Chapter 18

57 47 0
                                    

Nang makaalis sila tsaka nagtanong ang mga kaibigan ko. Bakit nga ba lahat napapansin nila.

"Ganyan ba talaga sila sayo?" Tanong na naman ni chel. Kung walang tong jowa baka inisip ko na na may gusto to sa isa sa mga lalakeng yun.

"HAHAHAHA oo, wag kang mag alala masasanay kadin. Sina kuya nga nasanay na e." Pabiro kong sabi. Biro na totoo kasi nasanay na naman sila. Dati galit na galit sila pag pumupunta yung mga yun dito pero sa kakulitan nilang dalawa. Hinayaan na lang nila kaya ayan nasanay na lang din.

"Hay kailan kaya kami masasanay? Tuwing may ginagwa silang kasweetan sayo napapa sana ol ako kahit hindi mo sila jowa" Parang pekeng naiinggit ni eris. Baliw talaga tong isang to kala mo walang manliligaw. Ang pakipot kasi

"Makapagsalita ka eris sumbong kita jan kay jay e" panankot ko kay eris pero inirapan lang ako.

"Sus ang hirap kasing maging katulad ni babes sa pag aalaga kahit ata ako naiinlove pag inaalagaan ako ni babe wen e." Sabat naman ni cris.

"Bolera, konyatan ko kayo jan. Tara na nga!" Aya ko na lang sa kanila para matapos na ang usapan.

"Dito muna kayo ah? O kaya kung gusto niyo na magpalit ng pantulog dun malapit sa kwarto na tutulugan natin may cr." Paalala ko bago umalis. Paglabas namin ay sinuot ko ang jacket kahit na hindi naman ako nilalamig.

Maya maya ay dumating na sina kuya.Nakaupo sa shot gun seat si damon. Mukhang natalo sa bato bato pick. Nasa back seat naman si cj pero lumipat din sa likod. Naunang pumasok si eden sunod si eris tas huli ako. Sinara ko na ang pinto kaya nakalipat na si cj sa tabi ko.

"San ba kayo bibili?" Tanong ni kuya habang inaayos yung seat belt niya. Napalingon naman ako kay cj. Kasi kinabitan niya din ako ng seatbelt.

"Sa villapando na lang po." Magalang sabi naman ni eden kaya napatingin kami sa kanya at ng makita niyang nakatingin kami sa kanya ay umirap nalang siya. Kunwari lang tong si eden may gusto kasi kay kuya alexus.

"sakto para sa tapat ng 7/11 ako paparada. Ok lang naman na hindi na ako bumaba diba?" Tanong naman ni kuya.

"Oo naman ya para may bantay yung sasakyan" Pang aasar ko kay kuya. At agad naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Buti natagagalan niyo yan si alexa lakas kaya mang alaska niyan. Naiintindihan ko pa na tumagal tong dalwang lalakeng to kasi magkakaugali naman silang tatlo pero kayong mga babae? How?" Parang naguguluhan na sabi ni kuya. Kaya sinapak ko agad siya sa braso nagtawanan naman si cj at damon. At napangiti lang sina eris at eden mukhang di naintindihan.

"Manahimik ka nga kuya alexus magdrive kana nga lang jan" Naiinis kong sabi kay kuya para mapa halakhak siya. Halatang gustong gusto niya pag naasar ako.

"Wag ka na mainis, binibiro kalang ni kuya" Bulong naman ni cj sabay pisil ng kamay kong hawak niya. Umirap nalang ako. 

"Sus isa kapa gustong gusto niyong inaasar ako enu?" Pabulong na sagot ko sa kanya.

"Hindi kaya." Parang batang sabi ni cj. Natawa naman ako pero di ko na siya pinansin.Maya maya pa nakarating na kami sa villapando at pumarada na si kuya sa tapat ng 7/11. At sinabing aantayin nalang namin siya.

"Tara na, Maghati hati tayo ng hahanapin para mas mabilis. Sa mga drinks yung mga boys nalang dahil mabibigat yun. Tas kami namang girls sa junk foods" Pag aassign naman ni eden. Alam kong aangal yung dalawa pero sinabihan ko nalang na maghanap na agad para matapos na sila at makasama samin. Kaya umalis na yung dalawa tangay ang listahan.

"Puro junk foods talaga. Ayaw niyo namang magkasakit sa bato" Sabi ko kina eden.

"Di naman araw araw ag jujunk food babe, Pagbigyan mo na kami" Nakangusong sabi ni eden. Nagpapaawa pa.

"Osiya sige na hanapin natin ito ." Sukong sabi ko. Di naman ako mananalo jan kay eden. Pag gusto niya gusto niya walang makakapigil sa kanya.

Naghiwa hiwalay din kaming tatlo para mas mapabilis. Nagintay ako sa malapit sa counter nang matapos kong mahanap ang naka toka sakin. Mayamaya rin ay nagdatingan na si eden at eris dala dala ang mga junk foods. Wala pang ilang minuto ay dumating na ang dalawa dala dala na rin ang mga drinks. Mukhang tapos na sila sa kanila.

"Bakit andami naman niyan?" Tanong ko.

"Sinunod lang namin yung nakalagay." Inosenteng sabi ni cj.

"Ganyan talaga babe" Singit naman ni eris. Anong balak nila. Nakita ko pang may mga alak pero hinayaan ko na.Natapos namin ang paghahanap ng ibang junk foods kaya pumili na kami sa cashier.

Série d'amis 1: Meilleur AmiOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz