Chapter 8

71 60 1
                                    

Maya maya ay nakakadami na kami pero dipa dumadating jowa ni chel.

"Bat wala pa jowa mo? Pano kung dikami dumating baka kanina kapa mag isa dito" Sabi ko sa kanya. 

"Nagtext malapit na daw siya." Tugon niya sakin. 

"Ah sige. Para naman may kasama ka dito" Sabi ko na lang at shinot ang alak ko. Saktong dumating yung jowa ni reschel kasama ang mga kaibigan nito. 

"Girls si kristof bf ko. tapos eto naman si mccoy, miguel at louis mga kaibigan niya. Boys eto naman si Wen, Eris, Eden, Cris at Pau mga kaklase ko" Pakilala ni chel samin nakipag kamay naman kami.Di parin mawala sa isip ko yung pag cutting ng dalawa.

"Hi wen? Kaibigan mo si jack at damon diba?" Sabi nung Miguel ata. Kaya napukaw ang atensyong ko.

"Sino yon?" Tanong ni chel. Mukhang di niya natatandaan yung dalawang yun. Paano ba naman lagi siyang wala sa room pag free cut. Tapos malayo pa pwesto niya samin kaya siguro di niya naalala.

"Classmate natin yun girl. Dimo kilala?" Sagot ni Eden. Umiling naman si chel.

"Hmm oo. Bakit?" Tanong ko at binalewala sila chel at eden. Nacurious ako bigla.

"Wala lang nakita namin sila kahapon e." Sabi ni louis habang nakangisi.Ayoko yung tono ng pananalita niya kasi parang may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan.

"Eh talaga saan?" Pagsingit naman ni Cris ng makitang natigilan ako sa sinabi niya.

"Sa tambayan nila. Alam ko namang alam mo yon, pero nakita ko din yung isa mong kaibigan e. Nagyoyosi pa nga sila don ang sabi daw may naka aaway daw sila" Sagot parin nung louis. Ayaw kong paniwalaan pero yung banta ni damon kanina kay cy parang tumutugma. Hindi ako sumagot at nananatili sa iniinom kung yung tingin ko.

"Talaga sino? Si cj ba?" Patuloy na pagtatanong ni cris. Mukhang nararamdaman na nila ang pagbabago ng mood ko.

"Oo ata basta yung nag MVP sa liga sa plaza" Sagot naman nito. Lalo akong nagngitngit. Akala ko pa naman magiging masaya yung gabing to.

"Ah ganon ba." Ako na sumagot pero di parin ako nag aangat ng tingin. Bigla kong naramdaman na nanahimik sila ayokong sirain yung gabi na to.

"Ano ba kayo, bat ang tatahimik niyo. Wag na nating pag usapan yung wala naman dito." Sabi ko saka ngumiti. Nakita ko namang na ease yung pagiging tense nila.

"Osige halika babe sayaw tayo sa loob" Aya sakin ni Eden. Buti nalang life saver ko talaga tong mga babes ko na to e.

"Tara, kayo di kayo sasayaw?" Tanong ko sa kanila.

"Maya nalang kami tinatamaan na e." Sagot nung jowa ni chel na si kristof.

Hinayaan na muna namin sila don at kami kaming mga babes ang nagpunta sa dancefloor. Sumayaw kami habang umiinom hanggang sa mapagod kami at mag decide na umupo na para mapakapagpahinga. At bumalik sa pwesto namin kanina.Pagbalik namin ay nakita naming nag uusap usap sila ate pau at chel. Bumalik kami sa pwesto kung san kami nakaupos kanina. Habang nakaupo kami ay naramdaman ko nag vibrate ang phone ko. Pagtingin ko si Alexis ang tumatawag.

"H-hello?" Pagsagot ko. Bakit naman kaya napatawag tong isang to? 
"Ate uuwi kana daw ba? Ipapasundo ka daw ni mama" Sabi ni six. 
"Baka maya maya pa, bakit daw ba?"
"Basta, Sabihan mo ako kung uuwi kana para mapasundo ka namin."
"Oo mayamaya text kita." 

Maya maya rin ay tiningnan ko na kung anong oras na mag aalas dos na din pala. Kaya pagkawala wala ng hilo ko naisipan ko ng umuwi. Nagsabi ako kay eden at sinamahan niya ako sa ate niya para mag paalam. Nag offer pa sila na ihahatid ako pero tumanggi nako. Si cris at eris ayaw pa umuwi samantalang si ate pau e. sasabay na daw sakin atsaka nasa bahay nila gamit ko. Nagpaalam nadin ako kina chel.

Nang makuha ko gamit kina ate pau nagtext ako kay six na sunduin nako. Pero diko pa nasesend yung message nakarinig na ko ng motor na papalapit sakin kaya napatingin ako. Nagulat ako kung sino yun pero diko pinahalata at bumalik ang tingin ko sa phone ko. Nasend ko kay six yung message pero nagkukunwaring mag ginagawa ako sa phone. Paano naman nalaman ng isang to kung nasan ako.

"Ano pang ginagawa mo jan?" walang emosyong sabi niya sakin.

"Nag aantay ng susundo" Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako papunta sana sa gate para madali akong makita ni six. Pero hinawakan ni cyriel braso ko.

"Sumakay kana ako pinapunta ni mama" May babala sa boses. Maka mama naman ito kala mo talaga anak ng nanay ko. Sumama nako at di nag salita. Susuotan niya na ako ng helmet pero kinuha ko yun sa kamay niya at sinuot ng mag isa. Nakitang kong napatigil siya at napabuntong hininga. Sumakay na lang siya at inantay akong makasakay.

"Kumapit ka sa balikat ko o bewang ko." Utos niya sakin pero di ako humawak don may kapitan naman sa likod ko e. Mukhang ramdam niya na umiiwas ako sa kanya. Inistart na lang ang motor at nagdrive.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now