Chapter 1

121 79 2
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para sumama sa pinsan kong tutulong sakin para makapag enroll dahil wala si mama dahil pumunta naman siya sa school na pag lilipatan ni Six.

"Ate halika na, wag kana magpalit ng damit dika naman papasok agad e! Ieenroll lang kita." Sabi ni Kitty pinsan ko. Mas matanda sya sa edad pero by blood mas matanda ako. Kasi yung family line namin naniniwala parin sa ganong paniniwala

"Ayoko nga! Nakashort lang ako e." Nakakahiya kaya baka pagtinginan ako don.

"Di ok lang yan. Halika na baka umalis pa yung Teacher na kinausap ko." Sabi niya sabay hatak sakin.

Wala nakong choice kundi magpatianod sa kanya kasi nagmamadali e.

Nakarating kami ng school At as expected pinagtitinginan ako syempre sino ba namang matinong tao o eatudyante ang magshoshort sa loob ng school.

"Oh! kitty andito ka na pala halika sa loob ng office. Siya naba yung sinasabi mo?" Sabi ng isang Teacher samin.

"Opo Ma'am pinsan kopo galing Maynila." Sagot naman ni Kitty.

"Good Morning po!" Sabi ko naman.

"Aba ka'y galang na bata. Ako nga pala si Macy De Vera tawagin mo nalang akong Ma'am Mich. Halika pasok kayo ng mapagusapan na ang pagtratransfer sayo." Sabi ulit ng guro. Mukhang mababait teacher dito ah? Di na masama. 

"Salamat po" Sabay naming sabi ni Kitty.

Nang makapasok sa office ay agad kaming pina upo. Pinag usapan na nga ang pagtratransfer ko. Binigay ko na lahat ng document na kailangan para mapadali ang pagpasok dahil kung di pa ko makakapasok ay baka madami nakong mamiss na lesson.

"Ms. Jamco Magaganda naman ang grades mo. ok lang ba na sa advisory class kita mapunta?" Pagtatanong ng guro.

"Ay sobrang ok po." Sagot ko naman.

"Kung ganon bukas ay pwede ka ng pumasok. Pero isasama na kita sa magiging classroom mo para di mo na hanapin bukas." Nag aalangan naman akong sumagot kasi nakakahiya nakashort lang ako tas pupunta ako sa room? Pero wala naman akong magagawa kailangan kesa mahirapan pa ko bukas na maghanap ng room. 

"Sige po mam salamat po" Sagot ko na lang kasi baka mahirapan pa ako bukas sa paghahanap ng room ko. 

Naglakad na palabas si mam. At sumunod nako sabi ni maricel antayin nya nalang daw ako sa office.

Nakakaasar kasi pinagtitinginan ako. Nakakairita like ngayon lang ba sila ng nakakakita ng babaeng nakashort sa school? Sabagay, probinsya ito baka mga conservative pero bat parang ang sasama nilamakatingin? Bahala na nga.

"Wendi eto na yung magiging room mo! Halika at ipapakilala nakita sa mga magiging kaklase mo." Whaaaat? agad agad ng ganto itsura ko?

"Mam? Di ba pwedeng bukas nalang? nahihiya po kasi ako tas ganito pa suot ko." Pag-amin ko kay Ma'am Mich. 

"Ok lang yan ano kaba? Ang ganda mong bata e." Pangungumbinsi ng guro sabay hatak na din sa kin. Uso ba hatakan ngayong araw napapadalas hatak sakin ah.

"Good Morning Class!" Bati naman sa mga student niya na future classmate ko.

"Good morning mam macy." Sagot naman nila. Mukha namang mababait at matitino kaya sana may makaclose man lang ako.

"Andito pala ako para ipakilala ang bago niyong kaklase. Transfer siya kaya be good to her", Pakilala sakin ni Ma'am sa kanila. 

"Hi! I'm Wendi Alex Jamco! Nice meeting you all", Pakilala ko sa aking sarili. 

"Hello Wendi" sagot nung iba. Kasi yung iba wala namang pake. 

"For now, di muna sya papasok ipinakilala ko muna sya bukas pa sya papasok. That's all goodbye class" Sabi ni Ma'am mich bago umalis.

Lumabas na kami ni mam. At dumiretso na sa Office kita ko na ang bagot ng muka ni kitty kaya nagpaalam nako kay Ma'am Mich

"Ma'am thank you po! See you tomorrow po. Una na po kami." Magalang na paalam ko sobrang bait nya kasi.

"osige ingat kayo. See you tommorow Wendi", Paalam ni Ma'am samin.

"Salamat po ulit Ma'am." Bago umalis ay nagpasalamat ulit ako.
Naglakad na kami ni kitty pauwi. Nagpaalam na siya na uuwi sa kanila kaya ako naman dumiretso na sa kwarto. para ihanda ang akin sarili at ang mga gagamitin ko bukas.

First day can be Best day or Worst day.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now