Chapter 2

105 69 1
                                    

Rise and shine everyone. This is my first day! I'm scared yet excited.

I'm currently fixing and checking my things before going to school. Actually, walking distance lang yung school sa bahay. Kaya medyo ok lang kahit di ako masyadong maaga magising.

Naglalakad nako papunta ng school at may nakita akong pamilyar na lalake. Nakita ko siya kahapon sa room. Kaklase ko ata siya?

HAHAHAH hindi ko sure. Pero I'll try to approach him para naman may kasabay akong pumasok.

"Hi! Ako nga pala si Wendi nakita kita sa room kahapon. Kaklase moko!" Pambungad ko sa kanya. Tumingin siya sakin

"Hello." Grabe naman to. Ang damot magsalita!

"Would you mind if I ask your name?" Napapaenglish ako ng wala sa oras sa sobrang hiya ko.

"Nope, I don't mind. Cyriel John nga pala, you can call me CJ." Then naglahad siya ng kamay at bahagyang ngumiti.Ampogi pala neto.

"I'm Wendi Alex kung dimo natatandaan." Sabay abot ng kamay niya

"How can I forget?" Hanep englishero pala si Kuya.

"Pardon?" Siyempre kunwari englishera rin.

"I said, How can I forget you introduce your name yesterday and you say your name twice today. So How can I forget?" Pilosopong sabi ni CJ. 

"Sabi ko nga." Sagot ko na lang.

"I'll go ahead nice meeting you, Alex!"

"Aish don't call me in my second name."

"Your not a boss of mine. I will call what I want to call you. Bye, see you." Sabi niya bago siya umalis.

Ano ba yan akala ko pa naman may makakasabay na ko :< Hays para tadhana talagang pumasok ako mag-isa. 

Naglakad na papasok sa gate. "Good Morning po kuya!" Bati ko sa guard, "Good Morning din." Sagot naman ni manong.

Aba't tingnan mo nga naman ang bait pala ng guard dito. Nakahilera na ang ibang mga estudyante para sa flag ceremony. tae san ako pwepwesto e hindi ko pa naman alam san nakapwesto section ko!

"Wendi! Oy!" Tawag sakin ng hindi ko kilala. "Po?" sagot kahit na hindi ko sure kung ako ba talaga tinatawag.

"Classmate mo kami hehe! Tara sabay kana samin" Sabi niya sabay turo sa mga kasama niya. Yes naman kung sinuswerte ka nga naman talaga.

Yun sa wakas may nakakilala sakin. "Thankyou. Ok lang ba pwede pasabay?"

Nagtanong parin ako kahit inaya na ko in case lang baka ayaw ng ibang mga kasama niya.

"Ok lang tara na!" Aya nila sakin.

Naglakad na sila kaya sumunod nako kung san sila papunta.

"Nga pala. Alam kong dimo pa kami kilala kaya magpapakilala na kami. Ako nga pala si Cris daine Perez." Sabi nung unang babaeng tumawag sakin

"Hi! Ako naman si Eden Gabiola. As you can see ako yung pinaka maliit kaya matatandaan mo agad ako hehe." Sabi naman nung isa na medyo hindi nga katangkaran.

"Eris Jane Balcemeda is the name. Ako yung pinaka cute hahahahaha Hello" Sabi naman nung isa.

"Paulene Marie Oliveros naman ang pangalan ko. Nice to meet you!" Sabi pa nung huli.

"Hello sa inyo! Alam ko nagpakilala na ko pero magpapakilala ulit ako. Ako nga pala si Wendi Alex you can call me wen or wendi. Nice meeting you all" Sabay kaway sa kanila.

"At ngayon magkakakilala na tayo pumila na tayo ng maayos at baka pagalitan pa tayo. Mamaya na natin ituloy ang getting to know each other." Sabi ni Cris Daine

Pumila na kami ng maayos. Ilang sandali pa nag umpisa na ang national anthem kasunod panatang makabayan tas iba pang hindi ko alam na kanta. Soon malalaman ko din yan kasi alam ko naman kailangan ko yun kabisaduhin. Natapos ang Flag ceremony ng may onting announcement. Nakapila parin kami kasi by building ang punta sa room. Ang galing ng pag kakaorganize. Di na masama para sa isang school sa probinsiya.

"Wendi tara na!" Tawag sakin ni Ate Paulene. Bat ate? Kasi feel ko matanda na siya not by looking on her looks pero the way she talks parang ang matured e. Kaya I decided na Ate nalang ang itawag ko sa kanya.

"Osige po." Sagot ko tapos sumunod na sa kanya.Nasa harap na kami ng room. Andito na yung advicer namin.

"Miss Jamco? Andito naba si miss jamco?", Hanap sakin ni mam. Kaya nagtinginan sakin mga classmate ko.

"Yes po Ma'am?", Sagot ko naman kay mam sabay taas ng kamay.

"Andito kana pala. Osige pasok na class. Wait here miss jamco. Tingnan ko muna kung san ka pwede umupo." Sabi sakin ni Ma'am ng makita niya ako.

"Ok po Ma'am. Thank you po!" Pagkasagot ko ay pumasok na si mam sa room. Maya maya tinawag niya para pumasok ng room. At bigyan ng upuan.

May katabi akong dalawa ng lalake. Sabi ni mam si CJ na nasa kanan ko ay transferee rin galing sa manila. Siya yung nakasalubong ko kanina na balak kong sabayan pero iniwan din ako at katabi ko naman sa nasa kaliwa ay returnee na ang pangalan ay Damon Rafael Clet. 

Diko alam kung swerte o malas na parehas lalake katabi ko. Swerte kasi ayoko sa maiingay o madadaldal at sanay naman ako na puro lalake katabi ko kasi nga one of the boys ako sa bahay. Malas naman kasi gusto ko makihalubilo pero mukhang suplado yung isa kong katabi tas yung isa naman diko alam kung may saltik o may toyo. 

Let's see kung anong mangyayari.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now