Chapter 14

60 50 0
                                    

Naunang umalis sina ate pau at eden dahil malayo pa sila, Maya maya naman daw sina cris at eris dahil walking distance lang ay layo ng bahay nila samin. Si jack naman di daw makakasama dahil may pupuntahan pa daw siya. Yung magjowa naman nandito parin mamaya na lang daw sila kasabay ni cris kasi magkakakapit bahay sila. Ang yung dalawang ugok malamang andito parin sila at alam kong walang balak na umuwi.

"John at rafael Di ba kayo uuwi?" Tanong ko. Ramdam ko namang napalingon yung mga kaibigan ko.
"Hindi na" sabay na sabi nila at hindi ako nilingon kasi nanunuod sila ng tv
"Edi tumawag lang man lang kayo kina mama, inaatake na naman kayo ng kawalang pakielam niyo" Nakakunot na noo kong sabi. Pero mas lalo akong napangunot ng inabot ni damon yung cp niya kay cj at inabot naman sakin ni cj ang cp ni damon at cp niya.
"Ikaw na tumawag baka pagalitan kami"
"Bat naman kayo papagalitan? Anong ginawa niyo na namang kalokohan?" Singhal ko sa kanila at binalewala ang tingin ni cris. Alam kong alam nila na close kami pero di nila alam na ganto ka close
"Alam na nila yung ginawa namin nung wed."

"Yan dapat lang sa inyo. Ha! Bahala kayo jan, sana di kayo payagan" Asar ko sa kanila. Inis na lumingon naman si cj

"MA SI ALEXA AYAW KAMI PATULUGIN DITO" Sigaw ni damon

"hoy bunganga mo nga, atsaka dapat lang yun sa inyo." Asar ko pa rin sa kanya.

"Alex ikaw ang tumawag pagbigyan mo na yang dalawang yan" Utos ni mama sakin. Wala naman akong magawa kung di sumunod. Nakita ko namang napangisi si cy at dumila naman sakin si damon. Umalis ako sa pwesto ko at lumipat kina cris.

"Bakit mama tawag nila sa mama mo?" Tanong ni cris

"Siyempre kulang sa aruga, mga piling anak" SAbi ko sa kanya At binuksan na ang phone ng dalawa. Nakita ko naman na parehas sila ng screenlock. Well, Pare-parehas naman kami ng screen lock, yun yung picture naming tatlo nung nanalo team nila sa liga. Ako may hawak ng trophy at nasa gitna nila ako. Mukhang nakita naman nila yun.

"Hala ang sweet " Rinig kong sabi ni chel.

"Sanaol" bulong ni eris pero binalewala ko na. Inuna ko muna yung kay cjTinype ko na yung passcode at bumangad naman sakin sa ang wallpaper ni cj. Picture namin nung nag mvp siya naka akbay ako sa kanya at suot ko yung medal niya at kagat kagat ko. Tas siya nakatingin naman sakin at nakahawak sa bewang ko ang braso niya. 

Tinawagan ko na si mama ariela wala pang ilang ring ay sinagot na ni mama ariela

"Hello anak." Bungad sakin ni mama

"Ma!" Sabi ko naman alam kong makikilala niya na ako nun at nang dahil sa sinabi kong yun napatingin na naman sila sakin.
"Alex anak ikaw pala bakit ka napatawag gamit ang cp ni cj" Tanong ni mama

"Ma kasi mag oovernight kami ng mga kaibigan ko dito sa bahay. ipapaalam ko po sana si cy" Sabi ko na lang napatingin naman si cy at napangisi inirapan ko siya

"Ano kaba alexa bat nagpaalam kapa? Diyan naman pala sa bahay niyo dapat nagtext kanalang. Pero salamat at nagsabi ka, Siguro alam mo na na hindi magsasabi yang isang yan tsaka may kasalanan yan sakin kaya siguro ikaw ang pinatawag" SAbi ni mama
"opo nga daw"
"Talaga yang batang yan. Osige na ok lang sakin basta yung lagi kong pinapaalala ah? Payag na ko. Have fun sa overnight niyo. Love you" Malambing na sabi ni mama riela
"I love you too ma! Enjoy your solo night papa HAHAHA"pabirong sabi ko kay mama. Napahalakhak naman si cy
"Naman hahahah charot, sige na babye na" Pagkatapos sabihin mama yun ay pinatay niya na ang tawag niya. Napatingin naman ako kay cy.

"Ang tatanda na nila alexa, wag mo na akong bigyan ng kapatid" Natatawang sabi niya

"Ayaw mo nun may little cynthia o little cyrol kayo" Natatawang sabi din ni damon. Si cynthia at cyrol dalawang nakababatang kapatiid niya. Tatlo lang sila panganay siya

"Gago" Mura ni cj kay damon. Si Damon din tatlo silang magkakapatid may bunso silang lalaki si daniel tas si ate Daisy naman ang panganay nila

Diko na sila pinansin at sunod na tinawagan si mama danna. Pagkabukas ko ng cp ni damon bumungad naman yung picture namin nung naging muse ako ng team nila at suot ko ang basketball shirt niya. Nakaakbay din ako sa kanya nun at nakiss naman siya sa buhok ko. Dali dali ko ng hinanap ang pangalan ni mama danna at tinawagan eto."Hello damon anak" Sagot sa kabilang linya.

"Ma!" Sabi ko ulit at alam ko namang makikilala niya din ako

"O alexa anak bakit hawak mo ang cp ni damon. May ginawa na naman bang kalokohan, may kasalanan pa yan sakin" Sabi ni mama danna na nagpatawa sakin. Wala na talagang mas nakakakilala sa sarili nilang anak kundi ang nanay nila. Nang dahil sa tawa ko nakakunot ang noo ni damon na tumingin sakin

"Wala pa naman ma. Ipapaalam ko lang si damon may overnight kami dito sa bahay e kaming magkakaibigan lang" Paalam ko

"Akala ko naman kung ano, Oks oks basta pauwiin mo bukas dahil may kasalanan pa sakin yan" SAbi naman ni mama dann

"Opo naman ma!" Tugon ko.
"Osige na at may ginagawa pa me. Mahal ko kayong tatlo" Malambing na sabi ni mama danna

"We love you too Mama danna. Byebye po" Pagkasabi ko naman nun pinatay ko na ang tawag. 

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now