Chapter 0

181 81 25
                                    

Halos lahat sila hindi naniniwala na pwedeng maging magkaibigan ang magkaibang kasarian.

Hindi nga ba pwede? Para sa akin ay pwede.

Kasi eto ang nararanasan ko sa kasalukuyan. 

Paano nga ba nagsimula ang lahat? 





~~~~~***~~~~~

Nag-umpisa ito nung naisipan ng mga magulang ko na lumipat ng probinsya dahil nalipat ang trabaho ni papa sa probinsya at naiisipan niyang dito na lang sa probinsya nila mama mag stay. Kasama ng paglipat namin ay ang pagtratransfer namin ng mga kapatid ko sa ibang school. Ok lang naman sakin na lumipat sa probinsya kasi nakakamiss yung nga tita at pinsan ko ang tagal ko na silang hindi nakita. Almost 4-5 years naren Grade 3 pa ata ako nun, by the way grade 9 nako this school year.

Ano kayang mangyayari don? Andaming kong Negative thoughts. Pano kung mabully ako don? Pano kung di nila ako kaibiganin. As for me, never talaga akong nang approach ng kakausap sakin kasi nahihiya ako baka hindi magresponse sakin.

Nakakabaliw bukas na agad kasi kami pupunta ng Probinsya at yung probinsya na pupuntahan namin ay Quezon. Madami kaming kamag-anak don in mother side kasi taga don talaga yung mga kapatid ni mamc. Kaya matik na may matitirhan kami don.

Hays ayoko na nga mag overthink bahala na si batman.

Sa ngayon mag papahinga muna ako at mag aayos ng gamit para bukas di na matataranta. Sana magkaroon ako ng maraming kaibigan doon at maging masaya ang natitirang year ko bilang highschool student.

After so many hours na hindi na nabilang kasi kinatulogan ko na. Nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Naayos na pala ang bahay namin dito. Dati halos masira na iyon pag humahangin aba't tingnan mo nga naman ngayon at Sementado na may ikalawang palapag pa.

Nauna kaming umuwi nila mama papa at ng nakababata ong kapatid na si alexis. Samantalang ang dalawa kong kuya ay susunod na lamang dahil may mga naiwan pa silang gagawin din. Next week din ay susunod na rin sila

"Alex at Alexis pumasok kayo sa loob at dalhin ang ibang gamit. Tulungan niyo na ang papa niyo", Utos ni mama samin ng nakababata kong kapatid. At para sa kaalaman niyo nag iisa akong babae.

"Opo Ma!", Sabay na sagot namin ng kapatid ko. Sabay kuha ng ibang gamit. Unti nalang naman ang gamit namin kasi puro backpack ang dala namin at meron parin kaming naiwan sa dati naming bahay na mga gamit.

"Wow!Ma sinong nag paayos nito?" Manghang sabi ko.

"Pinaayos to ng papa mo. Kasi matagal na niyang balak na tumira dito at nagkataon naman na pinagbigayan ang papa mo na Lumipat ng pagtratrabuhan" Sagot naman sakin ni mama.

"San ang kwarto ko Ma?" Tanong naman nitong suplado kong kapatid.

"Dalhin niyo na ang gamit niyong dalawa sa taas at ayusin. ituturo ko sa inyo kung san ang kwarto niyo!" Sabi ni mama samin ni Alexis. Agad ko naman kinuha ang mga gamit ko. Pero mukhang diko kaya lahat buhatin pataas kaya babalikan ko nalang.

Umakyat kami sa taas. May Limang kwarto sa taas malamang kay mama at papa ang isa. At tag iisa naman kami nila kuya at ni alexis. Yung unang kwarto ay kay alexis kay kuya xus at kuya x naman ang kasunod tapos akin at kina mama yung huli. 

Nga pala ang buong pangalan ko nga pala ay Wendi Alex Jamco, Ang bunso ko namang kapatid ay si Kevin Alexis 13 years old na siya at 15 years old naman ako. Ang dalawa kong kuya ay sina Wendell Alexus siya ang sumunod sakin at 18 years old na siya. At ang panganay naman namin ay si kuya Rich Alexander na 20 years old na madalas ay tawagin namin siyang kuya X sa sobrang haba ng pangalan. At tinatawag naman ako sa bahay na Alexa dahil tunog panlalaki daw ang alex.

Si kuya xus at alexis ay parehas na college student na si kuya xus ay second year na ngayong tao at si kuya x naman ay graduating na sana pero huminto ng isang taon at dito na itutuloy ang ika apat na tao niya sa kolehiyo. Kaya sama sama na kami dito 

Pag pasok ko sa kwarto ay inayos ko na ang gamit ko at bumaba ulit para kunin pa ang iba ko pang gamit para maiayos na sa cabinet ang iba ko pang gamit.Pagkatapos ko mag ayos ay tinulungan ko muna sa mama sa pag aayos ng gamit sa baba at pagkatapos nun ay umakyat nako para makapag pahinga.

Bukas na kasi naisipan ni mama na magpaenroll kami.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now