Chapter 12

63 53 0
                                    

Pagkatapos kong magbihis bumaba na din ako agad. Habang nasa hagdan narinig kong nagsalita si mama sakin. Narinig ko din na parang madaming nagsasalita kaya napatingin ako sa sala.

"Anak anjan sina si Eden sa sala." Sabi sakin ni mama. Kaya pumunta agad ako sa sala akala ko naman sina babes lang andon pero andon din si chel at ang jowa niya na si kristoff pati si damon, cyriel at jack. 

Buti na lang medyo malawak yung sala kaya nagkasya sila pero meron paring nakaupos sa carpet. Kaya bumalik ako sa kusina at kinuha yung mga monoblocks. Akmang bubuhatin ko na yung ng marinig ko si damon.

"Ako na umupo kana don, at wag magkikilos dika pa gumagaling nagpapabinat kana" Utos niya sakin kaya pumunta na ako sa sala at halatang hindi nila inupuan yung pang isahang sofa para dun ako umupo. 

"Bat naman napadalaw kayo dito? Kulang nalang ng bulaklak parang lalamayan na ko ah? Kumpleto kayo" Birong sabi ko. Nagulat ako ng marahas na ibinagsak ni damon yung upuan mukhang di natuwa sa biro.

"Ano kaba babes tumigil ka nga!" Saway sakin ni ate pau. Napaka nega talaga netong mga ito.

"Charot lang yun! Ang hahigh blood niyo naman. So Bakit nga nandito kayong lahat? Wag niyo sabihing dito  namimis niyo agad ako?" Biro ko sa kanila. Nakita ko namang napa irap sina eris.

"Nag aalala kami siyempre, Tsaka sabi ni tita magpapameryenda daw siya ng champorado" Sabi ni jack at nakita ko namang siniko siya ni cyriel at napasimangot naman siya. Sabi na may hidden agenda itong mga to.

"Sabi ko na nga ba." Natatawang sabi ko.

"Kidding aside, Pero nag alala talaga kami sayo pano ba na kagabi ang saya saya pa natin tas biglang nagkaganyan ka" Nag aalalang sabi ni eden.

"Napagod lang siguro katawan ko at utak ko kakaisip kaya gusto magpahinga" Sabi ko. Nakita ko namang napatango sila. 

"Kaya malalam mata mo kahapon pero wala ka namang sinasabi kaya hinayaan ko na." Sabi ni ate pau.

"Siguro dahil yan sa pagcacanteener mo nung wednesday buong araw ka kasi sa canteen. Tas ayaw ka man lang pagpahingahin ni kuya vj. Ginalingan mo kasi masyado sa pagluluto e" Paalala sakin ni cris.

"Kaya nga. Naku talaga si kuya vj." Pag sang ayon naman ni Eris.

"Hayaan niyo na. Tapos na yun tsaka pumayag naman ako wag na kayong mangsisi" Sabi ko nalang para tigilan nila yung topic nayun.

"Luto na ang meryenda. Kailangan ko ng tulong para magsandok at maglagay sa mangkok" Sabi ni mama na parang naghahanap ng volunteer.

"Ako po tita" Taas kamay ni jack at sumunod kay mama

"Ako den po tita" Sabay sabay na sabi ng mga babes at sabay sabay na nag si tayuan. Ang naiwan ay yung magjowang si chel at kristoff tas ako at yung dalawang bugok.

"Wen okay ka na ba? Mukha ka namang walang sakit kahapon ah." Tanong ni chel sakin.

"Diko nga din alam. Pero mas okay na naman ako kesa kaninang umaga kasi di na halos ako makakilos sa sobrang bigat ng pakiramdam ko kanina pero ngayon medyo oks na lagnat na lang" Sabi ko sa kanya.

"Nga pala pagpasensyahan mo na sina mccoy, migs at loui ah?" Pagpapaumanhin ni chel

"Oo nga, dapat talaga di ko na sinama yung mga kaibigan kong yon" Pag sang ayon naman ni kristof. Parang tanga naman tong magjowa na to andito kaya yung pinagusapan namin kagabi.

"Ano ba kayo ok lang, Masaya naman sila kausap makukulit lang" Natatawang sabi ko. Ramdam ko naman na nakatingin si d at c sakin

"Bakit ano bang ginawa ng mga KAIBIGAN mo?" Tanong ni damon na inemphasize pa yung salitang kaibigan. 

"Wala yon" Ako na yung sumagot baka kung anong masabi nila e. Ay di pala nila kilala tong dalawang to

"Ah ikaw pala yung kaibigan" Pilosopong sabi ni cyriel pero binalewala ko na lang.

"Nga pala chel at kristof, Si damon at cyriel" Pakilala ko sa kanila nakita ko namang nagulat si chel pero nginitian ko na lang siya.

"Alam kong kahit kaklase na sila dimo sila namumukhaan chel. Kasi kung hindi natutulog at naka ub ob yang dalawang yan. Baka nagcucutting" Sabi ko na lang sabay irap sa dalawa.

"Kaya pala pamilyar kayo." Bulong ni chel. Kaya di narinig nung dalawa

Napatingin naman yung dalawa sakin.

"Alexa isang beses ko lang ginawa yun." Paglaban ni cyriel.

"Malay ko ba?" Sabi ko kay cyriel. At napatingin ako kay damon kasi di siya umiimik.

"O ikaw ano dika magsasalita?" Tanong ko kay damon habang nakataas ang isang kilay.

"Alexa I'm guilty" Pagsuko naman ni damon.

"You should" sabi ko nalang sa kanila at ngumiti ng nagpapaumanhin kina chel.

Mukhang nawala sa mood yung dalawa at tumayo rin at pumunta nalang din sa kusina.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now