Chapter 13

62 54 1
                                    

Pagkatapos ng usapan naming yun ang humarap nako sa mag jowang si chel at kristoff.

"Ang cute niyo naman." Sabi sakin ni chel na parang humahanga. 

"Baliw anong cute don?" Natatawang sabi ko sa kanya. Yan talaga ang first impression na mga nakakakita samin e.

"Wala lang ang cute na yung basagulero at walang inuurangan na si damon tumitiklop sayo at yung pinaka seryoso at pinaka tahimik na tao sa school nagsasalita ng mahaba sayo. Sana ol may ganyang kaibigan" Parang naiingit na sabi niya pero not in a bad way.

"Bat nakukulangan kaba sakin?" Sabat naman ni kristof kaya natawa ako.

"Hindi ah" Namumulang sabi naman ni chel.

"Kayo ang cute, makapaghanap na nga ng jowa" Nakangising sabi ko pero nawala yung ngisi ko ng makitang nakatingin sakin ng masama yung dalawa

"Anong jowa? Ok sige wala na akong punching bag atlis kung magkakaron ka ng jowa meron na din human sized na punching bag" May babala sa boses ni damon. Napatalas talaa ng pandinig pag usapang jowa. 

"Kung gusto niyang mapatalsik bakit hindi? Pwede naman." Nakangising sabi naman ni cyriel. Isa pa ito.

"Ayan na naman kayo! Kaya ayaw lapitan ng boys si babe e. Epal kayong dalawa" Pagsingit ni eden

"Kung kailangan mo ng lalake wag mo idamay si alexa. Di na niya kailangan ng lalakeng mananakit sa kanya" Inis na sabi ni cyriel. Susko eto na naman ho sila. Mga sakit sa ulo.

"Aba't-" Sasagot pa sana si eden ng awatin ko siya baa patulan siya nung dalawa pag di siya tumigil.

"Ssssshhh ingay niyo di ako makapagpahinga, pumunta ba kayo para magbangayan?" Pag awat ko sa kanila

"E babe kasi sila." Sumbong ni eden

"Anong kami? Baka gu-" Napatigil si damon ng pagsasalita ng makita nakatingin ako sa kanya.

"Fine, hindi na salamat ka babae ka" Bulong pa ni damon.

Natigil na sila sa pag aaway at nagpatuloy na lang sa pagkain ng matapos kumain tatayo na sana ako para ilagay sa lababo yung mangkok pero nakita kong kinuha na ni damon yung mangkok ko at nilagay sa sink. Nakita ko namang may dalang tubig si cyriel kasama ang gamot ko. Inabot niya to sakin ng hindi nagsasalita kaya kinuha ko yun ng hindi din nagsasalita. Ininom ko na iyon at binigay sa kanya. Binalik ko ang tingin ko sa mga kaibigan namin na nananahimik. Nakita ko namang sinundan nila ng tingin si cyriel. Kaya napatingin ako don at andon si damon sa sink naghuhugas ng pinggan at si cyriel naman naglilinis ng lamesa. Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko pero nakatingin parin sila don. 

"Oy!" Pukaw ko sa atensiyon nila. At napukaw naman yun.

"Oy babe anong ginawa mong potion para mapaamo yang dalawang yan?" Tanong sakin ni Eris.

"Oo nga" Sagot ni Eden na parang namamangha din sa dalawa.

"Ano ba kayo? Para kayong tanga hayaan niyo nga sila. Gusto niyo bang pumalit sa kanila sa paghuhugas ng pinggan." Sabi ko sa kanila. Sabay sabay naman silang umiling.

"Wala namang pasok bukas, Bakit di tayo mag overnight dito kina babe" Biglang sabi ni Eris

"Hoy ano yan! Ikaw nagdecide kahit bahay koto?" Singhal ko sa kaniya. Ang kakapal talaga ng mga mukha.

"Edi magpapaalam kay tita" Sabi naman ni ate pau at tumayo at pumunta sa likod ng bahay kasi andon si mama. Kaya wala akong nagawa

"Tita pwede ba kaming mag overnight dito?" Rinig kong paalam ni ate pau

"Pwede naman basta wag na magdala ng lalake. Sino sino ba kayo?" Tanong ni mama. Mga lalake talaga inaalala ni mama. Siyempre kahit naman puro lalake rito sa bahay magagalit parin sila kuya pag may ibang lalake dito.

"Kami kami lang po. Yung mga nandito" Sabi naman ni ate pau

"osige, pero magpaalam kailangan malaman kong pinayagan kayo ah!" Payag na sabi ni mama

"Opo tita. thankyou po" Mabilis na sabi ni ate pau lumapit samin.

"Since pinayagan na tayo, pwede na tayong umuwi para makapagpaalam at magadala ng gamit." Planadong sabi niya.

"Tama since 4pm palang naman mga 6pm kailangan andito na tayo. Para makabili ng pagkain natin. Yes, bibili tayo dahil nakakahiya kina tita pinayagan na tayo uubusin pa natin stocks nila" Sabi naman ni Eden. Aba't parang kanina pa nila plano to ah?

"sus nahiya pa kayo" Bulong ko pero sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako.

"Sige tara at magsi uwian kung pinayagan o hindi magchat sa kahit kanino na nandito. Para di tayo umasang dadating pa ok?" Sabi naman ni ate pau

"Osige mag alisan na kayo." Sabi ko nalang kaya lalong sinamaan ako ni eden

"Para makabalik kayo agad" Pang bawi ko naman kaya nawala ang kunot ng noo niya. Napaka pikunin talaga.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now