Chapter 30

62 46 0
                                    

Nagfocus na nga kami sa laro madami na ring tao sa court. 3rd quarter na pero lamang lang sina damon ng walo sa kalaban. Nag time out si coach kaya naglapitan ang mga players. Inabutan ko yung dalawa ng tubig tas inabutan ko na din ang iba. 

"Nakakapagod diko ineexpect na may laban palang tong mga to. Kailangan pa nating taasan ang lamang." Sabi ni damon na hinihingal pa.

"Shh magpahinga kana lang jan, at wag mo masyadong ipush sarili mo pag ikaw o si cj nasaktan tamo!" Babala ko kay damon kaya tumahimik na lang siya at nakinig kay coach.
Narinig kong pumito na kaya nag patong patong na kami ng kamay at sumigaw.

"Warriors Fight warriors Win Lets Go team!" Sabay sabay naming sigaw. Nagtakbuhan na ang ibang players samantalang ang dalawa ay kumiss muna sa ulo bago umalis.
Nang mag umpisa ang 4th quarter ay lalong mas uminit ang laban at mas umingay ang gym. Hindi na ako makapanuod kasi naglipatan na ang ibang tao sa upuan ng mga players.

"Awww" Sigawan ng mga tao ng may tumumba.

"Pre namemersonal kana." Rinig ko ungot ng isa sa team namin.

"Wag mo na patulan." rinig kong sabi ni damon. Aba himala siya ang umaawat.

"Prrrrrt foul no. 14" Sigaw ng referee narinig kong nagreklamo yung tinawagan ng foul pero wala naman siyang magagawa.

Nagpatuloy ang laban at pinilit kong makipagtulakan para makanuod. Nakita kong nagka iinitan yung no. 7 at si cj. Pero nakalusot siya at nakashoot ng 3points pero nagulat ako nahawakan niya ang ulo ni cj para pigilan eto pumasok ang bola kasabay ang pagbagsak ni cj napaiwas ako ng tingin at kinabahan. Ayaw kong tumingin dahil baka napuruhan don si cj.

"Beeeeep" Rinig kong tunog ng natapos na ang laro nagtakbuhan ang mga estudyante sa court pero ako ay di parin makagalaw. Nakita ko si coach at tinawag ito

"C-coach! si john." Naiiyak na sabi ko.

"Wendi umupo ka muna don at titingnan ko si cj mukha namang di malala" Sabi sakin ni coach. Kaya pumunta ako sa bleachers. Nakita naman ako nina babes.

"Babe wen okay kalang? Wag kana mag alala di naman siguro nasaktan ng malala si cj" Pampalubag loob na sabi ni ate pau.

"Oh! ayan na pala sila." Narining kong sabi ni eris kaya napatingin ako sa kanya at may itinuro siya at ng tingnan ko yun ay nakita ko si cj na naka akbay kay damon na parang inaalalayan siya nito sa paglakad nakita ko pang may hawak niya ang ulo na may towel at parang dumudugo.

Napatanga naman ako at di makakilos imbes na lumapit ay napayuko ako. Eto ayaw ko pag nanunuod ako pag nasasaktan sila ng ganyan ay naiiyak ako. Naramdaman kong nakalapit na ang dalawa at umupo sa tabi ko si cj at lumuhod naman sa harap ko si damon para magkapantay kami.

"Alexa ok lang si cj tingnan sprain lang yun at nakalmot wag kana mag alala." Pang aalo sakin ni damon.

"Alexa tumingin ka sakin hindi naman ganon kalala bukas din ay gagaling din to" Sabi ni cj pero umiling ako. Hinawakan ni damon ang baba ko para iharap sa kanya. Nakita kong may cuts din siya sa loob. Ano bang basketball ang nilaro nila ta puro galos sila.

"Wag kana umiyak gamutin mo na kami ok?" Sabi ni damon at napatango ako. Pinusan niya ang luha ko at yumakap sakin.

"Nanalo kami wala man lag bang congrats jan." Pang checheer ni damon

"Congarts you face." Asar na sagot ko.

"Alexa naman." Sabi ni damon binalewala ko yun at kinuha ang first aid kit sa gym bag nila at ice pack.

"Umupo ka sa bleachers." Utos ko kay damon. At sinimulang pahidan ng ointment ang sugat niya sa labi at nilagyan ito ng band aid dahil sa awa ni papa god yun lang ang sugat niya ay si cj naman ang sinunod kong gamutin.

"Hubadin mo." Utos ko.

"Alin alexa?" Nagpapatawang sabi niya.

"Di ito oras para sa biro hubarin mo na ang sapatos mo." Walang ka ngiti ngiting sabi ko kaya napanguso si cj at natawa naman si damon pero tinaasan ko siya ng kilay at napatigil din siya sa tawa.

Nang mahubad niya ang sapatos niya ay inisprayan ko na ng (X) pagkatapos nun ay ang taas ng kilay niya nakalmot. Pinatungan ko muna ng ice pack para tumigil ang pagdudugo at ng tumigil ang pagdudugo ay pinahiran ko na rin ng ointment at nilagyan ng gasa dahil hindi kakayanin ng band aid dahil medyo mahaba.

Nang matapos ako ay naramdaman ko na nakatitig ang dalawa sakin.

"Pumunta na kayo don at awarding na. Raf alalayan mo si john." Sabi ko sabay upo. Nakakadrain yung kaba na naramdaman ko akala ko kung napano sila.

"Anong kami tayo! Tara na." Sabi ni damon at hinatak ako patayo. Umakbay naman sakin si cj at umakbay siya sa kabila kay damon.

"Thank you alexa." Bulong ni cj sa tenga ko at humalik sa gilid ng ulo ko.

Naglakad papunta middle ng court kasi wala silang stage kaya sa court nalang din mag aawarding. Malamang sila ang champion at MVP na naman siguro si cj. Habang naglalakad kami ay sumisigaw si damon ng excuse me kaya mabilis kaming nakapunta sa gitna.

Pagdating namin don ay nakapila na ang ibang players ng mga school na kasali sa awarding nakita din namin sina coach at ang ibang teammates nila. Nagfist bump at nag-congrats sa isat isa paglapit namin kay coach.

"Aba't nakabenda na agad at nalinis na ang mga sugat niyo ah?" Sabi ni coach ng makitang nakaband aid at benda na ang sugat ng dalawa.

"Mahal na mahal kami ni nurse namin coac.h" Mayabang na sabi naman ni damon at tumingin sakin at kumidat. Inirapan ko naman siya at natawa slang tatlo nila coach.

"Swerte niyo at nandito si wendi. Nako kanina ay halos di na nakagalaw ng makitang tumumba si cj." Sabi ni coach.

"Coach naman." Parang bata kong sabi alam kong inaasar lang ako ni coach.

"HAHAHAHA biro lang. O hala pila na!" Sabi ni coach kaya pumila na kami. Umalis si damon sa kabila ni cj at lumipat sa tabi ko at pinulupot ang braso sa bewang ko. Hinayaan ko na at nakinig na lang sa awarding.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now