Chapter 21

55 45 0
                                    

Nagdaan ang ilang araw matapos ang overnight namin. Naging busy na kami kasi malapit na matapos ang school year at Intramurals na ng school. Busy din sila john at rafael dahil sila ang varsity ng school. Kasama sila sa mag aayos ng intramurals.

Ako medyo busy kasi naassign sa pagluluto ng food para sa faculty at mga organizer. Masyado ata talagang natuwa si kuya vj sa luto ko kaya ganon. Ang mga kaibigan ko naman babae ay busy sa panunuod ng mga naglalaro nakakainis dapat ganon din ako pero naatasan ako dito pero Isang araw lang naman ako mag luluto kaya sa susunod na araw ay pwede na akong sumama sa kanila sa panunuod since may ilang days pa bago mag next week. Pero buti nalang bukas pa game  ni john at rafael kaya makakapanuod pako sa kanila.

"Wendi pwede dalhan mo ng pagkain yung mga organizer sa belmonte building ipapabuhat ko na lang yung styro na may pagkain sa buhay tas pakiyulungan na lang silang magdistribute" Utos ni kuya vj na nagpahinto sakin sa pagd-daydream

"Sige po" Sagot ko sabay kuha ng mga plastik na kutsara at tinidor ang ilang box ng zesto.

Nang makarating kami sa b building. Nag umpisa na kaming magdistribute puro teachers ang nandito at may mga ilang cheerleader at varsity. Nakita ko namang paparating sina damon,cj at jack kasama ang ilang varsity

"Wow may foods, penge sakto guto gutom nako" Sabi naman ni jack kahit kailan talaga tong lalakeng to puro pagkain.

Nakita ko naman naglakbay ang mga mata ni cj at damon tancha ko ay hinahanap ako alam kasi nilang tagaluto ako ngayong araw. Nakita ko namang dumako ang tingin nila sakin at mabilis na lumapit.

"Akala ko taga luto kalang baka may paganto kapa?" Parang naiinis na sabi ni damon

"Oo nga, Baka nakakalimutan mo na dahil sa pagluluto mo sa canteen kaya ka tinrangkaso nung nakaraang isang buwan." Nagsusumbat na sabi ni damon. Galit na galit ka? Legit. yung trangkaso ko inabot ng apat na araw tapos sobrang taas. Pagkatapos nga nung overnight swerte kasi sabado at linggo nung sumunod na araw pero inabot pako ng monday at tuesday.

"Ngayong araw lang to tsaka onti lang staff sa canteen walang tumutulong" Pagdedepensa ko baka magalit pa itong dalawang ito.

"Akina na nga yan kami na magpapamigay umupo kana lang para makapagpahinga ka" Utos ni damon sabay kuha ng box ng juice na dala ko.

"Kami ang tutulong sa pagpapamigay kaya wag kana kumilos" Sabi din ni cj na halatang di natutuwa sa ginagawa ko.

"Oo na" Suko na sagot ko na lang mamaya lalo lang mainis yang dalawang yan. Umupo nako at pinagmasdan ang dalawa na pinapamigay ang mga pagkain. Nagulat din ang mga kasamahan ko sa nakitang pamimigay ng dalawa. Nang matapos sila ay bumalik na sila sakin na may dala na ring pagkain.

"Haynako ang dami nun, pano kung di kami dumating malamang ay pagod ka na naman" Sabi ni damo nbago nilantakan ang pagkain.

"Hindi naman may katulong naman ako" Sagot ko sa kanya. Pampalubag loob alam kong inis na inis na naman sila.

"Kumain kana" Sabi ni cj sabay abot ng styro na dala niya.

"Kumain na ako. Ikaw ang kumain" Sabi ko naman sa kanya. Pagkain niya tas ibibigay niya sakin tsaka sa canteen ako naatasan kaya malamang ay kumain na ako. 

"Ikaw nagluto nito?"Tanong ni cj bago kumain tumango ako kaya kumain na siya.
"Wen tara na sa canteen" Aya sakin ni syl kasamahan ko sa canteen. Napatigil sa pagkain ang dalawa at napatingin sa kanya kaya mukhang natakot siya.

"Ah sige una na kayo sunod na lang ako" Sagot ko kaya nagmadaling tumango siya at umalis na kasama ang iba o pang kasamahan. Bumalik naman sa pagkain ang dalawa.

"Madami ka pa bang gagawin? Wag kana sumunod mukhang pagod kana." Nag aalalang sabi ni damon.

"Bantay na lang siguro. Pero kailangan ko paring pumunta don" Sabi ko uli. Mukhang alam nila na di nila ako mapipigilang bumalik kaya di na sila sumagot.

Hinintay ko lang silang matapos at nagpaalam na din na babalik na sa canteen.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now