Chapter 19

55 47 0
                                    

Habang nakapila chineck muna ni eden kung may kulang paba at buti nalang chineck niya kasi may kulang pa kaya sinabihan ko yung dalawa na sila nilang kumuha at ami na lang pumila binuhat naming tatlo yung mga drinks at hinayaan na yung dalawa na maghanap nung kulang at habang nakapila kami may nakita akong pamilyar na mukha na nakapila din. 

"Kuya charles?" Patanong na tawag ko baka kasi di siya yun. Pero lumingon siya at napangiti ng makita ako. Pupunta na sana siya samin kaso kailangan niya na magbayad pero pagkatapos niya doon ay lumapit siya sakin.

"Alexa? Sino kasama mo? At bakit balot na balot ka?" Tanong sa kin ni kuya charles. Pinsan siya ni cj.

"As usual sino paba? HAHAHA tsaka kaya ako balot na balot may sakit e. Akala ko masamang damo ako pero hindi pala kasi tinatablan parin pala ako ng sakit." Biro ko kay kuya charles.

"Baliw ka talaga" Sabi sakin sabay gulong buhok ko.

"Kung kasama mo yung dalawa asan sila?" Tanong ni kuya charles.

"Ay oonga. Andon may hinahanap pang bibilhin. Nga pala kuya charles kasama ko rin mga kaibigan ko. Si eris at eden nga pala. Girls si kuya charles nga pala pinsan ni john" Pakilala ko sa kanila nahihiyang nag hi naman sila

"Hello, beautiful ladies" Sabi niya at sabay wink. Kahit kailan playboy talaga tong si kuya charles

"Paki ingatan tong prinsesa namin ah? Teka asan na ba ang mga ugok na yun at pinagbubhat kayo ng mabibgat. Akin na nga yan" Sabay kuha ng mga drinks kasi yung lang naman talaga mabigat.

"Ay ayun na po sila" Sabi naman ni eris sabay turo sa papalapit saming sina cj at damon.

"Kuya charles" Sabay na tawag ng dalawa.

"Hello my boys." Sabi naman ni kuya charles sabay gulo ng buhok ng dalawa. Mahilig talaga siyang manggulo ng buhok. Sa kuya charles kaklase/bespren daw ni kuya alexander. Magkaedad lang din silang dalawa .

"Ano namang binili mo dito les?" Walang galang na sabi ni cj. Kaya kinurot ko siya sa tagiliran napa aray naman siya kaya natawa si kuya charles

"Ayan dapat talaga marunong ka rumespeto hahahaha" Natatawang sabi ni damon or more on nang aasar na sabi niya kaya siniko ko naman siya at napatigil siya sa pagtawa pero alam kong nagpipigil siya ng tawa.

"Soda lang. San kayo galing at pinagbubuhat niyo ang mga magagandang binibining to" Tanong naman ni kuya

"May kinuha lang kuya tsaka wag mo nga nilalandi yang mga yan kuya charles lagot ka kay alexa" Sabi naman ni damon

"Mapagbintang ka damon ha. Nga pala bat ang dami niyong binili? Ano meron?" Curious na tanong ni kuya charles.

"May overnight kaming magkakaibigsan sa bahay kuya charles." Sagot ko naman

"Ah sayang diko pwede kasi puro prens mo naruon sa susunod nalang. Miss na kita e" Sabay yakap sakin. Tagal na naming di nagkita e.

"Miss you tama na habol sa binibini mo. Mas mahal ka namin don" Bulong ko naman sa kanya at yumakap pabalik.

"Opo I've learned my lesson already. Next time over night ako sa inyo soon. Sige na alis na ako, baka di ako makatiis at hatakin ko pa kayo sa bahay" Birong sabi ni kuya charles. Nakakamiss din talaga tong loko loko na ito.

"Nasa kotse si kuya xus dimo man lang kakamustahin?" Sabi ko.

"Baby girl lagi kami nagkikita sa school niya. Sige na alis na koooo, Bye bye" Paalam niya at humalik sa ulo ko. Nagpaalam nadin kami sa kanya. Oo nga namang school mate nga pala sila. Nakalimutan ko. Kumaway ako sa kanya kahit di niya na nakikita kasi nakatalikod na siya samin. Saktong pagkaalis niya ay kami na ang magbabayad.

Nang mabayaran namin ang pinamili namin ay pumunta na kami sa kotse.

"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni kuya xus. Mukhang inip na inip na siya.

"Kung sumama ka sana." Sabi ko

"Kung sumama ako edi taga buhat mo lang ako? Wag na." Sabi ni kuya sabay irap.

"Arte mo talaga" Naiinis na sabi ko.

"Bakit nga kayo natagalan?" Tanong ulit ni kuya xus

"Andami kaya ng binili namin tsaka nakita namin si kuya charles e mukhang miss na miss si alexa kaya ayun napatagal" Sagot ni damon kay kuya xus habang sumasakay kami.

"ah kaya pala, naku miss na miss ka na nga ng tukmol na yun. Malapit na bday nun ah? Bat dimo isurprise alexa?" Sabi ni kuya at inistart na ang saksakyan. Surprise? Not bad idea pero baka may pasok nun e.

"Tingnan naten, kung wla akong gagawin sa araw o week na yun." sabi ko nalang at tumango lang naman si kuya.

Nang makarating kami sa bahay naabutan namin sila sa sala at parang hindi naging productive habang wala kami kasi kung pano namin sila iniwan ganon parin ang itsura nila pag alis namin.Umakyat na si kuya xus kasunod naman niya sila cj at damon siguro ay kukunin na nung dalawa yun kulang na cushion.

"Since magn-nine na ayusin na satin ang kakain at gagamitin bago tayo magpalit para rekta kwarto na" SAbi ni eris.

Maya maya bumaba na yung dalawa dala ang dalawang cushion tag isa sila.

Ang mga babae ang naatasang mag ayos ng snacks at ang mga lalake naman ang naatasan sa kwarto pero since di naman sila marurunong kailangan ko pa silang turuan pero di ko tutulungan atsaka parang papayagan naman ako ng dalawang tumulong.

Pumunta kami sa kwarto kasama si kristof. Inutusan ko silang lagyan ng bedsheet ang mga foam at lagyan ng mga punda ang mga unan, Kumuha ng kumot at ayusin ang TV. Dahil mga walang reklamo silang kumilos mabilis din natapos kaya pumunta na ako sa kusina. Nakita ko namang tapos na din sila.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now