Chapter 33

30 28 0
                                    

After that day nagkakahiwa hiwalay kami at hindi na magkaklase. At ngayon nasa bahay kami at nakatambay ni CJ wala si Damon nasa court ata.

"Aleeeex, may babaeng lumapit sakin kanina sabi niya gusto niya daw ako." Masayang bungad ni CJ sakin.

"Type mo ba? Ligawan mo na." Natatawang sabi ko naman sa kanya.

"Type ko nga Alexa. Pero pwede ko ba ligawan?" Napatingin naman ako sa kanya sa sinabi niya

"Para kang baliw! Siyempre naman. Pakilala mo samin soon pag napasagot mo na." Mabilis na tugon ko kay CJ.

"Thank you for the support alexa. Ligawan ko na siya bukas." Masayang sabi sakin ni CJ na nakapagpangiti din sakin.

Yan yung last na usap namin ni CJ. Simula ng nagka girlfriend siya. Dumistansiya ako ng konti dahil may sabi sabing sobrang selosa daw ng gf ni CJ pagdating sakin. Naiintindihan ko naman kaya ako na mismo na adjust.

Sa ngayon ay na kila ate pau ako madalas. Para may maidahilan ako kay CJ pag pumupunta siya sa bahay.

"Babe ano ng balita sa jowa ni CJ?" Hindi nakatinging sabi ni Ate Pau sakin.

"Balita? Wala naman akong alam." Sagot ko sa kanya.

"Kung ikaw wala, ako meron! Alam mo ba babe wag kang magagalit ha? Pero kwento sakin ng kaklase nila pag nag aaway daw si CJ tsaka si Aubrey lagi daw sinisigawan ni girl sa harap ng ibang tao si CJ." Mahinang sabi ni Eden. Napatiklop naman ako ng palad at mukhang nakita nila yon.

"Babe diko sinabi yun para magalit ka! Gusto ko lang maging aware ka." Pagpapaliwanag ni Eden.

"Baliw. Di ako galit! Naiinis lang, like wtf sila tita di yun ginagawa sa kanya tas pumapayag siya ganunin siya." Nang gigil na sabi ko.

"Nagulat nga ako nung narinig koyon." Pagsang ayon sakin ni Eris.

"Hayaan niyo na, problemang mag jowa yun! Labas na ko don. Hanggat kaya ko di ako mangingielam." Kibit balikat kong sabi.

"Nga pala babe diba birthday na ni Cynthia bukas ah? Anong balak mo?" Paalala ni diane. Oo nga pla bday ng bunsong kapatid ni CJ bukas.

"Shit oo nga pala. Siyempre kina CJ tayo nun! Buti nalang namili nako ng regalo. Nakalimutan ko!" Natatarantang sabi ko.

"Yun, sige una nako anong oras narin." Pagpapaalam ni Diane

"Sabay na ko. Babes kita lang bukas byebye!" Paalam ko sa kanila.

Sabay kaming umalis ni Diane. Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso na ko sa kwarto at natulog.

Magiging mahaba ang araw ko bukas.



Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil kay Kuya X na sobrang ingay kumatok. Mukhang pupunta rin sila.

"Eto na gising na!" Sagot ko sa mga napaka ingay na katok niya. Pagkabangon ko dumiretso nako sa CR at naligo. Pagkatapos ay naisipan kong mag off-shoulder na white nalang, black na high waist short tas white na sneakers.

Pagkabihis ko ay chinat ko na agad sina babes na mauuna na ako. Kasi alam kong mga tanghali na yun magsisipunta kasi late mga magising.

Bago bumaba kinuha ko na yung gift ko kay Cynthia hindi nako nagdala ng bag kasi wala naman akong dadalhin.

Naabutan kong kumakain sina kuya pagkababa ko.

"Bakit kumain pa kayo?" Bungad ko sa mga kapatid kong kumakain.

"Paki mo ba? Edi kakain uli don." Supladong sabi ni Kuya Xus

"Tss. Matakaw, Bilisan niyo para makatulong tayo kina Tita." Napairap na sabi ko.

Pagkatapos nilang kumain. Sumakay na kami sa sasakyan. Laking gulat ko ng makita ko don sa damon.

"Alexaaaa." Bungad niya sakin.

"Bakit andito bat dika pumasok?" Nagtatakang tanong ko kay Damon.

"Wala lang tinatamad na ko pumasok kaya hinintay ko na lang kayo. Pasok kana!" Bored na sabi niya.

Pumasok nako sa back seat. Si Kuya X nag d-drive tas sa tabi niya si Kuya Xus. Si Six susunod na lang daw kasi kasama yung mga kaibigan niya. Akala niya bday niya.

"Alexa." Bulong ni Damon.

"Hmmm?" Tamad na sagot ko.

"Alam kong umiiwas ka kay CJ pero please pigilan mo na siya dun sa jowa niya." Mahina niyang sabi sakin.

"Huh? Bat naman?" Mahina paring tugon ko.

"Alam kong nakwento na sayo ng mga madadaldal mong babes yung ginagawa nun kay C." May pairap irap niya pang sabi. 

"Rafael, hindi sa lahat ng oras dapat mangielam tayo. Buhay niya yun bilang kaibigan dapat sumusuporta tayo." Mahinahong paliwanag ko sa kanya.

"Pero-" Magsasalita pa sana siya pero agad ko ring pinutol.

"Please Rafael, wag ngayon okay?" Pakiusap ko sa kanya.

"Sige bukas na lang." Pangungulit niya.

"Haynako ka talaga." Sukong sagot ko na lang sa kanya.

Napatingin naman ako sa unahan at naabutan kong nakatingin samin sina kuya.

"Anong pinag uusapan niyong dalawa isali niyo naman kami." Chismosong sabi ni Kuya.

"Ah s-" Sasagot na sana si damon pero umintrada na ako kasi malamang sa malamang sasabihin niya na about kay CJ pinag uusapan namin.

"Wala yun chismoso mo talaga Kuya tss." Pagsasaway ko na lang para matigil na at di na siya magtanong.

"Damot. di wag" Sagot ni Kuya sakin.


Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now