Chapter 23

54 45 0
                                    


Kinabukasan ay nagising ako na may mabigat sa tiyan at hita ko kaya minulat ko ang mata ko. Nakita kong nakadapang natutlog si damon at ang braso ay nakayakap tiyan ko samantalang si cj naman ay payapang nakatihaya na natutulog sa kanan ko at ang binti ay nakapatong sa paanan ko. Medyo malaki ang kama ko kaya nagkasya kaming tatlo. At nakasanayan kona lang din na dito sila sa tabi ko natutulog.

Sa sobrang kapagudan ko talaga ay 5pm palang kahapon ay nakatulog na ako. tiningnan ko naman ang orasan kung anong oras na Mag a-ala sais na ng umaga. Inalis ko ng dahan dahan ang braso at paa ng dalawa na nakadantay sa akin ng dahan dahan para di sila magising.Nang maalis ko iyon ay bumangon na ako para bumaba. Pagkarating ko sa baba nakita kong nasa kusina na si mama nagahahanda na siguro ng almusal para dun sa tatlo.

"Good morning ma" Bati ko kay mama.

"O ang aga monagising. Nagugutomkana siguro? Di ka nakapagdinner kagabi. Kasabay namin yung dalawa at di kana pinagising kasi pagod kadaw sa ginawa mo school.Kumain kana o kaya sabayan mo na ang mga kapatid." Sabi ni mama sakin.

"Sige ma antayin ko na sila" Sabi ko at umupo sa sofa maya maya rin ay nagbabaan na sina kuya x, xus at six na mga bagong gising lang din.

"O ang aga mo alexa. Diba intrams niyo? Bat ang aga mo?" Gulat na sabi ni kuya x ng maabutan ako sa sala.

"Maaga ako nakatulog kahapon kuya kaya maaga din akong nagising.Tara na kain na tayo gutom na ako" Sabi ko na lang. Nag si tanguan sila at kumain na kami. Pagkatapos kumain ay ako na ang navolunteer mag hugas at nagsi akyatan na sila kuya at six para mag sipag ligo para pumasok. Wala pang intrams kina six samantalang kina kuya ay next next week pa.

Nang matapos akong maghugas ay umakyat na ako para doon nalang manuod ng tv. May tv sa kwarto ko pero di kasi laki ng mga tv sa ibang kwarto kasi diko naman nagagamit.

Binuksan ko ang tv at humiga sa gitna ng dalawa na pinag alisan ko kanina. Naramdaman ata ng dalawa na gumalaw ako kaya lalong nagsisik sakin. Parehas na sa leeg ko ang ulo nila at parehas ding naka akap sa bewang ko pero parehas lagpas ang mga braso at naabutan ang isa't isa. Kaya parang niyayakap din ni cj si damon kasi abot kay damon ang kamay at parang ganon din kay damon kasi abot ang kamay niya kay cj.

Pinag patuloy ko nalang ang panunuod at hinayaan ang dalawa sa pwesto nila. Kinuha ko yung phone ni damon sa ilalim ng unan. Nakasanayan niya ng ilagay yung cp niya sa ilalim ng unan niya bago siya matulog kaya alam ko na andon yun. Tiningnan ko kung anong oras at chineck na rin sa gc nila kung anong oras sila pinapapunta sa school. Pagbukas ko pa lang ng data niya ay napakadami ng nag pop up na message buti nalang nasilent ko agad. Puro unseen na chat ng mga babaeng nagh-hi lang ang karaniwang laman ng messsenger niya. Diko na inopen at chineck ko na agad gc nila.

Nakita ko naman agad yung event nila mamaya.

Announcement!


9am dapat andon na lahat. May laro tayo ngayong araw kaya mabuting maaga pala ay nag wawarm up na. P.s ang mala-late ay siyang magbibila ng lunch at dinner. -Coach Milo


Basa ko sa chat ng assistant coach nila na si jb. Wala kasing fb si papc milo kaya si jb talaga nagsesend ng mga announcement. Pagkatapos kong tingnan yun ay nag set nako ng alarm ng 8am. At bumalik na sa panunuod. Maseseven anm palang naman. 

Maya maya rin ay nag ring na ang alarm na sinet ko. Naramdaman ko namang nagising si cj kaya tinapik ko na si damon.

"Rafael bangon na jan may laro daw kayo!" Pag gising ko kay damon. Napaungot siya at pilit na binuksan ang mata niya pero lalong sumiksik sakin at niyakap ako ng mahigpit. SAmantalang si cj ay tumayo na.

"D Bumangon kana!" Utos ni cj kay damon kaya niluwagan na ni damon akap sakin humalik sa ulo ko.

"Morning." Inaantok pa niyang sabi at bumangon na sabay na lumabas ang dalawa kaya sumunod na din ako pagka ayos ko ng kwarto.

Pagkababa ko naabutan kong naghihilamos si cj at damon. Sabay naman kaming napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas.

"Oh! gising na pala kayong tatlo" Sabi ni mama ng makita kaming tatlo sa baba.

"Good morning ma. Ano almusal?" Walang hiyang sabi ni Damon.

"May kanin jan at ulam na luto ko. Kung maglalaro kayo ay wag kayo mag kanin mag tinapay nalang kayo. Meron diyang pandesal" Sabi naman ni mama.

"Opo ma thankyou" sabi naman ni Damon.

"Osige akyat na ako. Yung pera mo alex nandon sa kwarto mo inilagay ko na don." Sabi ni mama bago pumanhik sa taas.

"Opo ma" Sagot ko kay mama.

"Anong oras laro namin alexa?" Tanong ni cj.

"Alas nwebe daw kaya mauuna nako maligo." Sabi ko sabay akyat. Naligo na ako at nagbihis nag jogging pants at tshirt lang ako. Kasi manunuod lang naman ako sa kanila e.

Habang nag aayos ng dadalhin ko sabay namang pumasok yung dalawa. Naunang pumasok si damon sa cr malamang siya ang mauunang maligo. Samantalang si cj ay kinuha ang gym bag niya at dun nilagay ang mga jersey na gagamitin nila mamaya.

"Alexa asan yung isang white t shirt ni d?" Tanong ni cj.

"Andon sa baba. Dun ka na rin maligo ibaba ko nalang itong mga gamit natin" Sabi ko sakanya.

Tumango naman siya at bumaba na ako naman ay kumuha ng mga limang bimpo kasi alam kong magpapawis talaga sila ngayong buong araw at nagdagdag pa ng ilang tsgirt nila at naglagay ako ng ilang tshirt ko. Buong akong di makakauwi para magpalit kaya naglagay nako.

At lastly yung first aid kit kasi player sila di maiiwasan ang sugat. Pero wag naman sana pagkatapos kung ilagay ang mga ilang pang gamit ay inintay ko si damon matapos maligo at magbihis.

Pagtapos magbihis ni damon ay bumaba na kami. Buhat niya yung gym bag at buhat ko naman yung malaking tumblr na paglalagyan ko ng tubig nilang dalawa. Kasi alam kong tatamarin na naman silang mag lagay. Pagkababa namin saktong nakabihis na rin si cj.

"Lagyan ko lang ito ng tubig tapos alis na tayo." Sabi ko sa kanilang dalawa at tumango naman sila. Mabilis kong nilagayn ng tubig ang tumblr. Kaya naka alis na din kami after nun. Di na kami nag paalam kay mama kasi tulog na siya kaya nilock konalang ang pinto.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now