Chapter 22

57 46 1
                                    

Pagbalik ko don ay may panibagong pinaluto na naman si kuya vj at may pinahatid na pagkain di ako nawalan ng ginagawa. Pero ng magdatingan ang mga kakilalang estudyante ni kuya vj ay sila na ang pinagawa kaya naginhawahan ako. sa pagod ko sa nagpahinga muna ako sa table ni kuya vj sa loob ng canteen at umidlip saglit. Naalimpungatan ako ng maramdamang may tumatapik sakin.

"Alexa! Alexa!" Gising sakin ni damon na seryoso ang mukha.

"Bakit ka natutulog dito?" Sabi naman ni cj na seryoso din. Lagot ako!

"N-nakaidlip lang ako" Nataranta kong sagot

"Akala ko ba ay hindi ka pinapagod dito pero bat ganyan?" Parang nagtitimping sabi ni damon.
"Halika na umuwi na tayo" Seryosong sabi ni cj, ayoko talaga pag ganto si cj parang lahat papatulan niya. 

"S-sige p-paalam lang ako kay kuya vj jan lang kayo" Kinakabahang sagot ko. Bat bako kinakabahan? Pano ba naman napaka sesryoso.

"Hindi sasama kami" May pinalidad na sabi ni damon kaya wala akong nagawa kundi hayaan silang sumama

Tumayo na ako at lumapit kay kuya vj. Kasama niya ang mga babaeng nagsi datingan kanina.

Napansin nilang kasama ko sina damon at cj kaya napatigil sila sa pag uusap at napamaang sa dalawa maliban kay kuya vj. Lagi namang pumupumunta dito ang dalwa pag canteener ako kaya sanay na siya.

"Kuya vj wala na namang gagawin diba? Pwede bang umuna na ako umuwi?" Paalam ko

"S-sige. " Nag aalangang sagot ni kuya vj pano ba naman masama ang tingin ng dalawa sa kaniya

"Sige alis na ako kuya vj, Tara na" Aya ko sa dalawa pero di sila kumilos. Akmang hahatakin ko na sila ng biglang magsalita si cj

"Pinalagpas namin yung pang oover work mo kay alexa na naging dahilan ng pagkakatrangkaso niya vj" Matalim at walang galang na sabi ni cj. Ano na naman ba ito?

"H-huh?" Nagtataka at kinakabahang sabi ni kuya vj.
"At kaya pa rin naman naming palagpasin yung nangyari ngayong araw" Parang nauubos na pasensyang sabi ni damon. Susko wag nilang sabihing papalakihin pa nila to.

"Pero once na maulit ito ewan ko kung san pupulutin" Nagbabantang sabi ni cj

"Ano ba tumigil nga kayong dalawa. Tara na" Awat ko kasi baka patulan talaga nila si kuya vj

"Hindi ko naman pinapahirapan si wendi" Pagtatanggol ni kuya vj sa sarili niya. Nako dapat di nalang siya nag salita lalo lang di titigil tong dalawa.

"Wag mo kaming gaguhin vj! Sa dami mong tauhan dito sa canteen bakit puro si alexa pinapakilos mo?" Nanggagalaiting sabi ni damon. Hinawakan ko na sa braso ang dalawa para hatakin pero mas malakas sila sakin kaya parang hindi sila natinag sa hatak ko.
"Hindi naman siguro niya intensiyon na iuutos kay wendi yun baka nagkataon lang rafae-" Hindi natapos na sabi ng isang babae na kasama ni kuya vj sa pagkakatanda ko marie ang pangalan niya.

"Wag mokong tawaging rafael kasi di naman tayo close at wag kang mangialam sa usapan namin di ka kasali" Pagbabawal ni damon kay marie. Ayaw niya talagang tinatawag siyang rafael ng ibang tao maliban na lang kung family niya, ni cj at family ko.

"Wala akong pakielam kung hindi niya intensiyon yun kasi wala ng susunod, hindi na namin hahayaang mangyari yun. Kasi kahit kailan di na siya pupunta dito para utos utosan mo. Maliwanag" Nagbabantang sabi ulit ni cj.

"Ano ba tumigil na nga kayong dalwa! Tara na" Utos ko pero di talag nila ako pinansin.

"Maliwanag ba?" Inulit pa ni damon na parang nananakot kaya napatango si kuya vj

"Cyriel, Rafael tara na! Wag niyo kong inisin" Mahina pero matigas kong sabi kaya napatingin sila saking dalawa.

"Tara na! Ahmm sorry kua vj wag mo nalang pansinin yang dalawang yan. Sorry sa abala" Paumanhin ko sabay tulak palabas sa dalawa. Akmang lilingon pasila pero binilisan ko ng tulak para di na makaungot pa. Pag labas namin ay agad kung kinompronta ang dalawa.

"Ano ba naman kayong dalawa! Alam kong matataas ang tungkulin ng lolo at tito niyo sa school pero di ibig sabihin gagamitin niyo para lang makapang panakot sa iba." Saway ko sa dalwa. Nga pala FYI. Yung lolo ni cj mayor dito sa lugar namin at ang tito namang naman ni damon ang tumatayong principal saschool. Uunti lang ang may alam nun na pamangkin siya ng principal malamang ay alam din ni kya vj pero oonting teacher lang ang may alam sa connection ni damon at cj bukod sa ayaw nila ipaalam e. Wala lang hahahahah

"Hindi namin ginagamit ang koneksiyon namin alexa. Tinakot lang namin ng konti para di ka utos utosan" Pagtatanggol ni damon sa kanilang dalawa

"Tsaka tama lang sa kanyan yun. Salamat siya at di ko pa siya sinumbong kay tito leo" Sabi naman ni cj. Si tito leo e yung tito ni damon na principal

"Wag mo ng balakin. Di nakakatuwa yung ginawa niyong dalawa wag niyo na ulitin yun" Nanlulumong sabi ko.

"Hindi ako nagp-promise alexa kasi kung makikita ulit kitang ganun wag niya ng asahang may papasukan pa siya kinabukasan" Parang naiinis na sabi ni damon. Hirap talagang pigilan.

"Hays ok fine dina ako magluluto sa canteen para lang sa ikakatahimik niyo ok?" PAgsuko ko nalang hirap nilang sawayin.

"As if hahayaan ka namin nabumalik pa don" Sabi naman no cj. Wala talagang makaka awat.

"oo na tama na ok. Uwi na tayo inaantok na ko." Aya ko at mukhang tinablan naman sila sa narinig at pumayag na umuwi na. Pag gantong intrams kahit anong oras pwede umuwi ang mga organizers. At dahil kasama sila don e pinayagan kami lumabas.

Nang makarating sa bahay naghugas na ako ng katawan at nagbihis pagkatapos ko ay sila naman. Sa kwarto na kami tumambay. Diko namalayan ay nakatulog na pala ako.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt