Chapter 10

65 52 0
                                    

Kinabukasan

Nagising ako ng alarm ko, tiningnan ko kung anong oras ng 6:30 na ng umaga. Normally 5 gising nako at nauunahan ko pa ang alarm clock ko. Pero ngayon parang nakikisabay yung katawan ko sa utak ko parang ayaw talaga pumasok. Ang sakit ng katawan ko ang bigat ng pakiramdam ko. Babangon na sana ako ng marinig kong may kumatok.

"Pasok" sabi ko nalang di ako makasigaw sobrang sama talaga ng pakiramdam ko tas ang sakit pa ng ulo ko dala ng hang over. Napasobra ata inom ka?

"Ate pasok na k-" Napatingin ako sa kanya ng napatigil siya sa pagsasalita.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May sakit kaba ang putla mo yan inom pa. Papasok na ako! Tawagin ko na lang si kuya para icheck ka" Sabi niya at umalis na.

Dahil sa sinabi niya dina ako nag abala pang bumangon. Maya maya narinig ko pa na namang may kumatok.

"Pasok" Sabi ko na lang ulit.

"O!anong nangyari sayo? Sobrang dami siguro ng nainom mo kagabi nu?" Pinapagalitan na sabi sakin ni kuya alexander

"Hindi ah" Tanggi ko. Hindi naman talaga kasi alam ko pa nangyari kagabi at ayoko na alalahanin feel ko lalong sasama pakiramdam ko pag ganon. Lumapit siya sakin at hinawakan ang noo ko.

"Nako alex ang taas ng lagnat mo!" Sabi ni kuya alexander at biglang inilayo yung kamay niya sa noo ko na parang napaso.

"Dadalhin ko na dito yung almusal mo pagkatapos ay uminom ka ng gamot. Wag kana pumasok pupunta ako sa school mo para magexcuse sayo kilala ko naman adviser mo at alam ko room mo" Mahabang paliwanag ni kuya at lumabas na pag balik niya may dala na siya sopas at tinapay may kape pa. Tapos kasunod yung isa ko pang kuya na si kuya alexus may na dalang tubig at gamot. Nilapag nila yun sa table ko at pinalalahanang kumain at inumin na ang gamot para dirediretso ang pahinga ako.



(3rd person POV)

Pag katapos dalhin Alexander ang panganay na kuya si alex ang almusal niya ay nagbihis na ito para pumasok pero dumaan muna ito sa paaralan ng dalaga para ipaalam sa adviser ni alex na may sakit ito at hindi makakapasok.Pagdating ni xander sa school naglalakad na siya ng pathway ng may tumawag sa kanya. 

"Kuya x" Tawag ni damon kay alexander. Napalingon naman si xander sa direksiyon ng tumawag sa kanya at nakita niyang si damon nga iyon ay nakahinga siya ng maluwag.

"D, buti nandito ka samahan moko sa room niyo. Aba teka wala pa ba kayong klase." Nagtataka na sabi ni xander kay damon

"Meron pero nautusan akong kuhanin ang gamit niya. Kaya eto madami bitbit, nga pala asan si a-alexa?" Nauutal na sabi ni damon sa pangalan ni alex

"Yun nga pinunta ko dito kaya samahan moko sa room niyo" sagot na lang nixander kay damon. Wala namang nagawa si damon kundi ituro na kay xander ang room nila.
"hoy D napaka tagal mo, pinasunod tuloy ako ni mam" Nakasimangot na sabi ng kakasalubong palang nila na si cyriel. Mukhang di nito napansin si xander

"Ah may nakita kasi ako" Sabi ni damon at nginuso ni xander

"Kuya xander andiyan kapala, asan si alexa" Tanong naman ni cyriel.

"Yun nga daw pinunta niya dito kaya bilisan na natin at hinahanap niya yung room naten" Nagmamadaling sabi ni damon at nagpatuloy ng mag lakad habang tinutulak si cyriel.

"Oo nga C. Mamaya malalaman niyo din pero mas importanteng makausap ko ang adviser niyo" Sagot ni xander bago sumunod sa dalawa.

Nang makarating sila sa tapat ng room. Pumasok na ang dalawa at sinabing hinahanap nga ni xander si mam. Lumabas ang teacher pero di niya alam na nakabuntot si damon at cyriel para makinig.

"Mam De veza?" Tanong ni xander

"Ako nga po, Ano pong kailangan niyo?" Magalang na sabi ni mam kay xander

"Ahmm ako po ang kuya ni Wendi Alex Jamco, Ako po si Marco Alexander Jamco. Gusto ko lang po sanang iexcuse ang kapatid ko" Sabi ni alexander nag pantig naman ang tenga ng dalawang chismoso na si Damon at cyriel

"At sa anong kadahilanan naman po?" Tanong ni mam

"Mataas po ang lagnat niya. Parang t-trangkasuhin kaya kung pwede po sana ay ma excuse niyo siya kasi magpupumilit po yung pumasok pag nalaman nitong marami siya mamimiss na activity or quizes" Magalang na pangungumbinsi ni xander

"Noted Mr.jamco, I'll tell to other teachers about her absence and condition. But please pass an excuse letter. So that I can present it to the office" Sabi uli ng guro

"Yes mam ipapadala ko na lang po mamaya kay Damon or CJ, Salamat po" Nagpasalamat na si xander at lumapit sa room. Pinalapit niya ang dalawa sa kanya

"D,C Pwedeng mamayang lunch break niyo punta kayo sa bahay at kunin ang excuse letter ni Alex. Nagmessage nako kay Alexus na gumawa na siya at iwan kay mama" Utos niya sa dalawa at tumango naman yung dalawa. Nagpaalam na siya sa dalawa pati sa guro ng kapatid at pumasok na siya sa school.


Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now