa relasyon namin ni Tase ay nananatili akong pinapahirapan.

“Zemira!” sigaw na bungad ni Signy nang makapasok ako sa loob. Sinalubong niya ako ng yakap at masayang hinampas ang likod ko.

“Howʼs the board? You fine?” tanong niya kaya agad naman akong tumango.

She squealed. “Oh my god finally! We will just wait for the result and— whatʼs with that face? Arenʼt you happy?” nagtataka niyang tanong dahil napansin niya siguro na matamlay ang mukha ko.

“Of course, Iʼm happy,” sagot ko at ngumiti nang malawak. She looked at me sadly. She knows what Iʼm getting through these past few weeks. Sinasadya ko nang magpahiwatig kay Tase pero binabalewala niya lang 'yon. He will always motivate me as the board exam day gets near. I feel bad. Really really bad. Sobra akong nagiguilty at nasasaktan sa sarili kong kagagawan. Iʼm just so tired with everything.

“Zemira... you donʼt have to force yourself if you canʼt let him go...” umiling-iling ako at pagod na naupo sa sofa.

“Can I just be selfish, Signy? Hindi ko naman responsibilidad si Dalla. I donʼt even know her that much. Sheʼs not a friend, sheʼs my rival, an enemy. Why am I doing this? I'm exhausted...” tinabihan niya ako at malungkot na ngumiti.

“Youʼre just too kind, Zemi. Kahit na nahihirapan ka ay ginagawa mo pa rin para sa kapakanan ng iba. Alam ko kung saan ka nanggagaling, na gagawin mo rin ang lahat kung si Tita Mira ang nasa ganitong sitwasyon...” I sobbed. I feel so stressed and down.

“Iʼm so hurt and guilty, Signy.. Tase doesnʼt deserve this...” bumuntong hininga siya at hinagod ang likod ko.

“Are you sure with your decision now?” I bit my lips and shook my head. I will never be sure.

“Then what are you planning to do?” pinunasan ko ang luha at huminga nang malalim.

“I will still do it.”

She gasped and shook her head. “Youʼre just too good...” pilit akong ngumiti at tumayo na. Wala si mama ngayon dito sa unit. Kasalukuyan siyang nasa hospital para sa last check-up niya before the surgery. She kept her promise. Once na matapos ang board exam ay papayag na siya sa surgery.

Pumasok ako saglit sa kuwarto at nagbihis para pumunta na sa hospital.
Saktong tumunog din ang cellphone ko.

Tase.

Malungkot kong tinitigan ang screen ng cellphone.

“Hello?”

“Hey... Howʼs your exam? Was it hard?” it is. But I managed to answer the questions with him and mama as my inspiration

“Itʼs fine,” simpleng sagot ko.

“Iʼm going to fly back there 4 days from now. Weʼll celebrate whatever the result of your board exam.” nanlaki ang mata ko at agad na napailing.

Ludic Selcouth #1: Cracked Beat Where stories live. Discover now