Chapter 4

85 65 0
                                    

Maya rin may narinig akong dumating. 

"Shane ikaw na pala canteener pabili ako. Mamaya ko bayaran" Rinig kong sabi ni damon. 

"Ako din shane" ani ni jack, kaibigan ni damon. Pagkasabi nun ni jack kumuha na siya ng piatos pati na rin si damon.

"Damon ibalik niyo yan diko pa napapacheck yan." Natatarantang sabi ni shane

"Edi sabihin mo binili na namin" sagot ni jack

"Asan yung bayad niyo?" Mataray na sabi naman ni mitch na kaibigan ni shane.

"Dika ba nakikinig mamaya nga diba? Wala akong dalang wallet nagugutom na ako" Maangas na sabi naman ni damon. Takaw gulo talaga to ang hilig pang mang asar.

"Edi mamaya ka bumili pag may pera ka na. Di pa nga tapos ni sha" Palaban din na sabi pa ng isang kaibigan ni shane na si mira

"Bat ba nangingielam kayo? Kayo ba nagtitinda?" Naiinis na sabi naman ni jack mukhang gutom talaga.

"Hindi ko pa nga nabibilang ng maayos lahat. Maghintay kayo kung gusto niyo bumili." Mukhang maiiyak na sabi ni shane.

"Nagugutom na nga ako" Bossy na sabi ni damon. Haynako napaka tigas ng ulo talaga. Ayaw ko pa sanang mangielam pero mukhang maiiyak na talaga si shane

"Rafael!" Tawag ko kay damon.

"A-Alexa?" Parang gulat na sabi ni damon.

"Weeeen anong ginagawa mo dito?" Excited na sabi ni jack. Tagal na naming di na nagkita.

"Anong ginagawa niyo jan? Nang aasar na naman kayo?" Sabi ko at tinaasan sila ng kilay.

"Hindi. Ang babait kaya namin. Diba girls?" Parang nananakot na sabi ni Jack.

"O-oo" Natakot naman na sabi ni mira. Muntik na kong matawa pano ba naman kanina ang tatapang nila. Pero ng makitang seryoso si jack ay natakot din pala sila.

"Wag niyo ko pinagloloko. Kanina pako nakikinig sa inyo! Wag kayong manggulo jan" Saway ko sa kanila.

"Pero nagugutom nako alexa" Paawang sabi ni damon.

"May pera kaba? Atsaka sinabihan na kayo diba? Hindi pa nga nabibilang para kayong bata" Patuloy na saway ko.

"Edi hindi na! wag kana magalit. Aakyat na lang kami" Sukong sabi ni damon. At binalik na yung junk foods tsaka siniko si jack na parang sinabing ibalik na yung kinuha. Walang nagawa si jack kundi ibalik kahit ayaw naman talaga kasi gutom na.

"Umakyat kana don may baon si cyriel. Siya ang bulabugin mo" Sabi ko sa kanila kaya nagliwanag naman mukha nila. Si jack dali daling umalis samantalang si damon lumapit sakin.

"Hulog ka talaga ng langit Alexa" Sabi niya sabay halik sa ulo ko.

"Sige na umakyat kana don. Wag niyo ko ubusan" Pahabol na sabi ko ng makitang sumunod na siya jack.

"Hay buti nalang tumigil yung dalawang yun. Wen thankyou" Pasasalamat ni shane. Ngumiti nalang ako at bumalik na ako sa stall at inintay si shane.

Ilang minuto lang natapos na din si shane at lumipat na stall kasi kakatunog lang din ng bell. Mga ilang minuto lang din na nagdagsaan ang studyante pero maya maya ay nagsi ubos din at dahil nga recess nakaramdam na din ako ng gutom kaya imbes na pumunta sa room dahil nga bawal ay umub-ob nalang ako.

"Hindi kaba kakain." singhal ng nasa harap ko. Akala ko naman si shane yung kausap kaya diko inangat ang ulo ko.

