Chapter 32

33 29 0
                                    

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila ay sumalubong agad samin ang family ni CJ at cinrongratulate sina Damon. Lumapit si Papa samin at inakay si CJ at katulong naman nito si Damon.

"Wen anak halina sa loob." Aya sakin ni Mama.

"May pilay na naman po ma." Nagpapawang sabi ni CJ.

"Wala tayong magagawa kasama lagi yung masasaktan. Nakakapag alala man pero hayaan na natin." Nang makapasok kami sa loob medyo marami ng tao, karamihan ay kamag anak nila CJ. Nakita ko din sina kuya at six kasama ang mga pinsan ni CJ pati ang Kuya ni Damon ay kasama rin nila.

"Kumain na muna kayo bago uminom ha?" Paalala ni Mama Riela.

"Opo Ma." sagot nung dalawa. Naglakad kaming tatlo papunta kitchen para kumain sa kalagitnaan ng pagkain ko ay naramdaman kong nagvibrate phone ko. Tumatawag pala si mama.

"Hello po Ma." Sagot ko, napatingin naman agad yung dalawa.

"Anak asan yung dalawa?" Tanong ni Mama. Mas inuna hanapin yung dalawa kesa kamustahin ako e ako yung anak niya.

"Andito sa tabi ko Ma kumakain. Teka ilo-loud speaker ko.

"Sige." Tipid na sagot ni Mama.

"Ma naka loud speaker na."

"Rafael at John Congrats, Narinig kong nasugatan daw kayong dalawa ayos lang ba kayo."

"Salamat Ma." Sabay na sagot ng dalawa.

"Ayos lang po kami ma kaso si C may pilay po Ma." Sabi ni damon na parang nagsusumbong.

"Haynako, Malala ba?" Nag aalalang sabi ni mama.

"Ma wag kang mag alala di naman daw malala ilang araw lang rin daw ang gagaling na po to." Pangungumbinsi ni CJ kay Mama para di na ito mag alala.

"Mabuti kung ganon, Hala sige mag celebrate na kayo jan. Wag masyadong madaming uminom. At kung maaari wag na painuim si Alex ko." Paalala ni Mama.

"Ma naman." Pagmamaktol ko.

"Opo ma kaming bahala." Pang aassure nung dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Osige na." Paalam ni Mama.

"Bye ma labyu." Sagot nung dalawa tsaka pinatay ang tawag.

"O wag ka daw iinom." Sabi ni CJ.

"He! Ikaw ang hindi iinom." Pagbalik ko sa kanya kaya napasimangot siya.

"Alexa naman celebration naman to. Tsaka tayo tayo lang naman." Pagmamakaawa ni CJ salamat siya.

"Oo na pero onti lang." Pagpayag ko wala naman akong magagawa. Tsaka ang hirap nila tiisin kaya sa una palang una palang e sumusuko na ako.Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa backyard ng bahay nila CJ kasi doon daw ginaganap ay celebration kuno.

Pagdating namin don ay nakita ko agad sina babe at ang ibang player ng warriors na nag uumpisa ng mag inom.

"Babe wen dito ka!" tawag sakin ni Eden. At agad naman akong nagtungo doon. Samantalang yung dalawa ay tumabi sa mga kateammates nila Pero bago pako nakalayo naring ko pa ang sabi ni damon.

"Onti lang ha?" bulong na paalala niya. Tumango naman ako para wala ng argumento.

Maya maya rin nag aya na yung dalawa sa taas. Sabay pang lumapit sakin tsaka tumabi.

"Alexa akyat  na tayo sa taas. Nahihilo nako." Tipsy na sabi ni Damon sakin saka sumadal sa balikat ko.

"Opo na po! Tara na." Sabi ko sabay tayo, tumayo na si Damon pero si CJ hindi pa kaya napatingin ako sa kanya. 

"John, Tara na sa taas!" Aya ko kay CJ habang nakaub-ob na ito sa lamesa. 

"Hmmm." Ungot nito sakin. 

"Rafael, akayin mo na si John! Aayusin ko na kwarto sa taas." Utos ko kay Damon. Tsaka umalis at pumasok sa loob bahay. 

Pagpasok ko naabutan ko si Mama Riela.

"Oh! Alexa anak, Tapos na ba kayo?" Bungad sakin ni Mama Riela ng makita ako.

"Hindi pa po pero yung dalawa po may tama na at nag-aaya napo. Kaya aakyat napo sana ako para maayos yung kwarto." Sagot ko naman kay Mama Riela, napatango naman ito sa sagot ko.

"Hala sige! Para makapagpahinga nadin kayo." Sabi sakin ni Mama Riela saka hinayaan na akong umakyat.

Pagkapasok ko sa kwarto ni CJ nakita ko na don maayos na. Pero nilabas ko yung iba pang unan kasi malamang sa malamang dito kami matutulog ni damon. 

Maya maya rin pumasok na din yun dalawa. Inalalayan kong makahiga si CJ. At inutusan namang magbihis si Damon. 

"Alexa magbihis kana don sa kwarto. Papalitan ko na si CJ." Utos sakin ni Damon pagkalabas niya sa kwarto. 

Otomatikong napangiti naman ako at tumango.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas nako sa kwarto at naabutang nakahiga na ang dalawa. At as usual may bakante sa gitna. Dahil dun ang mahiwagang pwesto ko.

"Tulog na tayo Alexa." Sabi sakin ni Damon.

"Opo, goodnight!" Malambing na tugon ko sa kanya. 

"Goodnight den." Malambing din na sagot nito. Tsaka humalik sa noo ko. 

Pagkahigang pagkahiga parang robot na mabilis na nagsiksikan yung dalawa sakin na lalong nagpangiti sakin. 

Diko rin namalayan na dinalaw na ako ng antok.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now