Chapter 6

78 63 0
                                    

Pagkaalis ko sa room ay pumunta sa room ni ate pau. Sa mga kaibigan ko na babae siya yung hindi ko kaklase. Ayaw ko pa sanang umuwi pero mas ok narin para makapag palit akong damit para sa pupuntahan namin mamaya. Nga pala yung pupuntahan namin mamaya party lang kina eden kasi dumating ate niya. Invite kami tsaka yung iba pa niyang friends at alam ko namang di niya iinvite yung dalawa kasi mainit nga ulo niya sa kanila. Kaya pwede akong pumunta kahit di nila alam tutal naglilihim sila sakin papatikimin natin sila ng sarili nilang gawain.

Napatigil ako sa kaiisip sa dalawa ng marinig kong magsalita si ate pau.

"Oy babe uwi na tayo?" Tanong sakin ni ate pau. Bakit siya yung pinuntahan ko? Kasi canteener din siya kanina at ang mga canteener pwedeng umuwi na pagkatapos ng pagca-canteener

"Tara naaa, Kuha lang ako damit sa bahay tas sa inyo na ako mag aayos para di hassle. Asan na daw ba sila?" Tanong ko sa kanya at naglakad na papuntang gate.

"Andon na din sa bahay, Dun muna daw tayo habang nagpapalipas ng oras. Kasi 7pm pa daw mag iistart party e" Sabi ni ate pau at sumunod na sakin. Kung nagtataka kayo kung pano nakalabas yung iba kong kaibigan gaya ng sabi ko bumili sila ng props at ginawa ulit nila yung excuse. Diba ang babaet na estudyante? Wag tularan.

Nilakad na lang namin yung bahay since walking distance lang naman. Habang naglalakad napansin ata ni ate pau na malamin iniisip ko.

"Wen may problema ba? Nag away kayong tatlo?" Tanong ni ate pau. Simula talaga ng maging kaibigan ko yung dalawang tukmol na lalakeng yun. Tuwing may iniisip ako o kaya namomroblema ako. Akala nila sila lagi dahilan. Pero ngayon totoong sila nga

"Wala ate pau. Medyo pagod lang" Sabi ko nalang. Ayoko talagang dinagamay sila sa mga iniiisip ko kasi siyempre meron din silang ibang problema kaya ayoko ng makidagdag pa.

"Masyado mong pinapagod sarili mo. Matuto ka kasing humindi pag inuutusan ka ni kuya vj kaya sige utos yun sayo kasi g ka ng g e" Pagalitan sakin ni ate pau. Eto gusto ko sa kanya. Napaka caring.

"Ok lang ate. Last day ko  na naman din ngayon e" Sagot ko na lang para di na siya masyadong mag alala

"Hay nako, Sige pero wag ka na mag canteener ha? Susumbong na kita kina damon kasi masyado kang nagpapahaggard sa canteen na yan" Pananakot niya. Sila damon talaga sumbongan pag tingin nila may nagmamaltrato sakin pano ba naman walang inaatrasan yung dalawang yun. Lahat nilalabanan.

"Opo" Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami sa bahay naabutan ko yung kapatid ko na nanonood ng NBA.

"Ma! andito na si ate" Sigaw ng kapatid ko. Si alexis yun

"Oh! Bat ang aga mo six?" Tanong ko. Bakit six tawag naman sa kanya? Galing sa alexis yung xis binaliktad kaya ayan.

"May urgent meeting lahat ng teacher sa school kaya nag pauwing maaga teacher namin" Sagot naman ni six.

"Ah kaya pala" Sagot ko sabay lapit kay mama para mag mano

"Alex anak akala ko ay pupunta kayosa party nila Eden" Tanong sakin ni mama, Nakapag paalam nako sa kanya kagabi pati kay papa. Pinayagan niya ako basta wag daw masyadong iinom. Parang imposible yun lalo pa't kasama ko sila.

"Oo nga ma, kukuha lang ako damit at dun na kami mag aayos sa bahay ni Ate pau, ay oo nga pala kasama ko si ate pau. Ate pasok ka" Aya ko sa kanya sa loob. Nakapapunta na naman siya dito at kilala sila ni mama pati yung dalawang asungot ay kilala ni mama.

"Pau iha pasok. Upo ka muna anong gusto mo, Habang inaantay tong si alex" Rinig kong tanong ni mama kay ate pau naglakad na ko paakyat para makuha yung damit ko 

"Ate saglit lang ah" Diko na inanatay na makasagot siya ay umakyat nako. Nakahanda na yung gamit ko kagabi palang para di na hassle pag kukunin na. Hindi na ako nag abalang magpalit ng pambahay kasi nga wash day naman ako. Nang makuha ko yung bag ko kinuha ko rin yung powerbank ko at charger in case lang na malobat phone ko. Pagkakuha ko na nun ay bumaba na rin ako ora mismo.

"Ate nakuha ko na. Tara na?" Aya ko na sa kanya.

"Sige, tita una na po kami" Magalang na sabi ni ate pau.

"Ma alis na po kami." Sigaw ko naman at lumabas na ng bahay.

"Osige, Mag ingat ha!  Alex wag masyadong iinom" Paalala ni mama

"Opo ma" Sagot ko naman para mapanatag siya. Alam ko naamang medyo pasaway ako pero marunong parin naman akong sumunod.

Matapos magpaalam ay sumakay kami ng tricycle para marating ang bahay nila ate pau medyo malayo kasi sa school. At medyo pagod na rin masama narin ang pakiramdam ko pero hindi ako makakapayag na mahadlangan nun ang kasiyahan namin kaya binalewala ko na lang at tumuloy sa pupuntahan namin na parang walang inindang kahit ano. 

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now