Chapter 3

99 68 0
                                    

A/N: Ifa-fast forward ko na po. Kasi feel ko amboring na kung idedetailed ko pa masyado pero wag kayong mag-alala wala namang mawawalang important parts kahit na i-fast forward ko. hehe! Yun lang :> HAPPY READING :*


~~~~~***~~~~~


Nagdaan ang ilang buwan ay nakilala ko na halos lahat ng mga kaklase at nagkaroon ng mas madaming kaibigan. Alam ko na rin ang pasikot sikot sa school campus. At mas naging mas magaan ang loob ko na makisalamuha sa mga tao dito sa school kasi mababait at mga masayahin sila.

Sa paglipas ng araw mas lalo kong naging kaclose yung mga classmate ko. Pero ang diko inaasahan mas naging close kami ni cyriel at ni Damon pano ba naman transferee kaming dalawa ni cyriel tas diba nga returnee si rafael so, parang transferee den kasi back to zero mga kakilala niya kasi nag stop siya para mag work. 

At naging seatmate kaming tatlo yun siguro naging dahilan kung bakit naging close kami. At dahil baguhan kaming dalawa tinulungan kami ni damon na mag adjust siya din ang nakatulong samin para marami kaming makilalang iba pang mga ka-school mate namin.

Nalaman ko din na medyo late ang curriculum nila dito kaya medyo may advantages kami ni cyriel kaya in return natutulungan naman namin si damon na makahabol.

By the way, Ngayong araw ay Thursday wash day namin at nagkataon namang canteener na naman ako.

"Wen tayo na canteener tara na. " Tawag niya sakin.

Yan yung isang bagay na nahirapan kaming mag adjust kasi yang pag cacanteener part ng activity namin sa T.L.E kung saan magiging part ka ng gumagawa sa canteen which is yung pagtitinda sa loob ng canteen, pagluluto kung marunong ka magluto paghuhugas ng pinggan, at pagtitinda naman sa labas ng canteen ng mga snacks. Kahapon nagcanteener din ako at buti nalang sa loob ako taga luto. At mukhang nagustuhan ni kuya VJ trabaho ko kahapon kaya pinagstay ako don buong araw.

"Sunod nako." tugon ko sa kanya.

Kukunin ko sana yung bag ko para makuha yung cp at wallet ko ng maalalang inuunan pala ni Cyriel kaya kailangan ko pa siyang gisingin.

"John peram saglit ng bag ko. May kukunin lang ako." Sabay tapik sa kanya.

"Hmmm." Ungot niya bago gumising. Pagkabangon niya kinuha ko na yung cp at wallet ko.

"San ka pupunta?" Tanong niya sakin habang pinipilit na buksan mata niya.

"Diba nga canteener kami ni Shane? Sige na balik kana sa tulog alis nako, Sabihan mo na lang si Rafael pag nagtanong." Paalala ko sa kanya kasi alam kong hahanapin ako ng gung gong na yun.

Kung nagtataka kayo kung sino si Rafael si Damon po iyon. His real name is Damon Rafael tinatawag ko naman siya sa second name niya. Samantalang si Cyriel, kahit ano na tatawag ko sa kanya basta wag lang daw CJ. Ewan ko kung bakit basta ayaw niya. Nag-aaway pa kami nun pagnatatawag ko siyang ganun.

"Hmm-mm" Ungot niya uli at bumalik na sa tulog.

Pumunta na akong canteen. Diko pa alam kung saan kami ni shane ngayon mapupunta sana sa loob na lang ng canteen. Nakakainis pag sa labas bukod sa mainit e masyadong open yung tindahan pag nagkulang yung benta mo abono ka talaga.

"Shane san daw tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa labas daw tara na kuhanin na natin yung ititinda naten" Excited na sabi ni Shane. 

Malas naman ayoko nga sa labas. Pero wala naman akong magawa kundi ang sumunod kay shane. Kinuha na namin yung ititinda namin. Bago ilagay sa stall kailangan muna naming bilangin yun at ipa check kay Kuya VJ siya yung namamahala ng canteen. Eto din ang ayaw ko sa labas masyadong maraming task.

Pagkatapos ipacheck kay Kuya VJ ininilagay na namin sa stalls yun. Dahil nga maraming gagawin bago makapagtinda usually 10-11 am na siya nabubuksan. 12-1 ang lunch break kaya napaka daming tao. Nagsimula na kaming mabilang ni Shane siya ang nagbilang sa junk foods at ako naman sa biscuits.

Habang nagbibilang kami dumating yung mga kaibigan ni Shane. Mga kaklase din namin pero diko naman masyadong close kaya di nako nag abalang bumati at pinagpatuloy na lang ang pagbibilang ko. Nang matapos akong magbilang isinulat ko na lahat yun at inilagay sa stalls pinacheck ko na rin kay Kuya VJ para pwede na yun bilhin.

Nauna na ko kay shane di pa siya tapos kahit na mas marami yung binilang ko. Sana ol pinupuntahan ng kaibigan wala kasi sila cris nautusan sila mamili ng gagamitin sa sabayang pagbigbigkas dina ako pinapasama kasi nga canteener ako.

Hirap talaga pag mag-isa dapat pala pinababa ko na lang din si Cyriel.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now