Chapter 5

86 64 0
                                    

Nang marating namin ang room onti palang ang tao. Umupo na kami sa upuan na medyo malayo sa harap pero hindi naman kami sa pinakalikod. Di nabago ang seating plan naman simula nung pumasok kami kaya ang pwesto ko ay nasa pagitan ni damon at cyriel.

Pagkaupong pagkaupo namin sumandal sa balikat ko si cyriel at tinuloy ang tulog niya. Nasanay nalang talaga ako sa lalakeng to na kung saan aabutin ng antok ay dun nalang matutulog. Naramdaman kong umakbay pa siya sakin para di siguro mangalay kamay niya. 

Maya maya dumating na ang iba naming classmate. Dumating nadin ang presidente namin na may dalang balita.

"Walang mga teachers ngayong afternoon kasi may meeting pero di ibig sabihin pwede ng umuwi" Announcement ni pres.

Mukhang matagal tagal tulog netong isang to. Ilalabas ko na sana yung notes para sana makapagreview nalang para sa quiz bukas pero napansin kong dumating na si damon at ang mga kaibigan niya.

"Oy damon wala daw klase. Anong plano?" Sabi ni marco na isa sa mga kaibigan ni damon na nakaupo mlapit sa likod namin. Napatigil naman ako, ano na namang binabalak netong mga to? Magcu-cut? Naramdaman kong lumapit si damon sa upuan niya kaya tiningnan ko siya.

"Ano dating ga-" Naputol ang sasabihin niya ng makita niyang nakatingin ako.

"Dating ano?" Walang emosyon na tanong ko sa kanya.

"W-wala siyempre stay dito sa room"  Palusot niya.

"cutting." Bulong ni cyriel sakin pero tama lang para marinig din ni damon

"Manahimik ka john! Baka gusto mong sabihin ko yung ginawa mo kahapon?" Warning ni damon.
"I'll shut up then" Sabi nalang ni cyriel at nanahimik na.
"At ano naman yon?" Pagsingit ko naman sa kanilang dalawa

"Walaaa alexa, tulog na lang din ako" Iwas sa tanong ko ni damon at umupo sa upuan niya. Umub-ob naman siya sa desk ko at kinuha ang kamay ko, nilagay niya yun sabuhok niya. Ibig sabihin gusto niya mag pascrub ng buhok.

Ginawa ko naman yun para makatulog na siya kesa naman mag cut pa siya magagalit na naman ni nanay sa kanya. Habang kinakamot ko yung ulo ni damon sa kabilang kamay ko naman ang may hawak ng cp ko at nagbasa na lang uli.

Dumating sina cris ng nasa ganoong posisyon ako kaya tiningnan na naman nila ako ng nang aasar. Akala ko babaliwalain na nila ako pero lumapit pa sila at umupo sa harap ko

"Dikit na dikit na naman yang dalawang yan sayo" Sabi ni cris

"Kung dika namin kaibigan iisipin ko talagang jowa mo yang dalawang yan" Matinis na boses ni Eden at nang dahil don mukang naalimpungatan na yung dalawa pero nanatili parin sa pwesto nila.

"Ano bang ginawa mo jan sa dalawang yan at bakit ayaw na ayaw mawalay sayo?" Parang manghang sabi naman ni eris

"kaya nga, kaya di ka nagkakajowa laging nakadikit yang dalawang yan sayo" Napairap na sabi ni Eden

"Anong jowa?" Sabat naman ni damon sa usapan namin. Mukhang nagising ng sabihin ni Eden yung about sa jowa

"She doesn't need one" Parang naiinis na sabat din ni cyriel at matalim na tiningna si Eden

"Ssssh napapano ba kayo. Nagbibiro lang siya tumigil nga kayong dalawa" saway ko sa kanila. Basta jowa usapan napaka pikon netong dalawang to.

"Anong biro? toto-" Di na natuloy ni Eden ang sasabihin niya ng biglang tinakpan ni cris ang bibig nito. Napansin siguro niyan lalong tumalim ang titig ni damon at cyriel kay Eden

"Ano ba kayo! Nagjojoke lang siya" Patanggol ni Eris na parang natetense. Natakot din siguro. Kaya hinampas ko yung dalawa sa braso para mapatingin sila sakin.

"Tumigil na kayo tinatakot niyo sila. At diba kayo nakakaintindi ng joke" Pag agaw ko sa atensiyon nila. Baka mahimatay natong mga kaibigan kong babae sa takot e

"If that is a joke why nobody's laughing" Pilosopong tanong ni cyriel

"Damn right" Pag agree naman ni damon. Basta about sakin nagkakasundo tong dalawang to e.

"Don't use that smart mouth on me, tumigil na kayong dalawa kung ayaw niyong ako ang mainis" Babala ko na sa kanila, di talaga sila titigil pag dimo tatakutin. Mukhang tumalab naman kasi bumalik na sila sa pwesto nila kanina. Kinuha ulit ni damon kamay ko para ipakamot ang ulo niya.

"Sige na babe una na kami, Kita nalang kina Ate Pau" Paalam sakin ni Eris ng pabulong kasi di alam ng dalawa na aalis ako at di na nila kailangan malaman.

"Sige bye babes" Paalam ko na sa kanila. Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa phone ng may maalala ako.

"Nga pala ano yung mga sinasabi niyo kanina?" Pagsasalita ko.

"nothing alexa" pambabalewala ni damon sa tanong ko

"oo nga hayaan mo na yun Alexa" Sagot ni cyriel na lalong nagpaduda sakin.

"osige" Sabi ko at mukha nawala burden nila kaya napabuntong hininga sila

"osige walang sasabay sakin pagpasok bukas ah" Pananakot ko sa kanila. Ewan ko kung bakit ayaw nilang pumasok ako ng mag isa parang mga baliw pero nakasanayan ko na lang din at ginawa ko ng panakot sa kanila lagi pag may ginawa silang kapilyuhan.

"Wala nga yunnn alexa" Todo deny ni cyriel. Feel ko mas malaki kasalanan neto hmmm

"Ok. walang sasabay sakin bukas ah?" Babala ko parin. Aba ang tatapang ayaw pa talaga sabihin.

"Wala sabi yun. Edi hindi sasabay" Parang naiinis na sabi ni damon. Gusto niyo pataasan ng pride ah

"Ok. wala din sasabay umuwi sakin. Sa iba ako sasabay" May pinalidad sa boses ko. Yung kahit sabihin man nila yung kasalanan nila wala silang magagawa kasi uuwi talaga akong di sila kasama.

"Sinong iba? Kina cris? Ok lang. sige" Aba't sumagot pa nga si cyriel

Mukhang malaki ang kasalanan netong dalawang to.

"Noted, Una nako" Nakangiting sabi ko kahit gusto ko na silang sabunutan kung nasa bahay lang kami pinaghahampas ko na tong dalawa. Haynako wag ko lang talagang malalaman ang kasalanan nila nako.

"A-aalis kana? Wala pang uwian ah?" Gulat na tanong naman ni damon

"Secret bawal sa mga sinungaling"  Mabilis kong sabi sabay kuha ng gamit ko at umalis ng room.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now