Chapter 11

63 53 0
                                    

(Back to Alex POV)

Sobrang bigat parin ng katawan ko pero pilit ako bumaba sa sa sala para kumain ng tanghalian. Pero ako bumaba nagsuot siya ng pants pinatong ko ito sa pj's ko. Tapos nagsuot din ng jacket. Dahil sobrang nilalamig ako pagkatapos ko magsuot nun bumaba ako.

"O bat ka bumaba?" Tanong sakin ni mama bago hinawakan ang noo ko. Pero bigla din niyang iniwas ang kamay niya

"Nako napaka init mo. May nararamdaman kabang kakaiba? Gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" Nag aalalang sabi ni mama.

"Mawawala din yan ma! Wag ka mag alala, at wag kang maglalapit sakin baka mahawa ka. Asan ba yung mask?" Tanong ko kay mama at dumistansiya ng onti. Umalis naman si mama sa harap ko at pagbalik niya may dala na siyang mask.

"Suotin ko yan mamaya ma, Kain muna ako para makatulog na ulit ako" pakasabi ko nun ay kumain na ako at nang matapos ako kumuha na ko ng gamot sa medicine kita at ininom yun. Humiga na ako sa sofa ayaw ko sa kwarto feel ko lalo ako magkasakit. Pagkahiga ko ay dinalaw na ako ng antok.  

Naalimpungatan ako ng marinig ang bosess ni Damon.

"Ma ang init niya parin" Nag aalalang boses niya.

"Oo nga e. Gusto na siya dalhin sa ospital kaso ayaw niya" Mukhang nag aalala na talaga si mama.

"Magiging okay din yan Ma. Wag kana mag alala baka pati ikaw magkasakit niyan." Saway naman ni cyriel kay mama. Buti nalang kahit mga gago sila mahal nila si mama

"Nga pala ma yung excuse letter ni alex? Pinakuha samin ni kuya x" Sabi ni damon na nananitili parin sa tabi ko.

"Oo nga pala, kunin ko lang sa taas" Sabi naman ni mama at umakyat na na para kunin yung excuse letter.

"Tangina, bakit naman nagkasakit ka? Pano kami magsosorry at magpapaliwanag niyan" Namamaos na sabi ni damon at ramdam ko na umob ob siya sa tiyan ko.

Naramdaman ko namang lumapit si cyriel hinawakan ang pisngi ko muntik na ko mapadilat sa sa gulat pero napigilan ko paring dumilat.

"Magpagaling kana, di na kami uulit. Miss na miss ka na namin! Kanina mababait kami, tanong mo pa kay kuya x nakita niya kami kanina" Pababy na sabi ni cyriel. Yan napapala ng pasaway.

"Pagaling kana pls?" SAbi ni damon sabay halik sa kamay ko. Samantalang si cyriel sa noo ko humalik. Dumating si mama ng nakaganong posisyon kami. Pero balewala lang sa kanya masyado siyang may tiwala dito sa dalawang ito e.

"O eto na! haynako kayong dalawa mag lalayo kayo kay alex at baka mahawa kayo" Saway ni mama.

"Gusto ko na ngang kunin yung sakit niya ma-" Napatigil naman sa pagsasalita si damon at nakarinig ako ng hampas. Malamang ay ihampas siya ni mama.

"Ikaw na bata wag kang mag gaganyan. Ay hala ipasa niyo na yan at bumalik na lang kayo dito pag uwi niyo." Utos ni mama kaya walang nagawa yung dalawa kundi tumayo. Humalik muna sila sa ulo ko at nagpaalam kay mama. 

Narinig ko namang nagbukas sara ang pinto hudyat na naka alis na sila.

"Wendi Alex bakit ka nag papanggap na tulog ha?" Sabi ni mama, haynako kahit kailan talaga dika makakapagtago kay mama.

"Ma naman" Ungot ko.

"May problema ba kayong tatlo? Kaya siguro napakalungkot nung dalawa?" Pagtatanong ni mama, hindi ako pwedeng magsinungaling kaya kinwento ko kaya mama lahat.

"Haynako anak. May mga bagay hindi madaling alisin kung kailan mo gusto. Atsaka may kasabihan nga wag mong talian baka kumawala, isipin mo hindi ba nagiging masyadong mahigpit ka sa kanila? Anak mga lalake sila, normal iyon sa kanila at wag mong hayaan na ng dahil lang don magkaron ng lamat sa pagsasamahan niyo. Masyado kang mahal ng dalawang lalakeng yun kaya maghinay hinay ka. Anak, Alam ko ginagawa mo lang yung para sa ikabubuti nila pero hindi mo silang mauutusang iwasan yung bagay na imposibleng iwasan. Panahon na para ikaw naman ang uminti alex" Pagpapaliwanag sakin ni mama bago umalis.

Masyado nga ba akong naging mahigpit sa kanila. Ayaw ko lang naman na mapasama sila, masyado ko din silang mahal kaya masakit para sakin pag sinasabihan sila ng kung ano ano. Dahil sa sinabing yun ni mama di na talaga ako nakatulog.

Diko napansin na mag aalas kwatro na, bumangon ako at umakyat nag hugas ako ng katawan kasi sabi ni mama wag muna maligo bago mabinat daw ako lalo. Pagkahugas ko ng katawan nagsuot nako ng hoody at jogging pants. Sinuot ko din yung mask para narin maiwasan na makahawa. Lalo pa medyo may katandaan na aming mader.

Série d'amis 1: Meilleur AmiWhere stories live. Discover now