Chapter 16

59 49 0
                                    

Maya maya pa ay nagdatingan na ang mga kaibigan namin nauna si eden at ate pau.
Halos kasunod lang din ang iba pa na sina cris, Eris at ang magjowa chel at kristoff. Nabutan nila kaming nakaupo sa sofa habang tinutuyo ko ang buhok ng dalawa.
"Magkakabati na kayo?" Tanong ni ate pau bakit ganon tanong nila halata bang di kami magkakaayos kanina.
"Para namang matitiis kami niya si babes nyo" Mayabang na sabi ni damon.

"Ah talaga?" Nanunuyang sabi ko kay damon. Mukhang natakot naman siya

"Charot syempre kami yung di makatiis sa kanya" Pagbawi ni damon kaya natawa naman sila.

"Pasok na kayo, dalhin niyo na muna yung mga gamit sa kwarto. Samahan ko kayo." Pang agaw sa atensiyon ko sa kanila. Tumayo na ako para maituro ko sa kanila yung kwarto.

Nang makarating kami sa kwarto nakita kong nakalatag na ang dalawang foam at may bakante pang space sa gilid halatang kulang nga foam.

"Malaki pala tong room na to wen, mukhang mapapadalas overnight namin dito?" Tuwang tuwa na sabi ni eden

"Pwede naman basta may renta bat hindi?" Pabiro kong sabi kay eden kaya napanguso siya. Ibinaba na nila ang gamit nila sa may lamesa. Parang vanity table na medyo malaki.

"Abat may tv pang malaki" Manghang sabi naman ni ate pau.

"Sa totoo lang family room namin to. Pinagawa ni kuya x sa sarili niyang pera galing sahod niya sa work." Paliwanag ko sa kanila. Nakakamiss dati halos araw araw kami sa family room namin sa manila pero ngayon halos di na kami magtagpo tagpo sa sarili naming bahay.
"Kaya pala" Animo'y naliwanagan na sabi naman ni cris.

"Tutal andito na naman tayo lahat pwera lang sa dalawang yun pero ok lang di naman sila makakatulong. Kaya magplano na tayo" Sabi naman ni Eris

"Tama, kailangan nating bumili ng pagkain natin dahil nakakahiya kina tita-" Hindi natapos na sasabihin ni eden
"Wag na bumili na si mama, tsaka ano kaba pag pumayag si mama maging happy kana lang. Kung ayaw naman niyan di yan papayag.Tsaka nakapag luto nadin si mama ng dinner nating lahat kaya snacks nalang bilin naten" Suhestiyon ko.

"Sabagay, sige bumili nalang tayo ng madaming snacks para mas masaya pag nag movie marathon tayo. Pero maya maya na kasi i'm hungry na" Maaarteng sabi ni eris. Natawa naman ako at inaya sila palabas.

"Sakto ang labas niyo dahil anjan na ang mga kuya mo at si alexis, Maya maya pagbaba nila ay kakain na tayo" Bungad sami ni mama. Ay oo nga pala di pa pala nila kilala si kuya x at kuya xus, kilala nila kasi kinekwento ko pero di pa nila namemeet sa personal.

"Tara muna sa sala, antayin lang natin bumaba yung mga lalakeng yun at kakain na tayo. oks lang ba?" Tanong ko sa kanila.

"Oks" Sabay sabay na sabi nila kaya dumiretso na kami sa sala. Nandon naman ang dalawang tukmol kumakain ng almonds. Malamang bigay yuun ni kuya xus kasi fave niya yan e.
"Ano yang kinakain niyo?" Cutious na tanong ni cris

"Almonds" Tamad na sagot ni cj.

"San niyo naman nakuha yan?" Tanong din ng nagugutom ng si eris

"Bigay ni kuya xus, Bibigyan sana namin kayo kaso ang tatagal niyo kaya paubos na" Sabi naman ni damon na man lang tumitingin samin at nakatutok sa t.v.

Naglapitan na kami sa sofa ay nagsi upuan. Uupo sana ako sa sahig sa tapat ng dalawa ng bigla akong hilahin pataas ng dalawa habang hatak ang magkabilang braso ko malamang tig isa silang hatak.
"Aray ko naman dahan dahan." Nagrereklamo kong sabi sa kanila.

"Sorry" Sabay na sabi nila pero di parin nakatingin sakin nakatitig parin sa tv. Ano bang pinapanuod netong dalwang to? Napatingin ako sa tv at napangisi. NBA lakers vs. bulls. Nakakatawa magkalaban ang fave nilang kupunan. Si damon favorite ay bulls samantalang lakers naman si cj. Ang alam ko fave din to nila kuya x at kuya xus pati si six. 

Mukhang alam na kung sino magkakakampi. Napatingin naman ang mga kaibigan ko sa kanila. Maya maya ay magkasunod na bumaba si kuya x at kuya xus pati si six na kakabihis lang ay kasunod. Nakita ko namang nagulat si kuya xus at kuya x sa dami ng tao sa sofa akala siguro nila si damon at cj lang ang dito.
"Hi kuya's" Bati ko sakanila lumapit naman sila sakin at humalik sa ulo-han ko at umupo sa sahig sa harap namin. Hindi naman magkalayo ang edad ni kuya x ay kuya xus actually isang taon lang ang agwat nila kaya close din silang dalawa. At nakasundo naman nila tong dalawa ng dahil jan sa basketball.
"Kain na" Sigaw ni mama.
"Mamaya na kami ma. Una nalang muna ang mga kaibigan ni alexa" Sabi naman ni kuya x. Nako kaya nga kami nag antay para magkakasabay kami e.
"oo nga ma, tapusin lang po namin ito" Sagot din ni damon.
"Osige alex anak kumain na kayo ng mga kaibigan mo. Mukhang mamaya pa nga makakain yang apat limang yan." Tawag sakin ni mama.
"Opo ma. Tara na kain na muna tayo" Aya ko sa kanila at tumayo na sa pwesto ko. Para makakain na kami nila eden at ng iba pa .

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now