Chapter 25

58 46 0
                                    

Pumunta na ko sa bench at pinanuod sila. Maya maya rin ay nagdatingan ang iba pang kulang na players kaya nagumpisa na sila sa laro. May sampong players ang warriors pangalan ng team nila. Kaya nag 5 vs 5 sila, Nagkataon namang magkalaban ang dalawa. Matapos ang laro nila nanalo sina cj, Nagdeclare si coach na break daw muna kaya agad na lumapit ang dalawa. Inabutan ko sila ng tig isang bimpo. Umupo si damon sa tabi ko at si cj naman ay kinuha ang tumblr.

"Wendi tara dito sa court magpapawis ka na din." Tawag sakin ni coach. Tumayo naman ako at lumapit kay coach, hindi ako naglalaro ng basketball pero kaya ko namang magshoot sa kahit saang pwesto ng court. Tinuruan kasi ako ng dalawang tukmol.

Pinasa sakin ni coach ang bola. Dinrible ko palapit sa pinagtitirahan ng 3 points tsaka ko shinoot. Nashoot naman kaya nasipulan ang mga kagrupo nila damon.

"Coach sino bang pinaka magaling mo diyang mag shoot?" Pagbibiro ko kay coach.

"Bakit kaya naba?" Tanong ni coach.

"Char lang coach tanong lang." sagot ko sabay tawa at pinag patuloy ang pashoshoot. Nakita ko namang lumapit ang dalawa.

"Coach bakit di tayo magpustahan" Sabi ni damon kay coach. Ano namang binabalak ng isang to?

"Nang ano naman?" Interesanteng sagor ni coach.

"Pag natalo ng isa sa pipiliin mong players sa shooting si alexa. Ililibre mo kami ni c ng samgyup. Tapos pag natalo naman si alexa ako ang manlilibre ng lunch mamaya." Mayabang na sabi ni damon.

"Anong kayong dalawa lang ni john? Ako ata yung maglalaro dapat kasama ako" Angal ko kay damon.

"Ay onga pala, kaming tatlo pala. Ano coach?" Tanong uli ni damon.

"Hmm sige, Sino namang ilalaban ko? Si cj sana kaso baka magpatalo lang kay wendi" Nag iisip na sabi ni coach.

"Bat ako mapapatalo? Natalo na talaga ako niyan coach" Natatawang sabi naman ni cj.

"Hmm talaga? O edi sige si ruru nalang. Ruru tara dito" Tawag ni coach kay ruru. Siya yung muntik ng pumalit kay cj na MVP kasi nagka pilay sa at ilang linggong di nakalaro pero buti nalang ay nakabawi at naging MVP paren si cj.

"Ay coach grabe ka ah. Pero sige! Umpisahan na naten" Sabi naman ni damon.
Nag umpisa kami sa malapit hanggang sa umabot sa 3 point shoot pero wala paring nakakasablay ni isa samin.

"Aba magaling na talaga tong si wendi ah?" Manghang sabi ni coach

"Coach naman wala kang bilib sakin mas magaling pa ko sa captain ball niyo e" Pang bibiro ko kay coach. Natawa naman si coach pati ang iba.

Nasa kalahati na kami ng court. Tumira si ruru at sumablay siya. May isa na siya ng sablay pero nang tumira ako ay di parin ako sumablay.

"Last shot. dulo ng court" Natatawang sabi ni cj.

"Ano?" Nagulat na sabi ni ruru.

"Binigyan na nga namin kayo ngisa pang chance para manalo. "Nang aasar na sabi ni damon.

Halatang nagyayabang naman tong isang ito.

"Rafael tumigil ka nga jan." Saway ko kaya napanguso siya.

Pumwesto kami sa dulo ng court. Nauna siya tumira at nabitin. Napatingin siya sakin. Bago ako tumira ay kinindatan ko siya kaya natawa siya. Pagkatira ko ay pumasok. Napasigaw naman si damon

"Woooh! Coach Samgyup namin ah? Kahit wag muna ngayong araw HAHAHAAHHA kung kailan a pwede coach" Natutuwang sabi ni damon at tumakbo papunta bench may kinuha ata. Nilapitan naman ako ni cj at inabutan ng bimpo.

"Aba iba itong si wendi bat hindi mo palitan itong si damon dito sa warriors" Biro ni coach kay damon"Coach naman! Kami nagturo jan. Mas magaling pa sakin shumoot" Proud na sabi naman ni damon bago lumapit sakin at inabot sakin ang tumblr na kinuha niya kanina sa bench tsaka ako hinalikan sa buhok ko. Walang hiya talaga e kahit sa harap ni coach.

"Mukhang natalo ang bata ko. Hala sige samgyup na kung samgyup" Parang sumusuko na sabi ni coach kaya natawa kami. Pagkatapos nain nun ay naisipang nilang maglaro ng isa pa.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now