"Alexa di ka ba kakain?" Sabi ng nasa harap ko parin. Teka ako ata yun? Atsaka isa lang tumatawag sakin nun.

Naramdaman kong kinalabit ako ni shane kaya napatingin ako sa kanya. Bigla naman siyang ngumuso na parang may tinuturo. Kaya napatingin ako sa harap ko nagulat naman ako namang makita ko si cyriel na dala yung lunchbox ko.

"Waaaah buti nalang andito kana nagugutom na ko" Nakanguso kong sabi.

"Kanina pako sa harap mo at kanina pa ko nagsasalita pero dimo ko pinapansin" Tampong sabi niya.

"Sus arte mo akala ko ibang tao e. Tsaka sakit na ng tiyan ko sa gutom" Nagpapaawang sabi ko at mukhang tinablan naman siya. Kaya lumapit na sakin nilapag sa tapat ko yung lunchbox.

"Kumain kana, kumain na kami ni demon" singhal niya sakin.

"Ayan ka na naman sa demon mo!" pagalit na sabi ko sa kanya.

"Edi rafael wag ka na maingay kumain kana." Tinatamad na sabi niya.

"Oo na napaka sungit. Shane kain na tayo! Lika share tayo" Aya ko kay shane lalapit na sana ako kay shane ng hinawakan ni cyriel ang braso ko.

"Ano na naman yun?" Sabi ko sa kanya.

"Siya nalang palitapitin mo,wag kana umalis sa tabi ko" Tamad na sabi niya palibhasa ayaw niya maiwan mag isa dun sa stall ko.

"Napaka arte mo talagang lalaki. Unti nalang o!" Sabi ko sabay turo kay shane na malapit lang naman samin.

"Di ok lang wen ako na lang lalapit" Nahihiyang sabi ni shane at lumapit sa pwesto ko.

Tiningnan ko ng masama si cyriel at napangisi siya parang natuwa na nasunod yung gusto niya. Siniko ko siya sa tiyan at napaka aray naman siya pero nanahimik na lang din. May baon din si shane kaya nagbibigayan kami ng ulam.

"Pabili nga po ng dalawang lava cake" Sabi ng estudyante. Tatayo na sana ako para bigyan yung bumibili. Pero naunahan ako ni cyriel na kumuha. Kaya imbes na tumayo tinuloy ko na lang ang pagkain.

"Magkano to?" Tanong ni cyriel.

"7 p-pesos" Nauutal na sabi ni shane napansin ko namang namula siya.

 Nakita ko namang nagbayad yung student habang nakatitig kay cyriel mukhang namangha dito. Sinuklian niya yung bumubili ng hindi man lang tumitingin dun sa estudyante. Pagkasukli niya umupo na ulit siya at sumandal sa likod ko. Nakatalikod kasi ako sa kanya para magkaharap kami ni shane.

"Hoy umayos ka nga jan kumakain ako!" Saway ko sa kanya. Tsk magkaibigan talaga sila ni damon parehas sakit sa ulo.

"Fine" napairap na sagot nito sakin at umob-ob na lang sa lamesa. Antukin talaga siya feel ko nga kahit kagigising niya e inaantok na uli siya.

Pinabayaan ko na siya at tinapos ang pagkain. Nang matapos kami kumain binilang na namin yung kita ng stalls at tiningnan kung may kulang, since wala namang kulang pinasok na namin sa loob ng canteen yung natirang paninda at binigay kay kuya VJ ang kita.

"Sakto na pwede na kayong bumalik sa room niyo." Sabi ni kuya vj at umalis na rin.

"Wen una kana may pinapacheck pa sakin sa lib. si mam mich" Paalam sakin ni shane. kumaway na siya sakin kaya di nako nakapag paalam. Bumalik ako sa stall para gisingin si cyriel.

"Cyriel tara na sa room." tapik ko sa kanya mabilis naman tumayo at binitbit ang lunch box ko.Walang sabing naglakad na siya at sumunod na lang ako.

Série d'amis 1: Meilleur AmiNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